Erin's POV/
"Try mo lang dali." Sabi ni Hellery a
habang niyayaya ako na sumayaw.Teka hah, may pilay pa ako kaya wag muna ah.
"Nagpapatawa ka ba? Kita mong di pa ako pwede sumayaw eh."
Tinawanan niya at nag sayaw siya ng kung ano ano halatang inaasar ako.
"Bahala ka jan." Tumayo ako at iniwan siya. Saan ba ako pwede pumunta ngayon? Labas na nga lang ako.
"Saan ka nanaman pupunta?" Nilingon ko si Kenso na umiinom ng mango juice niya.
"Di ko alam, saan ba pwede?" Sagot ko. Tsaka ano ba pake niya eh di naman siya naniniwala sa akin.
"Dito ka lang. Mamaya maaksidente ka nanaman. Dito ka lang." Pagkasabi niya nun binuksan ko yung pintuan at lumabas ako.
Wala talaga akong magawa. Kaya naisip ko na dalawin ang aking mga minamahal na kaibigan. Sisimulan ko sa Singer hahahaha.
Ang layo naman ng building nila. Pagdating ko sa building nina Xia nakita ko kaagad siya na kumakanta ng 'Just give me a reason' sa hallway. Hatalang gusto ng closure ah.
"We can learn to love again—Hoy gaga bakit ka nandito?" Tanong niya at lumapit siya sa akin.
"Kailangan kong sanayin yung sprain ko, kaya heto ako ngayon naglalakad."
"Ay pucha, Saan mo gusto pumunta? Free ako hanggang lunch." Oohhh wow. Ako nga nag skip lang eh.
"Free ka naman talaga, iniwan ka na diba?"
Binatukan niya ako at halos sumubsob ako sa sahig sa ginawa niya. Girl kalma, kaibigan mo parin ako.
"Putangina ka talaga noh? Saan nga kasi?"
"Kina Leigh. Gala tayo hahahaha."
"Tara pala!"
"Sino susunod natin?"
"Si Lucy tapos si Blanche para masaya."
"Sige tara pala."
"Eh? Akala ko ayaw mo kay Blanche?" Huminto kami sa paglalakad at tiningnan ko siya.
"Minsan kailangan natin maging mabait kasi—" Bago pa matapos sasabihin ko nagsalita agad siya.
"Kaaasssssiiii??????" At tinitigan niya ako.
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Kasi wala tayong choice."
"Napakaplastic."
"Uhuh salamunch."
Nakarating kami kaagad sa building nina Leigh at aakyat pa kami ng third floor para makita si Leigh.
"Girl di ko toh keri." Sabi ni Xia at tiningan namin yung hagdan na pataas.
"Para kay Leigh." Sabi ko at inakyat na namin yung building.
"Diba yan na room nila?" Tanong ni Xia. Oo nga ito na nga.
Bago pa kami makalapit sa room nakita ko yung isa sa mga Superior ko sa Dance, na parang may hinihintay sa loob ng room nina Leigh.
Si kuya August Bradford, pinakamagaling mag freestyle sa mga Superior, sobrang ayos niya manamit na wala kang makikita na lukot pero ang astig niya din tingnan. Lagi siyang naka cap tapos ang puti niya pa, matangkad pa, at matalino pa.
Tapos pag nag papractice na ang astig niya manamit, kaya siya ang pinakasikat na lalaki na Superior, tapos ang susunod sa kanya, si Kenso. Sus kung ako din papipiliin mas gwapo si Kuya August kesa kay Kenso. Pero gwapo din si Kenso eh pero mas gwapos si Eros. Ay shet tama na nga!
"Sino yan?" Tanong ni Xia.
"Si kuya August." Ano kaya ginagawa niya dito?
"August? As in the month?"
"Oo yung month. Ano kayang ginagawa niya dito?" Baka may girlfriend siya na visual arts.
"Ikaw mag tanong, Superior mo yan diba?" Sabi ni Xia kaya ako ng magtatanong.
Lumapit kami kay Kuya August at tinanong ko siya.
"Superior." Tawag ko sa kanya, nilagay niya yung phone niya sa bulsa niya at humarap siya sa akin.
"Subordinate, anong ginagawa mo dito?"
"Ang formal niyo naman." Bulong sa akin ni Xia. Aba syempre mas mataas posisyon niyan eh.
"Uhm may hinihintay lang po na kaibigan. Kayo po?" Sagot ko.
"May sinusundo." Sagot ni Kuya August ng nakapamulsa.
"Sino po?" Tanong ko at syempre chismosa ako eh.
"Si Cohen."
Cohen?
Cohen??
PUTANGINA COHEN?!
"Si Leigh?!" Bulong ni Xia sa likod ko kaya sinenyasan ko siya na tumahimik.
"Po? Sino pong Cohen?" Kailangan natin manigurado at baka mali lang narinig namin.
"Si Shaileigh, may tatanong ka pa ba?" Umiling ako kaagad. Baka galit na si kuya katakot naman.
"Wala na po. Mauna na po kami." Sagot ko at hinila ko si Xia paalis duon.
"Hoy gaga, bakit si Shileigh hanap nun?"
"Aba malay ko Xia, hindi ako si Leigh."
"Pero sa tingin mo? Bakit—"
"Erin!" Hindi natapos ni Xia yung sinasabi niya kasi tinawag ako ni Eros.
"Eros!" Sabi ko at kinawayan ko siya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan dalawa kong balikat at sinuro niya ako ulo hanggang paa.
"How are you? Are you fine? I'm sorry I left that day, I just had an important family business to attend. I'm so sorry."
Nakakatouch naman, hihihi kakilig naman.
"Hehe okay lang naman, tsaka may dahilan ka naman eh." Sagot ko sa kanya. Narinig kong umubo si Xia as in ubo na sobrang peke.
"Ehem! Ehem! Oo, ako na single! Ako na iniwan! May nanunundo kay Leigh, may nangangamusta kay Erin, AKO NA SINGLE! Letse!" Tumawa kami ni Eros. Di mo alam kung bitter ba siya or broken eh.
Nagpaalam na si Eros at kami din ni Xia nagpaalam na, mag observation pa kasi kami before lunch kaya pumunta na ako sa Dance Room.
~
"Zeller excuse ka pa rin, the rest patingin ng performance niyo." Sabi ng Director namin at nag ayos naman na yung mga inferior.
"Pagaling ka, bubuhatin pa kita." Tinabihan ako ni Kenso, at inabutan ako ng tubig.
"Oo na, inom lang ako ng gamot."
"Tingin mo kaya nila?" Yung nga inferior tinutukoy niya.
"Oo, talent nila yan. Passion nila yan, syempre gagalingan nila. Fighting!" Nag sign pa ako na fighting.
Nagulat ako ng hinawakan niya kamay ko at sabay sabi ng "Fighting!" At hindi na niya binitawan kamay ko.
Just like that, our conflict is fixed.
~
:>
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...