/Erin's POV/
Kakatapos ko lang magluto ng tanghalian namin, pinauwi kasi kami agad dahil half day daw ngayon at may exam yung mga 4th year high school. Seryoso gusto ba nila kami mag aral? Lagi nalang kami walang pasok ah.
"Pwede na natin magamit yung kotse." Sabi ni Leigh, nasira kasi yung kotse na ginagamit namin noon at si Leigh lang may kakayahan na ipaandar yun kaya siya ang nag paayos.
"Makakapag road trip na din sa wakas." Sabi naman ni Lucy at pumunta na sila sa dining table.
"May pasok tayo hoy." Sabi ni Xia at tinulungan ako mag hain ng ulam at maglagay ng plato, señorita kasi yung dalawa.
"Saan ka nagpaayos?" Tanong ko kay Leigh, ang alam ko wala siyang alam na talyer dito.
"May talyer yung kaklase ko sa Visual Arts kaya nagpasama ako."
"Lalaki?" Tanong ni Lucy habang kumakain. Tsaka nakakapag taka na di niya kami ininform na ipapagawa na niya yung Honda Wigo na pinag ipunan namin na pinangalanan namin na Parmesan.
"Oo, si Kyler Fugger. Katabi ko sa Visual Arts. Nagkakwentuhan kaya nalaman ko yung talyer na yun at nagpasama ako."
"Fishy~" sabi ni Lucy at syempre aasarin na niya si Leigh.
"Buti naman napagamot mo na si Parmesan, isang taon natin siya di nagamit." Sabi ni Xia, na tiningnan ng masama ni Lucy dahil nagbago yung topic, gusto niya pa kasi asarin si Leigh eh.
"So teka, si Leigh lang marunong mag drive sa atin kaya siya makakagamit nun." Paglilinaw ko sa kanila.
"Maghanap kayo ng lalaking may kotse para hindi na ako ang maghahatid sa inyo."
"Ikaw maghahatid sa amin dahil mahal mo kami." Sabi ni Lucy kay Leigh at kumapit agad toh sa braso ni Leigh na parang pusit.
"Maghaharutan nanaman po sila." Bulong ni Xia kaya tumawa nalang ako kesa mandiri diba?
Kumain nalang kami habang naghaharutan yung dalawa kahit timping timpi na akong batuhin sila ng Sinigang.
~
"Saan ka pupunta Xia?" Tanong ko kay Xia na naka pang alis, halatang may business siya sa outside world.
"Jan lang sa Mall, may papabili ka?"
"Fresh milk lang."
"Sige mauna na ako." At umalis na si Xia, magpapasama ata siya kay Leigh at lumabas din si Leigh na may kain kain na Ice cream.
"Una na ako!" Sigaw ni Leigh. So naiwan kami ni Lucy dito. Pumunta ako sa kwarto ni Lucy para mang gulo at laking gulat ko ng wala siya dun.
'So iniwan nila ako? Puta'
Dahil sa sobrang bagot nanood nalang ako aba malay ko na ako lang pala ang walang lakad ngayon at di ko namalayan na nakatulog na ako.
~
"Rin gising na andito na fresh milk mo." Nagising ako sa boses ni Xia at tiningnan ko ang oras at 6 na pala ng gabi, mga apat na oras na pala akong tulog.
"Salamat, anjan na si Lucy?"
"Oo nasa kusina lang, pinalaga ko ng kamote yun na ang gabihan natin."
"Si Leigh nasan?"
"Leigh? Akala ko kasama mo siya dito?" Napabangon ako bigla sa narinig ko kaya tumayo ako at hinanap sa buong Condo si Leigh at wala nga siya.
Baka nasa labas, check ko muna kung nanjan si Parmesan.
"Hoy Rin, Saan ka pupunta?" Tanong ni Lucy.
"Hahanapin ko si Leigh, wala siya dito." At lumabas ako para pumunta sa parking lot at wala duon si Parmesan. Sinama niya si Parmesan.
Saan siya pumunta? Bumalik ako sa loob at sinabi sa kanila ang nakita ko kaya tinawagan na namin si Leigh at matapos ang ilang attempt sumagot na din ang gaga.
"Nasa talyer ako, pauwi na ako wag kayo mag alala." Sabi ni Leigh sa telepono kaya di kami masyado nag alala at kumain nalang kami ng kamote.
Pahiga na ako sa kama ko ng may nag notif sa akin.
'2 Messages from unknown number. Unlock to see.'
Pagbukas ko ng phone, imbis na makatulog ako at nagising yung diwa ko kaagad.
'From: Unknown number
"Hey, si Eros toh, save mo number ko :>"'From: Unknown number
"Psst, si Kenso toh, hulaan mo paano ko nakuha number mo~ :>"~
:>
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...