Indecisive: Familiar

82 6 1
                                    

/Erin's POV/

"Sila ang may pinakamasarap na bake mac, I swear." Sabi ni Lucy.

"Sakto lang, ayos na din." Sabi naman ni Leigh.

"Hoy Erin ano pangalan nung katabi mo kanina sa Ad Chem?" Tanong ni Xia.

"Bakit? Ang gwapo noh?"

Asar ko sa kanya, medyo bagay naman sila ang cute ni Eros eh, nagkakwentuhan din kami ni Eros tas gusto niya daw ng music major. Oh diba sa major mo magugustuhan yung tao.

"Tigilan mo ako Rin, gusto ko lang malaman yung pangalan eh." Sabi ni Xia.

"Ito naman di mabiro, Si Eros yun, arts siya kaya kaklase yun ni Leigh."

"Ahh okay, may kamukha kasi siya." Sagot naman ni Xia.

"Sino—" naputol ang sasabihin ni Lucy ng umupo sa table namin si Eros na may dalang tray ng pagkain. Ehhh? Ano ginagawa niyan dito eh ang alam ko may klase yan?

"Erin, good luck mamaya sa audition mo sa dance Major. Bye," sabi niya sa akin tas inabot yung frappé na binili niya.

Hmm kikiligin na ba ako?

Ang bait naman niya. Ang gwapo na tapos mabait pa.

"Matinik, mukhang may mabibiktima na si Rin."

"Napakaganda naman talaga ni Rin, nakakabighani."

"Tigilan niyo ako, crush ko lang yun pero pwede na din mabait naman." Sagot ko naman.

Pero infairness alam niya ata favorite ko at ang sarap nung frappé na binili niya.

"Hoy! Baka may gayuma yang frappé ako muna titikim." Agad na kinuha ni Leigh yung frappé at di ko na nakuha pa sa kanya yun. Okay lang atlis siya yung maiinlove kay Eros hindi ako.

"Lucy, diba dito ka din dati, anong meron jan kay Eros bat parang ang ang cute niya." Sabi ko kay Lucy kaya inirapan niya ako bigla. Pero agad niya din kaming pinalapit sa kanya tas may binulong siya.

"Balita ko noon, may naging girlfriend siya na kalaban ng school kaya pinaghiwalay sila. Kaya ayun wala na siyang ibang nagustuhan, kasi mahal pa daw niya." Sabi ni Lucy.

"Halla ang sakit naman nun, parang Romeo and Juliet, forbidden lovers."

"Nakakalungot naman, paano kaya sila napapayag na gawin yun?" Sabi naman ni leigh.

"Hindi ko alam na sumasagap ka na din ng chimiss." Pang asar ni Xia kay Lucy.

"Kailangan yan sa buhay. So ready na kayo sa audition niyo?" Tanong ni Lucy.

"Medyo takot ako, pero dahil magaling ako, easy na yan." Sabi ni Xia with matching flip ng hair na nakain ni Leigh yung buhok niya.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon