Indecisive: Talent Week, Day 3

63 5 2
                                    


The Fallen Knight

Erin's POV/

"Bakit ayaw mong pumunta dun?" Tanong ng batang lalaki sa akin yung bata ako.

Nasa kalsada sila at halatang tumakbo palayo yung batang ako at hinabol ako ng batang lalaki.

Ano nanaman toh?

"Ayaw ko dun natatakot ako." Sabi ng batang babae, biglang napaupo at umiyak sa tabing kalsada.

Bakit ako umiiyak?

"Natatakot ka? Saan?"  Lumapit ang batang lalaki at tinahan niya ang batang babae.

"Natatakot ako." At humikbi ako ng mas malakas.

Hindi nagsalita yung batang lalaki at niyakap niya ako ng mahigpit, yung batang ako.

"Salamat." Sabi ko at pinunasan ko luha ko.

Agad akong napabangon ng kama dahil nanaman sa panaginip na yun. Di ko na talaga maintindihan.

Argh ang sakit ng ulo ko.

Teka, ngayon performance namin! Hala! Huh? Anong araw na ba?

Tatayo sana ako kaso narinig kong may sinasabi si Leigh kaya nanatili na lang ako sa kama ko.

"Maghanda na kayo diyan, sisilipin ko lang si Rin." Sabi ni Leigh at bumukas yung pinto sa kwarto ko. Pagkabukas ay tiningnan ako ni Leigh at kinunot niya nuo niya.

"Buhay pa ako." Sabi ko sa kanya kaya nagising na siya kahit papano.

"One sec." Sabi niya at lumabas ng pintuan at pumasok ulit.

Ano ginawa niya?

"Okay buhay ka nga."

"Umm oo di naman ako namatay, right?" Lumapit sa akin si Leigh at hinawakan yung nuo ko, pisnge ko, at tiningnan niya ako maigi. Hinawakan niya ako sa balikat at shinake yung katawan ko.

Leigh, mamamatay na ako sa hilo.

"Yup di ka nga namatay."

Huh? May balak ba silang patayin ako? Wow I should have known.

"O—kay?" Bumangon ako at inalalayan ako ni Leigh palabas ng kwarto ko.

Pagkalabas ko ng pinto nakita ko kaagad si Blanche na nanonood ng t.v. narinig niya siguro ang pagsara ng pinto kaya lumingon siya sa akin.

"Hello sleeping walang beauty. Si Leigh lang pala ang prince charming mo eh, edi sana di na namin tinawag si Eros."

Tinawag nila si Eros? Para saan?

"Huh? Para saan?" Tanong ko naman.

"Bukod sa gisingin ka niya, nagpadala kami ng pagkain." Nilingon ko yung kusina at nakita kong nagluluto si Xia at kumakain naman si Lucy. "Nag C.R. lang siya, babalik din yun. Teka asan ba siya?" Tiningnan ni Blanche phone niya at nag text duon.

"Si Eros ang niyaya namin tutal hindi namin magambala si Kenso at performance niyo na mamaya. Tsaka hindi kami sure kung sino prince mo." Sabi sa akin ni Leigh at sinamahan niya ako papunta sa kusina. Sumunod naman si Blanche at nilayo sa akin si Leigh.

Bakit ba nandito yang gaga na yan?

"Hoy bakit?" Tanong naman ni Leigh hinila siya palayo ni Blanche.

"Ang gaga mo Blanche! Baka matumba si Rin!" Tatakbo sana si Xia kaso biglang umusok ang niluluto niya.

Hindi ko alam kung paano ako nakakatayo kaya hindi ko alam kung kaya ko din maglakad.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon