Indecisive: A Date to Remember

27 4 0
                                    


Erin's POV//

"Putangina, As in putangina." Nagising ako sa mga mura ni Xia. Lumabas ako at tiningnan pinaggagawa nila at nakita ko si Lucy mag isa sa sofa at si Leigh nagluluto at kaharap ni Lucy si Xia na kanina pa nagmumura.

"Wow ang ganda ng bungad, As in WOW." Sabi ko habang papunta sa kusina para kumuha ng gatas at kakagising ko lang.

"May di inaasahang pangyayari. Kanina pa sila diyan actually." Sabi ni Leigh habang nagpriprito ng Chicken.

"What do you mean? Is it about a guy?" Tanong ko naman habang umiinom ng gatas.

Bumuntong hininga si Leigh at sumagot siya, "Ask them."

It is about a guy.

"Hey! Anong meron?" Tanong ko sa dalawa.

"Well we just found out na iisa ang guy na kinakausap namin for a month, and we don't know what to deal with this." Sagot ni Xia. Stress na si ate. Grabe.

"What a playboy, sabi niya wala siyang ka-chat na iba." Sabi naman ni Lucy.

"Scam."

"Scam."

"Sa dami naman kasi ng isda sa dagat, iisang bangus pa yung nabingwit niyong dalawa."  Tinawanan ko sila at nakakatawa sitwasyon nila.

"Maghati kayo, kay Lucy yung buntot tapos kay Xia yung ulo." At tumawa kami ni Leigh.

"Akala niyo talaga biro noh?" Mas lumakas tawa namin ni Leigh.

"Mag ayos na nga kayo papasok na tayo hahahahahahaha." Sabi ko at di parin ako tumigil kakatawa.

~

Nag hihintay na si Eros sa labas kaya nagpaalam na ako sa mga babae at sumakay na ako sa loob ng kotse niya.

"You look good." Sabi ni Eros at nag vibrate agad yung bracelet kaya tinanggal ko muna at sa akin lang ata effective toh.

"Well thank you very much."

"Where do you want to go?" Haler sa school ah, may pasok kaya.

"Sa school of course, may pasok eh"

"We have a approximately one hour before the Class starts."

"Okay! To the mall!"

"To the mall it is!" Tinawanan ko siya at sinabayan ang enthusiasm ko, he got the vibe check.

"What should we do there?" I ask.

"I don't know, eat or shop maybe?" I laughed as he look at me shocked.

"Hey! Eyes on the road!"

"Well, we are going to the mall and you don't have a plan at all!"

"Well I wanna buy some practice clothes so I think we should go shopping."

"Sige sasamahan kita."

"Wala kang choice Eros, wala kang Choice."

~

Nakarating kami at ang una naming pinuntahan ay ang milktea shop, akala ko pa naman hindi kami kakain.

Nagpunta na kami sa isang store at nakabili na ako ng mga oversized sweaters some pajamas and jacjets and yes pera ko ang gamit ko may hiya naman ako noh. Nakakapagtaka, ang init init pero gusto ko mga ganyan, well laking k-drama ako eh.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon