Indecisive: Coward

53 4 2
                                    

/Erin's POV/

"LUCY BAKIT MO SINUNOG YUNG ITLOG?!" Rinig kong sigaw ni Xia sa kusina. Hmm mukhang may masesermunan mamaya. Agad namang sumabat tong si Leigh, syempre di yun pahuhuli diba.

"Hahahaha itlog na nga lang! Hhahahahahah." Tawa na Leigh parang wala ng bukas, ang mukha kasi ni Xia parang umuusok na takuri at si Lucy naman tutang naipit. Sino bang hindi tatawa jan? Pati ako na tahimik nag kakape napa halakhak nalang din.

"Bakit kasi ako yung nagluluto?!" Reklamo ni Lucy.

"Aba syempre kailangan mo matuto, para pag nag asawa ka may mapapakain ka sa kanila!" Sagot naman ni Xia.

"Hahahahahaha sino hahhahaha nagsabi hahahahahaha na hahhahahaha mag-aasawa ahahahahhaha yan ahhahahah?"  Nakaka awa naman si Leigh. Baka di na makahinga yan. Pero atlis masaya siya.

Lumapit ako sa kanila at napansin ko na walang nag laga ng kamote ko. Hmm dahil ako ang nagluluto, nilalagaan nila ako ng kamote pero mukhang may nakalimot.

"Asan kamote ko?" Tanong ko sa kanila. Tumigil sa pagtawa si Leigh, Yumuko si Xia, at  nagpanggap na nagluluto si Lucy. Hmm so walang sasagot? Ayaw niyo ah.

"Nasaan yung kamote ko?!" Nanggigigil ako, paano kumalma? Nainis ako instant! Gusto ng kamote! Gusto umiyak!

"Sino ang incharge ng kamote ko ngayon?" Dahan dahan tinaas ni Lucy yung kamay niya, jusko kung wala lang nasunog na itlog toh papagalitan ko toh ng bongga.

"Paki laga yung kamote ko please bago pa magbago isip ko." Grabe paano nila nakalimutan yung kamote ko? Nasaktan heart ko, ouch.

Parang gusto ng tinapay, hmm tiningnan ko yung ref at nakita ko na wala kaming tinapay, okay ang galing.

"Bibili ako sa labas ng tinapay, may papabili kayo?" Sabi ko sa kanila.

"Ice cream sa akin!" Sabi ni Leigh.

"Pandesal sa akin!" Sabi naman ni Lucy.

"Sama ako!" Sigaw ni Xia kya hinintay ko na siya.

~

Naglalakad kami papuntang palengke para bumili ng pandesal at Ice cream nung dalawa, gusto ko lang naman lumabas di ko naman alam bibilihin ko, wala kaming pasok ngayon kaya wala kaming ibang ginawa kundi magpahinga dahil ang dami naring pinapagawa sa school, habang nag pra-practice nag hahabol kami ng lesson, tsk ang duga dapat excuse na.

"Anong balita dun sa dalawang bata?" Tanong sa akin ni Xia. Naalala niya pala. Buti pinaalala niya at nay something dun sa batang babae.

"May something dun sa batang babae. Noon kasi hindi ko nakikita yung mukhang nung batang babae, lagi nalang na yung batang lalaki, ngayon nakita ko yung mukha na nung batang babae at sure ako na yun itsura ko nung bata pa ako, mahilig din siya sa kamote kaya may malaking chance na ako yun, pero di ko kilala yung lakaki."

"Sure ka bang hindi mo yan ala-ala, kasi parang nangyari na ata yun sayo noon." Sabi naman ni Xia, medyo impossible kasi wala naman akong kilalang lalaki noon.

"Hindi ako pinapalabas ng bahay noon, paano ko makikilala yung lalaki?" Tanong ko naman, medyo impossible talaga kasi.

"Bali makikilala mo palang yung bata! Pedophile ka!" Tuwang tuwa na sabi ni Xia. Jusko po bakit niya naisip yun? Sa lahat naman wag pedophile, tas ako pa yung pedophile. Teka ano ba iniisip ko?! Binaba ko yung kamay ni Xia na tinaas niya nung naisip niya yung pedophile na yun.

"Nakakahiya wag ka maingay please." Sabi ko sa kanya at tiningnan ko yung paligid namin baka napalakas boses niya at may nakarinig, mahirap na.

"Akala mo ba hindi ko napapansin?" Huh? Pinagsasabi nito?

"Huh?"

"Bakit ka nagpapanggap?" Nagulat ako sa sinabi ni Xia, dapat mas ginalingan ko pa, akala ko walang makakapansin.

Wala akong nasagot sa sinabi niya kaya tumigil kami at hinarap niya ako sa kanya. Hahaha bakit may nakapansin? Napag desisyunan ko noon pa na babaguhin ko na ugali ko, kilos ko. Madaming nagsabi sa akin na ang pangit ng ugali ko at ayaw ko naman na wala ng magka gusto o kumaibigan sa akin dahil sa ugali. Natuto na ako na kapag hindi ko binago ugali ko wala ng mag sa-stay sa akin. It sucks to have a attitude like this. And I hate the fact that I can't change it.

"What do you mean? What are you talking about?" Natatawa kong sabi kay Xia kahit kanina ko pa gustong umiyak. Hinila niya ako papunta sa park malapit sa apartment namin at dun kami tumambay tutal wala na masyadong tao duon.

"Don't even try to ask that again, you know what I'm talking about. Why? Why do you need to do that?" Shit, I can't handle situations like this. I want to cry. I started to tear up as she look at me.

"I don't know. I don't know. I don't know." I said while wiping my tears. I should have known this will happen.

"Alam mo ba na hindi ko pa mapapansin pag hindi sinabi sa akin ni Lucy? Yes, she told me everything. Sa kanya mo sinasabi lahat pero mukhang di na niya kaya i-handle yung nangyayari sayo kaya sinabi na niya sa akin. Si Leigh na lang ang may di alam pero napapansin ka na niya. I mean, Rin, why do you have to change?"

"I don't know! I already suffered mere anxiety at imbes na ipagamot ako ng pamilya ko, sila pag ang nagsabi na nagiinarte lang ako. You know my family issue. Instead of bringing me up. They put me down! Hindi lang sila, nung highschool, we have a ranking system, it is to rank a students behavior, and I'm the lowest! Dun nagsimula ang feedbacks, and umabot sa family then nagsimula na ang gulo. At ang masakit, hindi ko na yun nakalimutan! It wasn't a lesson, for me it's a torture! I wanted to forget about it, But it hunts me every night. The humiliation. My mistakes are used against me. And I need to face them alone! Then I decided to change! If my attitude is the problem then I will change it. Kung yun ang kailangan kong gawin para matanggap ako, gagawin ko." I said while crying. Putangina. Nalabas ko na. Ahahahaha nakakahiya.

"Bakit mo iniisip na walang masa-stay sayo eh nandito kami. I know your family issue and if they can't accept you, we will. The highschool thing? It's in the past! There are things in the past that can bring you down so you need to step up and proceed to the future. Someday looking back will just make you laugh. Andito kami. Hinding hindi ka namin iiwan. Even the world turn its back at you, we are still here." Sabi sa akin ni xia at niyakap niya ako, dun na ako humagulgol sa pag iyak. Grabe I didn't know that one sentence can make cry.

I feel like a coward, a weak human being that is willing to change for the society.

"Balik ka na hah, namiss na namin yung palamura, na maharot na madaldal na Rin. Nasanay kami na sociable ka, at lagi kang masaya. Pero sana maging open ka na sa amin." Sabi ni Xia at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Oo na, Oo na hwhahaha." At pumunta na kami sa palengke para sa pandesal at Ice cream nung dalawa.

~

"Siya yung kaklase natin sa Ad chem diba?" Narinig ko na sabi ni Leigh kay Lucy. Kakauwi lang namin at hindi pa namin na bubuksan yung pinto narinig na agad namin boses nung dalawa.

"Oo siya nga." Pag sang ayon naman ni Lucy.


"Ano meron?" Tanong ni Xia dahil pag pasok namin sa loob may box duon sa sala na ang ganda ng pagkabalot halatang may effort.

"Kanino yan?" Tanong ko sa kanila, tsaka ano pinaguusapan nila?

"Sayo. May nagpapabigay, para sayo." Sabi ni Leigh at inabot sa akin yung box. Lumapit ako sa center table tiningnan kung kanino galing.

"From: Eros Zion"

~
:>

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon