Ang chapter na ito ay mga pinagsama samang chapter, hndi ito nangyari sa isang araw. Kapag may ~ na ay ibang eksena na ulit yon.
~:~:~:
After Chapter 2: Familiar
Crissy's POV/
"Payag ka ba na tulungan ako Criss?" Gulat na gulat akong nakatingin kay Kenso. Hindi ako makapaniwala na sa kanya ko ito maririnig.
"Hindi ko alam Ken, mabait na bata si Erin. Hindi ko alam kung kaya ko siya saktan. Simula nung nakilala kita nagbago na ako, ayaw ko ng bumalik sa mga ginagawa ko noon."
"Wala na akong maisip na ibang paraan. Kailangan ko siyang iwasan pero hindi ko kaya lumayo sa kanya, ano gagawin ko Criss?" Kitang kita sa mukha ni Kenso na hindi niya alam ano ang gagawin niya.
Nasa rooftop kami ng lumang building sa schoo at kinausap niya ako tungkol sa sitwasyon niya ngayon. Plano ni Kenso magmukha siyang masama sa mata ni Erin para lumayo ito sa kanya at binabalak niyang sama ako ako sa plano niya. Nag dududa ako dito dahil kapag may kinalaman sa kapatid niya ang isang bagay gagawin niya ang lahat mapalapit lang duon.
"Pero wala siyang alam sa nangyari hindi ba? Kung kakausapin mo siya at sasabihin na kababata mo siya, iisipin niyang ikaw si kuya mo. Mas masakit sa kanya kung magpapanggap ka."
"Ano pa ba ang gagawin ko Criss? Si Erin na lang ang natitirang ala ala ko kay kuya. Ang akala ko ay nasa probinsiya lang siya pero nung nakita ko siya dito nagkarooon ako ng pag asa na bumalik lahat sa dati." Nakita kong naluha si Kenso at inabot ko sa kanya yung panyo ko dahil gamit niya kamay niya pamunas ng luha.
"Tutulungan kita sa makakaya ko, nakakalungkot lang at hindi kami magiging magkaibigan ni Erin." Sumandal ako sa railings a nagpahangin. Tumiigil na din sa pag iyak si Kenso at mukhang may mission na ako.
"Siguraduhin mo lang na kapag tinulungan kita tutulungan mo din sarili mo umiwas sa kanya." Pagpapatuloy ko.
"Salamat Criss at tinutulungan mo pa din ako kahit naghiwalay na tayo." Nakangiti niya itong sinabi.
"Malaki ang tulong mo sa akin nung tayo pa, kung ito pwede kong matulong sayo, bakit hindi?" Nanatili kami sa rooftop na nakatambay lang. Sigurado akong pagsisisihan ko ito pero kung para kay Kenso bahala na ang mundo.
~:~:~:~ During Chapter 15: It's all an act.
"Seriously Crissy? Pumayag kang tulungan si Kenso?" Hinusgahan ako ni Blanche mula ulo hanggang paa kaya kinuha ko yung bote na walang laman at hinampas yun sa ulo niya.
Nasa ika pitong garden na pinabayaan na ng faculty kaya wala nang tao dito, na buhay siguro.
Naging magkaibigan kami ni Blanche nung first year niya dahil nag audition siya sa Dance at siya lang nakakaintindi sa akin noon bago pa naging kami ni Kenso. Dapat dance major siya pero mukhang mas pinili niya ang theatre arts.
"I owe him but at the same time I kinda feel guilty."
"Well you should, though I don't know that Erin personally."
"Personally? So you still know her?"
"There is this camera man with a weird name, I think its Kullow? Its spelt like Chloe but not pronounced as Chloe. " Nagtaka ako sa sagot ni Blanche.
"At lalaki siya?" Tumango si Blanche kay nagtaka ako lalo, sino may pangalan ng Chloe tas hindi babae? May galit ata sa kanya magulang niya.
"Sigurado ako lalaki siya at mukhang may gusto siya kay Erin, cute,silang dalawa ng best friend niya may gusto sa isang babae." Gulat akong tumingin kay Blanche at pinagpatuloy ang pagkain ng fries niya.
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Jugendliteratur"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...