Indecisive: Daydream in the evening

15 2 0
                                    

Erin's POV/

Nagising ako sa sakit ng katawan ko. HIndi ko alam ilang araw akong tulog pero sana lang mas maiksi na ito 'di na tulad noon. Bumangon ako at nakita ko na nandito ako sa kwarto ni mama.

Sumandal ako sa headboard at nakita ko si mama na nag aayos ng papeles. "Aalis ka ma? Saan ka pupunta?"

Tumayo si mama at umupo sa kama at humarap sa akin. "Rin, nasa akin pa yung enrollment mo, pinadala ko na sa Manhattan Academy. Pupunta na tayo sa Manhattan, nanduon yung kaibigan ko kaya may matutuluyan na tayo pansamantala."

"Ma? Ano nangyayari? Akala ko ba ayaw mo ako mag aral duon?" Nagising na ang diwa ko at sigurado akong kaya ko na maglakad.

"Aalis tayo pagkatapos ng first year mo sa university mo. Nakapag send na din ako ng audition mo, confirmation na lang kailangan natin."

"Ma, bakit ang bilis? Ano nangyayari?"

"Mag aaral ka na Manhattan, duon ako na assign sa trabaho ko."

Nanlaki yung mata ko at abot sa langit ang ngiti ko, agad kong nilapitan si mama at niyakap. Akala ko tapos na yung pangarap ko na iyon. Nakakatuwa naman sa pakiramdam, mamaya tatawagan ko sina Leigh. Akala nila 'di ako papayagan HAHAHAHA ako pa. Erin lang malakas.

Pinag pahinga ako ni mama sa kama niya ng 5 minutes at umalis din ako kaagad. Nang makuha ko phone ko nalaman ko na gabi na pala, kanina lang daw ako nahimatay kaya pwede pa ako makahabol sa pasayaw ng barangay hall baka nanduon na si Kenso.

Nagbihis na ako at nag ayos din ako ng buhok ko. Hindi ko maisip bakit ako nahimatay kanina, Siguro mabigat yung dahilan tapos syempre pag mahalaga kakalimutan ng utak ko, napakagaling. Wala akong maalala. Bakit ba ako nahimatay?

"Ma! Punta na ako sa barangay hall, kasama ko po si Kenso." Pag papaalam ko kay Mama habang nagluluto siya. Tumingin sa akin si mama at pilit na ngumiti. Agad naman akong nabahala. "Bakit ma? Ano nangyari?"

"Wala basta mag paalam ka na sa kanila hah, ipaalam mo na aalis na tayo."

"Matagal pa naman ma, may tatlong buwan pa." Nginitian lang ako ni mama at lumabas na ako at kinuha ko bike ko. Malapit lang sa amin yung barangay hall dahil nasa gitna ito.

~

Mabuti na lang at hindi pa nagsisimula yung pasayaw. Sinubukan kong tawagan si Kenso pero pinapatayan niya lang ako ng tawag at hindi rin siya nag seseen sa mga messages ko.

"Hoy Erin kamusta ka naman? Minsan ka lang umuwi dito tapos ginagamit mo pa phone mo."

Nakasalubong ko mga kaklase ko noon kaya andito ako sa pwesto nila nakaupo. Nginitian ko sila at binaba ko na phone ko, maliit lang naman itong plaza makakasalubong ko din yun. Ito yung mga kaklase namin ni Leigh dahil kami lang magka barangay sa aming apat.

"Kamusta ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Ngumiti sila at natawa. Lima lang kaming naguusap, dalawang lalaki at tatlong babae, Mabuti ng at naalala ko pa pangalan nila dahil kung hindi manlulumo ako sa hiya.

"Ayos lang kami, ikaw ang tinatanong namin minsan ka na lang namin makita, kayong dalawa ni Leigh. Parehas ba kayo ng school?"

"Ahh Oo, magkaiba lang ng major."

"Asan nga pala si Leigh?" Tanong nila.

"Hindi nagpupunta si Leigh sa mga ganito diba?" Sagot ng isa kong kaklase.

"Ahh oo hindi siya pumupunta sa ganito tsaka umalis din siya."

"Sayang andito pa naman yung may crush kay Leigh, baka umamin na din after 12 years." Nagulat naman ako at tiningnan namin yung tinutukoy niya.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon