/Erin's POV/
"May takip yung kaldero pag nagluluto ng popcorn?" Tanong sa akin ni Leigh habang pinapanood ako mag luto ng popcorn.
Parang masarap-sarap manapak ngayon.
Hininaan ko yung apoy at tiningnan ko ng masama si Leigh dahil siya ang number one suspect ko dun sa pagkalat ng number ko, yung dalawa pa naka kuha. Wala pa naman akong load tas text sila ng text, makarindi.
Pero medyo natutuwa ako na ang haba ng hair ko dun. Feel ko yung kagandahan ko tsaka yung kaharutan ko. Okay tama na.
"Di ko sinasadya." Sabi ni Leigh at tama nga ako, siya ang nagsabi ng number ko.
"Sinabi mo talaga sa kanilang dalawa—"
"Dalawa?" Lito akong tumingin kay Leigh, dalawa yung text sa akin diba?
"Kay Kenso at kay Eros. Bakit?"
"Si Kenso lang sinabihan ko, malay ko ba na alam ni Eros." Huh? Saan naman nun nakuha number ko?
"Saan naman nun nakuha number ko?"
"Binigay ko kay Kenso yung number mo kasi maganda rason niya hihihi." Rason?
"Ano ba sabi niya?"
"Di daw kayo nag ka-ayos pagkatapos ng practice kaya gusto niya humingi ng sorry. Tapos ayun binigay ko, tas nilibre niya ako ng milktea." May suhol pala na kasama. Kaya pala.
"Sorry?! Eh niisa sa mga text niya walang salitang sorry!"
"Bat ka sa akin galit?! Hay nako bahala ka jan!" Tinawanan na lang ako ni Leigh at pumunta na siya sa sala. Habang ako naiwan dahil niluluto ko yung pop corn.
"Ako yung nagsabi, at oo may suhol yun." Sabi naman ni Xia habang kinukuha yung apple sa ref. Grabe si Xia pa talaga? Okay sana kung si Lucy maiintindihan ko pa.
"Tinatadtad nila ako ng text." At sinandok ko na yung pop corn at nilay sa Tupperware. Tinawanan ako ni Xia at nagsimula na siya naghati ng apple.
"May practice daw sa campus ngayon!" Sigaw ni Lucy mula sa kwarto niya. Lakas ah!
"Ngayon na nga lang makakapag pahinga kamay ko tapos may practice! Argh!" Reklamo ni Leigh, malamang at naka ilang paintings na sila para sa exhibit.
"Kayanga! Pagod na braincells ko!" Sabi din ni Lucy malamang naka ilang story na yan.
"Sayang gusto ko pa naman mag ice cream." Malungkot na sabi ni Xia kaya lumapit ako tas tinapik tapik likod niya.
"Malalampasan din natin toh." Sabi ko at pumunas ng invisible luha. Syempre ako din napagod, limang choreography inaaral namin.
Naramdaman ko na lang na nagvibrate yung phone ko at tumatawag si Eros, napansin na niya siguro na wala akong load.
"Hello~" sabi ko sa tawag.
"Erin, nasa labas ako."
"Huh?! Labas?!" Dali dali akong lumabas ng condo unit namin at pumunta sa parking lot, nakita ko siya na nasa labas ng kotse habang nakasandal dito. Di siya naka uniform kaya naka sun glass siya at naka jeans na may polo na itim na may aesthetic style at naka rubber shoes na puti.
Alagang alaga siya, di na ako magtataka kung mayaman toh. Pero ang lakas ng dating niya, ang gwapo tapos ang ayos ng buhok, grabe sa itsura panalo na.
Nakakahiya naman, naka oversized shirt ako tapos tsinelas lang. Panigurado na pinaguusapan na ako nung tatlo sa taas.
"Hey." Sabi niya at inayos niya ang pwesto niya at humarap siya sa akin.
"Hi, ano ginagawa mo dito?"
"May practice diba?"
"Yes why?"
"Hahatid sana kita, I mean sabay sana tayo pumunta sa school. If you want to." Di ako makapinwala na tumingin sa kanya at dahan dahan na lang ako tumango.
"Teka balik ako sa taas tanungin ko yung tatlo dun." At tumakbo ako paalis at pumunta ako sa unit namin at nakita ko silang tatlo na naka tingin sa akin at handa na silang tadtarin ako ng tanong. Pero inunahan ko na sila.
"Gusto niya daw ako ihatid sa school—" di pa ako natatapos nag hiyawan na sila at sinasaktan na nila isa-t isa sa kilig.
"Yieieiieie! Kay Eros talaga ako boto!!" Sigaw ni Xia.
"Nakakakilig pero si Kenso kasi talaga!" Sigaw naman ni Leigh, ang sasakit nila sa tenga, baka masita nanaman kami ng katabing apartment namin.
"Punta ka na dali! Sunod na lang kaming tatlo." Tinutulak tulak ako ni Lucy sa kwarto ko para makapag bihis, nagbihis na ako kaagad baka kanina pa yun nag hihintay. Naka oversized sweater ako at leggings dahil parctice nga naman at kinuha ko na wallet ko, shades at tumbler ko sa kusina at yung tatlo nag bihis na din.
"Mauna na ako!" Sigaw ko.
"Sige lang!"
"Ingat kayo!"
Lumabas ako ng condo unit at sumakay ng elevator hanggang sa mapunta ako sa parking lot.
"Let's go?" Sabi ko at inayos ko ang shades na dala ko. Gulat na tumingin sa akin si Eros, teka nagandahan nanaman toh sa akin.
"Huy! Baka matunaw ako." Biro ko sa kanya.
"I never thought you'll be this beautiful." Namula ata pisnge ko. Sabi na maganda ako eh.
"T-tama na h-hoy." Sa sobrang kilig ata mauutal ako dito. Pumunta na ako sa seat sa likod pero hinarangan niya yung pinto kaya taka akong nakatingin sa kanya.
"B-bakit?" Masyado malapit mukha niya di ako makahinga. Mahina ko siyang tinulak at lumayo ako kaunti sa kanya.
"Dito ka sa harap umupo."
"B-bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Because, umm please?" Natatawa akong tumingin sa kanya at pumunta ako sa harap at umupo na ako kasabay niya.
Inayos ko ang damit ko at nagulat ako ng lumapit nanaman siya at tiningnan lang ako.
"H-huy! A-ano ginagawa m-mo?" Panigurado namumula na ako, bat ba kasi ganto siya kumilos. Dahan dahan siyang lumayo kasama yung seatbelt ko. Akala ko naman kung ano gagawin niya, seatbelt lang pala.
Pero kasama sa pangarap ko may maglagay ng seatbelt sa akin. So kapag mangangarap ng ganyan siguraduhin niyo na may kotse ang lalaki para matupad.
Pinaandar niya na yung kotse at uminom na muna ako ng tubig sa tumbler ko, nakaka suffocate yung atmosphere.
"Gusto mo mag frappé?" Gulat na gulat na akong tumingin sa kanya. I mean, seryoso ba siya?!
"Nagpadala ka ng isang box ng frappé tapos bibigyan mo pa ako? Waahh di ko na kaya."
"Hahahaha ano pala gusto mo? Para mabili na natin bago tayo makarating sa school."
Hm ano nga ba? Nahihiya naman na ako pero minsan lang kasi yung ganto. Wala ako maisip.
"Ikaw?" Sabi ko at baka may alam siyang masarap na miryenda dahil yung pop corn ko yung tatlo kumain.
"Gusto din kita." Nasamid ako at natawa pero di ko talaga alam ano irereact ko. Mali pag kakaintindi niya!
"Hindi, I mean ano kasi unm ano gusto mo?"
"Ikaw nga!" Sagot niya naman.
"Hahahhaha bahala ka jan! Ewan ko sayo! Basta kahit ano!" Tawang tawa na ako kasi hindi ko alam kung nagbibiro ba siya oh ano.
"Bili tayo ng fries bago tayo pumunta sa school."
"Nadali mo."
~
:>
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...