Erin's POV/
Huling araw ko na unit naming mag kakaibigan at naka pack na lahat ng gamit ko dito sa kwarto ko. Sa probinsiya ako mananatili bago kami tuluyang umalis papuntang Manhattan. Napag usapan na din naming magkakaibigan na hindi nila ako ihahatid dahil baka magsisi ako at hindi na umalis.
Iiwan ko tong kwarto ko tulad ng madatnan ko ito. Nilagay ko sa isang side lahat ng gamit ko at uuwi na ako sa probinsiya mamayang gabi. Saktong 11:00 am at mag aayos na ako mamaya para mahabang byahe.
Binabalak ni Nat na siya na ang ang gagamit ng kwarto ko para makatipid din siya sa rent. Hindi ko din nakitang magandang idea na magcondo siya mag isa. Ibig sabihin lang mayaman talaga siya.
Nilabas ko na yung damit na susuutin ko mamaya at naupo ako sa kama ko. Pinagmamasdan ko ang kwarto ko na wala ng halos laman, nahiga ako sa kama ko na walang balot at nanatili akong ganuon ng mga ilang oras.
Mabigat sa pakiramdam na iiwan ko na tong kwarto na 'toh dahil napamahal din ako dito kahit isang taon lang. Alam ko na maraming dahilan bakit mabigat loob ko pero ang pinaka hindi ako mapakali ay ang kahihinatnan ko sa Manhattan.
Masakit sa akin na iiwan ko sila Leigh. Hindi ko nakikita sarili ko na hindi sila kasama. Masakit na pagdating ko duon ay mag isa ko lang. Hindi ko alam kung kaya ko. Wala akong kaalam alam sa lugar at para tumira duon mas natatakot ako.
Pagkabangon ko ay may kumatok sa pinto bago ito bumukas at pumasok si Nat na may dalang isang bagpack at isang box ng pizza.
"Bakit ka may bag?" Tanong ko sa kanya.
"Well, pumayag ang parents ko na dito ako sa unit niyo lilipat kaya ito una kong nilipat. Pizza?" Nilapag niya ang bag sa kama at kinuhaan niya ako ng isang slice ng pizza.
Kinuha ko yung slice ng pizza at kinain ito. Naupo siya sa kama at tumabi sa akin. Huminga ako ng malalim at sumandal ako sa balikat niya. Narinig ko naman siyang natawa ng marahan.
"Why so down Rin? Hindi ba pangarap mo na maka punta sa Manhattan?"
"I'm happy about that. It just burdens me that once I get there, I am alone. Hindi pa ako nakakapunta ng Manhattan. Kahit imagination ng place na yun wala din."
Tinawanan niya ako at inubutan ulit ako ng slice ng pizza.
"Hindi pa nagsisimula yung adventure mo takot ka na. Overthinking won't help you Rin, try thinking this way," Inalis niya ang ulo ko sabalikat niya at hinarap ako sa kanya. Tiningnan niya ako sa mata at nginitian.
"you are the most positive person I have ever met. Even failure does not scare you. You are naturally positive person, you will get your way in life, it's just starting. Sigurado ako na makakahanap ka ng friends mo sa Manhattan."
Napangiti ako at kinain ko yung pizza na hawak ko. Lumayo ako kaunti sa kanya at naupo ng maayos. Saka din pumasok sa isip ko yung huling sinabi ni Nat.
"But they are not you or Leigh and the others." Binababa ko ang tingin ko at niyakap ako ni Nat. Niyakap ko din si Nat at pinipigilan ko sarili ko na umiyak. Unti unting nabibiyak ang boses ko at kaunting salita na lang ay iiyak na ako.
"It's fine, new people are cool."
"Like you?"
"Yes Rin, like me."
Bumagsak ang luha ko at niyakap ko ng mahigpit si Nat.
"I'm gonna miss you."
Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni Nathan at pinapatahan niya ako.
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...