Indecisive: Below Zero

14 1 0
                                    

_[Erin's POV/

"Hindi ba dapat nauna yung picnic foods natin bago yung chicken? Lalamig na yung chicken sa sasakyan." Sabi ko dito sa magaling na toh.

Nasa parking lot kami ng mall at mamimili daw kami ng kakainin namin sa picnic. Wala naming ibang nasa isip ko kundi yung cake na may wine glass. Parang gusto ko nga yun, yun na lang bilhin ko. Napanuod ko lang yun sa tiktok eh, why not try it?

"Makapag reklamo ka parang 'di ka kumain ng chicken habang papunta dito. Tara na sa loob para makapunta na tayo duon sa park." Hinila niya kamay ko at pumasok na kami sa loob ng mall.

Pagkapasok namin sa loob ay Nakita ko kaagad reflection ko, napahinto ako at pinagmasdan itsura ko sa salamin. Bagay pala sa akin yung pink? Napahinto din si Kenso at tumingin sa salamin. Hindi ko alam kung ang papansin ko ba ay yung napakaganda kong damit o ang kamay naming dalawang magkahawak. Ang ganda tingnan, para akong nananaginip pero magulo.

"Ang ganda tingnan, sabi na may gusto ka din sa akin." Matagal na meron, hindi ko lang alam paano ko ipaparamdam.

"Oo." Gulat na gulat siyang tumingin sa akin at humigpit hawak niya sa kamay ko. "Oo ang ganda nga tingnan ng damit ko ngayon, akalain mo yun? Ang ganda ko na nga lalo pa akong gumanda. Hindi sapat ang salitang 'Beautiful' para idescribe ako."

Bumuntong hininga siya at hinawakan yung pisnge ko at pinisil yun. Napairap naman ako sa inasal niya at parang bata ampota.

"Yieieie ikaw na pinaka denial na quokka na nakilala ko." Ano pinagsasabi nito? Quokka?

"Quokka?"

"Oo yung happiest animal in the world. Search mo pag uwi natin, makukyutan ka duon." Parang pamilyar nga sa akin yung quokka, cute yung mga yun at laging nakangiti.

Wait... Napatigil ako nang innisip ko mabuti sinabi niya. Talaga bang ikinumpara niya ako sa hayop? Sa lahat ng pwede niyang sabihin hayop talaga?

"Hayop talaga naisip mo?"

Nagbago istura niya at bigla siyang napasimangot. Bumuntong hininga siya at nilapit ako sa kanya. "Ikaw na ang pinaka 'DENIAL' na tao na nakilala ko. Halika na at ngayon ka lang pumayag na makipag date sa akin." Diniinan niya yung pag banggit sa 'denial', hinawakan na niya kamay ko at naglakad kami papunta duon sa supermarket.

Maraming beses na ibang paliko napupuntahan naming pero hindi ko na kwinestyon , baka may iba siyang bibilihin o baka sadyang naliligaw lang siya? Hahahaha kung ganun ang cute naman.

"Paano mo nalaman nasaan young supermarket?"

"Actually hindi ko alam, binabasa ko lang signs at hinihintay ko na sitahin mo ako. Naligaw pa nga ata tayo." At tama nga kutob ko.

"Ayos lang at least nakarating din tayo dito." Tumawa siya at kumuha na kami ng trolley na paglalagyan namin ng bibilihin. Kakaunti lang ang mga tao sa supermarket at mas ayos na yun kaysa mag siksikan kami.

"Ano gusto mo?" Tanong niya habang dinadaanan yung frozen section.

Kanina pa nasa isip ko yung cake at wine glass, good idea ba yung cake? Nagdududa ako kung bibili ba ako nun pero minsan lang mabuhuay, why not? Mamaya ko na lang pagsisihan.

"Bibili ako cake." Nagtataka siya sa sinabi ko pero napangiti na lang din siya at tumango.

"Sige ganito, pupunta ako ng chips section at hahanap ako ng chips natin habang mamimili ka ng cake. 'Wag ka lalayo dito at hindi ko kabisado 'tong supermarket. Dala mo naman phone mo diba?" Takot ata mawala toh, kawawa naman.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon