Erin's POV/
After two months.
"Kapag naaccept ka na sa Manhattan, aalis ka na?" Naupo si Hellery sa sahig at uminom ng tubig.
"Na-accept na ako. Inaayos na lang ng school mga papers ko at ako ang mag rerepresent ng university natin sa Manhattan." Nahiga ako sa tabi ni Hellery at pinaypayan ko sarili ko.
"Aalis ka na pala talaga?! Hala mamimiss kita!" Agad niyang sigaw at humiga din siya at niyakap ako.
Parehas kaming basa ng pawis at pagulong gulong sa dance room. Kakatapos lang ng practice namin at syempre hihinga muna kami. Pinagtitinginan na kami pero masaya kami.
Kinausap na din ako ng faculty kanina ta sinabi nila na kukuhaan nila ako ng portrait para ipaskil sa hallway ng mga representative ng university. Sana bukas na lang diba kasi haggard na ako at kakatapos lang ng practice.
"Iiwan mo na pala ako?" Mangiyakyak na tanong ni Hellery. Ang dramatic niya pero 'di ko siya masisisi at maiiwan ko nga siya.
"Oo pero bago ako umalis ieenjoy na natin yung mga practice natin okay?" Tumango si Hellery at niyakap ako ng sobrang higpit.
Masakit din sa akin iwan ang tinuring kong kapatid dito sa loob ng dance room, kung wala din si Hellery, hindi ako magiging kilala sa University. Hindi ko padin alam paano niya ako nakuhaan ng video.
"Mag usap tayo hah, update mo ako!" Naupo kami ni Hellery at niyakap ko siya at tinahan. Hindi pa ako naiiyak kaya Sigurado na mas marami sa isang timba ang iiyak ko mamaya.
"Maghanda ka na sa pictorial mo, haggard ka pa naman ngayon. Sana man lang sa picture maging maganda ka diba?" Hinampas ko yung walang laman na bote ng tubig sa kanya at tumayo na ako.
Tinulungan ko siya tumayo at pinunasan niya na yung mga luha niyang bumagsak kanina. Kinuha niya yung face towel ko at pinunasan ang mukha ko. Sobrang hinhin niya habang pinupunasan ako at naiiyak pa siya.
Maya maya din ay umalis na ako ng dance room. Sinuot ko ang P.E. uniform namin at habang dala dala ko ang mga gamit ko ay naglakad na ako papunta sa studio room.
Hindi ako sigurado pero baka si Chloe ang mag picture sa akin dahil specialty niya ang photographs.
Saktong naglalakad ako ay tinawagan ako ng principal naming at pinapapunta na ako sa studio room. Hindi naman ako nagmamadali kahit alam kong ako na lang hinihintay nila. Habang naglalakad ako ay inayos ko ang buhok ko at sana lang hindi ako amoy pawis.
Nakita ko na ang pintuan ng dance room kaya pumasok na ako at nakita ko na aanim silan nasa loob. May dalawang nag aayos ng damit, may dalawa sa camera, si Sir Adolfo at yung principal namin.
Tama nga ang kutob ko na si Chloe ang kukuha ng litrato ko. Nag ngitian kami at pumasok na ako sa loob ng studio room.
"Zeller, right?" Tanong sa akin ni Ms. Principal at nilakad niya ako papunta sa uupuan ko.
"Yes po."
"It has been 5 years since our university was sending exchange students to Manhattan Academy, and the last major is creative writing. I am so proud that in my term I have sent a student to Manhattan, well not that I sent you, you auditioned on purpose, right?"
Sinumulan nilang ayusin buhok ko at natutuwang nakatingin sa akin si Ms. Principal.
"Yes po, nagkataon din po na duon nadestino ang mother ko po, kaya ginamit ko po tong opportunity."
Isinuot na nila sa akin yung cloak na sinusuot nila sa mga lalaban sa labas ng university ang pinagkaiba lang may kasamang sash yung akin. Kahit papano may pagka special ako.
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...