Erin's POV/
"Aalis lang ako." Sabi ko kina Leigh dahil dito ako natulog sa bahay nila. Pagkatapos ng meeting ay nagsabi ako na dito matutulog, pinipilit ako ni Kenso na sa bahay nila matulog pero nakakahiya kaya dito na lang ako kina Leigh.
Nakakatawa kasi parehas kamin depressed. Nag cocomfort kami sa isa't isa tapos iiyak na lang mamaya. Wala kaming ibang ginawa kundi umiyak buong gabi.
Dumating sina Xia at Lucy dahil bibisitahin daw kaming dalawa, parehas kaming mugto yung mata. paos pa. Ayaw naming na idamay sina Lucy at Xia sa nangyayari sa amin pero sila nagsabi na wag kaming matatago ng sikreto kaya sinabi naming anong gumugulo sa amin at anong nangyari sa amin.
"Saan ka naman pupunta? Mamaya bigla kang tumawid sa daan." Sabi ni Lucy habang nakahiga sa kama ni Leigh.
"Maliligo ako at ang baho ko na." Sagot ko naman.
"Ikaw Leigh? Gumaan na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Xia habang nagtutupi ng damit ni Leigh.
"'Di ko alam, 'Di ko talaga alam." Naghiwalay na kasi talaga sila ni August, ewan ko na lang kung ano ng mangyayari sa kanila at umalis na si August ng walang paalam.
"Babalik ka ba sa unit natin? Sa condo?" Tanong ni Lucy kay Leigh.
Oo nga, umalis na nung isang araw magulang ni Leigh,. Tuloy ba siya? Kaya niya ba yan? Mag isa siya dun tapos broken siya baka mabaliw lang siya. Kaso may vacation pa sila.
"Oo babalik ako duon pagkatapos ng vacation namin ni Blanche sa resort. Limang araw lang naman yun." Walang buhay na sagot ni Leigh. Pilit naming siyang nginitian para naman mahawaan siya ng enthusiasm namin.
"Gusto mo gumala? Punta tayo sa mall dali!" Sabi ni Xia at hinila si Leigh para maligo. Nagtitigan lang kami ni Lucy at kinuha yung mga biscuits ni Leigh dahil nadamay kami sa pagiging down ni Leigh. Medyo down din naman ako pero ayaw ko sila madamay kaya okay okay muna tayo ngayon.
"Sige" Sagot ni Leigh. Nakakadown yung dalang emosyon ni Leigh. Nakakabagsak balikat. Yung lungkot nadadagdagan ang sakit sa utak help. Pati si Lucy na kanina masaya ngayon nakabusangot at tinitingnan yung biscuit na hawak niya.
"Sige sama din ako, ligo lang ako saglit." Sabi ko at lumabas na ako ng bahay.
Pagkalabas ko ng bahay nila Leigh ay kinuha ko kaagad bike ko at umalis na doon. Swerte din ako na medyo maaga pa dahil tulog pa ata mga aso at walang nakatambay sa daanan. Tumaas acceleration ko dahil dun.
Agad akong naligo pagdating ko sa bahay at balak ko ng umalis kaagad. Nakaka suffocate mag stay sa bahay ng matagal. Buti na lang wala si mama at nasa trabaho. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng long sleeved white turtleneck with pink dungarees skirt at white canva pumps. Kahit kumain na ako kina Leigh ay kumain parin ako sa kusina ng sandwich at pagkatapos ay inayos ko na dadalhin ko sa gala namin.
Lumabas na ako ng bahay at sinarado ko lahat ng pintuan. Pagkatalikod ko ay laking gulat nang makita ko Kenso na nakasandal sa poste ng balkonahe, nakasuot din siya ng maong na dungarees at pink na long sleeve. Coincidence or not? Ano ginagawa niya dito?
"Tara na, nasabi ko na kina Lucy na sasama ka sa akin." Sabi niya at hinila ang kamay ko papunta sa kotse niya.
Sasama sa kanya? Huminto ako at napatingin naman siya sa akin at pinag cross ang braso niya. Tinitigan niya ako at lumapit sa akin ngumisi pa siya. Ano bang meron dito?
"Anong sasama?" Tanong ko. Ngumiti siya at iniwas ang tingin sabay kamot sa batok.
"Pag niyaya kita makipag date sa akin 'di ka papayag kaya sasama ka na lang sa akin tapos iisipin ko na nagdate tayo."
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Jugendliteratur"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...