Indecisive: Touchdown

11 2 0
                                    

Erin's POV/

"That was so much fun! Sa inyo ulit ako sasabay sa susunod, Leigh." Sabi ni Blanche pagkababa niya sa kotse.

"Sabi sa inyo mas masaya sa kanila." Sabi ni Chloe sa amin. Tiningnan namin si Chloe at binato sa kanya yung isang bag.

"She's good at acting, don't get fooled." Sabi naman ni Nat.

Nakarating na kami sa Zambales at kinukuha ko na yung maleta ko sa van ni Nat. Dito kami sa bahay namin bumaba dahil kami ang mauunang madadaanan, sabi na rin nila na dito sila kakain.

"Let's go inside, nakapagluto na sina mama. And please, kung may tinanong sina mama tungkol sa akin, wag kayong sumagot ng totoo. Understood?"

"Yes!"

"And ayaw ko kayong magsinungaling kina mama pero pag alam niyong ikakasira ng reputasyon ko yung tanong, pagtakpan niyo na ako. For the sake of friendship."

Nagsitanguan sila kaya naglakad na kami papunta sa bahay, nakinig naman siguro sila.

Mahirap na baka may masabi silang hindi maganda na lalong makakasira ng reputasyon ko. Sirang sira na reputasyon ko baka may ikasira pa yun.

Pagkapasok namin sa bahay ay nakita kaagad namin si mama at lumapit kaming lahat para magmano.

"I'm sure pagod kayo sa byahe, kain na muna kayo, nagluto na ako."  Sinundan namin si mama papunta sa kusina at sinabaya kami ni Mama kumain.

I'm sure pupunta sina tito at tita ko dito, maybe after five minutes.

"Kumain kayo ng suman, masarap ang suman dito sa amin kaya kumain kayo." Sabi ni Mama at agad namang kumuha si Chloe at yung iba ay nilagay niya pa sa bag niya.

I don't blame him, masarap naman talaga ang suman dito.

"So," at yan na ang question and answer portion.

"Pasensiya na mga hijo at hija pero hindi ko kayo kilala, can you introduce yourselves and what are your majors."  Sabi ni mama kina Nat, Blanche at Chloe.

"I'm Blanche Devereouxe po, I'm in second year and my major is Theatre Arts."

Tumango tango si mama. "You act on theaters?"

"Yes po."

"And how about you?" Tanong kay Chloe.

"I'm Chloe Armani po, I'm in second year po, major ko po ay Media Arts."

"So you are good at editing?"

"Yes po."

"You must've worked with miss actress here." Sabi ni Mama at tinuro si Blanche.

Natagalan si Chloe sumagot dahil tumingin muna siya kay Blanche. "Yes po, I do work with her."

Lumapit sa akin si Lucy at may binulong. "Unless work stands for flirting."

"Shut it." Sabi ko na pang at inayos upo ko.

"And you?" Sabi ni Mama kay Nat.

"I'm Nathan Clery po. I'm in first year and my major is Creative writing po."

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon