Indecisive: Drive Safely

12 2 0
                                    

Erin's POV/

"And....... Done!" Pinindot ko ang print sa enrollment ko. Ito lang daan para makapunta ako ng Manhattan Academy at sasagutan ko na lang yung iba pag uwi ko sa Zambales dahil nandun lahat ng certificate ko.

At may isa pa na wala pa sa enrollment ko, parent signature.

"Talagang gusto mong pumuntang Manhattan?" Nginitian ko si Leigh.

"Yep!"

Lumapit sa amin sina Lucy at Xia. Tinabihan ako ni Lucy at si Xia naman ay niyayakap si Leigh.

"Alam kong broken hearted ka, let me hug you!" Sigaw ni Xia at niyakap si Leigh, pero si Leigh naman kumakawala.

"Pag si August yayakap, okay lang. Pag kami, ayaw?" Sabi ko at tinawanan namin si Leigh na natameme at nag isip?

"Hindi niya ako niyakap. Kahit kailan."

Weh? Walang ganun Leigh. Sa mga libro nga wala din.

"Walang ganun Leigh." Sabi ni Lucy.

"Bakit ba kasi ako pinag uusapan? Si Rin yung aalis."

Nagtaka akong tumingin kay Leigh.

'Aalis na ako?'

"Baliw! Hindi ako aalis noh."

"Aalis pa lang?" Agad na kinuha ni Lucy yung papel na hawak ko at binasa ito kasama si Xia.

"Oo, balak niyang pumuntang Manhattan." Tiningnan ko kaagad si Leigh at sinenyasan ng 'Bakit mo sinabi?'

Sumagot din siya ng pabulong ng. 'Bakit di nila alam?'

Sumagot ako ng 'Sasabihin ko pa lang eh.'

'Kasalanan mo yan.' Sagot naman niya.

Nginitian ko siya ng peke at inirapan. Masyado siyang advance eh. Ako pa may kasalanan eh siya yung nagsabi.

"Oh aalis ka nga. Ang alam ko wala pang nag e-enroll sa Manhattan since 2011. You're luck, kukunin ka nila agad." Sabi ni Lucy at binalik na yung enrollment form ko.

"Hindi pa naman niya nasasagutan lahat ng questions at ang matindi wala pang pirma yung parents signature. Ang tanong mapipirmahan ba yun?" Nagkibit balikat ako sa sinabi ni Xia. Sino ba namanl kasi gagawa ng enrollment form ng hindi alam ng magulang? Syempre ako.

"Hindi nga sila payag sa pag enroll mo dito, sa Manhattan pa kaya?"

"Wag nga kayong advance, gusto ko lang naman i-try. Baka mapayagan ako at baka samahan pa nila ako sa Manhattan!"

Sinimangutan nila akong tatlo at nagtinginan pa sila bago sumagot.

"Girl, alam mo kung gaano ka unsupportive yang parents mo and ineexpect mo na papayagan ka agad?"

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon