Indecisive: Talent Week, Day 5

40 5 0
                                    

Destiny's Game

Erin's POV/

Hindi ako makatulog kagabi at naalala ko yung sinabi ni Eros sa akin. Gusto ko na matulog kaso pag pipikit ako naalala ko. Kahit anong pilit ko hindi talaga ako makatulog, kaya umabot na ng umaga at ako na ang nag luto dahil ako nga naunang nagising. Nagsimula ako maghiwa ng manok at tinola lulutuin ko.

Habang nilalagay ko yung papayang hilaw may pumasok nanaman sa isip ko kaya nabitawan ko yung plato.

"Can I court you, Erin?"

AAAAHHHH pucha I don't know!! Parang tanga eh! Napuyat ako dahil dito, bakit kasi ganto naman?! Ano isasagot ko diyan?

Gusto ko ba siya? Hindi ko alam. Hindi ko alam gagawin ko. Lintek na yan, ano isasagot ko dun?

Napakamot ako sa ulo ko at padabog kong nilagay yung plato sa lababo at pinatay ko muna apoy sa niluluto ko. Nakabusangot akong nakatingin sa niluluto ko at hindi ko na alam ano gagawin ko. Para naming kasing tanga!

Oo alam ko na pinipilit ko siyang manligaw sa akin, pero kasi di ko naman alam na seseryosohin niya! Nagbibiro lang ako eh bakit naman kailangan totohanin?

Okay lang ako sa no label, mas free yun. Kaso naman si Eros kasi, ang bait niya, ang gwapo, ang talino, ang talented tapos boyfriend material talaga siya. Ang swerte ko masyado. Bakit kasi ako? Pero wala eh mukhang pinagpala talaga ako. I mean Eros is a package.

Damn.

Narinig kong may bumukas na pinto kaya inayos ko sarili at tinuloy ko yung niluluto ko.

"Akala ko may pusa." Sabi ni Xia habang nakabalot sa kumot niya at buhaghag yung buhok.

"Di ko din sure kung ano ako."

"Sino ka ba?" Tanong niya at kinusot niya mga mata niya.

"Erin Zeller."

"Ang panget ng pangalan mo."

"Oo nga ang pangit- Hoy ano?" Talagang sinabi niya na pangit pangalan ko?

Umalis si Xia at pumunta sa banyo para mag ayos ng sarili. Tinuloy ko naman ginagawa ko at tinawanan yung pinagsasabi ni Xia, baliw na ata yun.

"Bakit ka tulala kanina?" Halos mabasag ko yung mangkok dahil biglang sumulpot si Xia at tinikman yung niluluto ko.

"Di ko alam, siguro. Teka bakit ka ba nanggugulat?" Pag iiba ko ng usapan. Ayaw ko pa naman maalala yun eh!

"Hiwaan mo ako ng apple at orange." Tulog pa ata si Xia. Pumunta ako sa ref at naglabas ako ng apple at orange. Bago ko pa mahiwa yung apple may kumatok sa pinto at si Xia ang sumagot duon.

"Sino yun?" Pasigaw kong tanong kay Xia.

"Si Nathan!" Pumunta ako sa pinto at si Nathan nga.

"I just wanna ask if you can give some salt."

"Oh Okay, hold on a sec." Si Xia ang umalis at kumuha ng asin sa kusina at naiwan ako dito kay Nathan.

"So um, What are you cooking?" Tanong ko sa kanya.

"Carbonara. You want some?"

"Hmm maybe you can eat with us, I mean mag isa mo lang ba diyan sa unit mo?"

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon