/Erin's POV/
"At ganyan magbalat ng mangga." Sabi nung batang lalaki sa batang babae.
"Hay nako! Kahit anong sabihin mo ang babalatan ko lang ay kamote!" Sabi naman ng batang babae.
"Tandaan mo yan ah! Pag ikaw nasarapan sa mangga, hindi kita bibigyan!" Sigaw ng batang lalaki.
"Walang mas masarap sa kamote!" Sigaw nung batang babae kaya bigla siyang binatukan nung batang lalaki.
"HUAAAHHH!" Daing nito at biglang umiyak yung batang babae.
"Shhh wag ka na umiyak! Joke ko lang yun, shhh." Nilapit ng batang lalaki yung batang babae sa kanya at niyakap ito at pinatahan.
"Sorry na, tandaan mo kahit kailan di na kita sasaktan." Sabi ng batang lalaki sa batang babae. Tinitigan niya ito sa mata at niyakap ulit.
~
Napadilat nalang ako dahil sa panaginip ko. Tsk sila nanaman, bakit ba lagi ko silang napapanaginipan?
Pagtingin ko sa gilid ng kama ko nakita yung kamote na nakahanda na, hmm sino naunang nagising?
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sa kusina si Leigh nagluluto ng itlog.
"Himala, bat parang natripan mong magluto ngayon?" Tanong ko na tinawanan niya.
"Baliw, hindi ako makatulog kaya nagluto nalang ako ng almusal, 5 am na din." Sabi niya. Tinulungan ko siya mag hain ng ulam at inayos ko din yung mga plato at naligo na ako para di na ako makisabay dun sa tatlo. At maya maya pa ay kumain na kami.
~
"Kapag ba nilagyan ko ng mentos tong coke anong mangyayari?" Tanong ni Leigh sa amin. Napatitig nalang kami sa kanya at hinintay isa sa amin sumagot dun sa napakaganda niyang tanong.
"Sasabog yang nguso mo." Sabi naman ni Xia. Tumawa nalang kami at kumain dahil wala nanaman kaming klase dahil may meeting parin ang mga teachers.
Nasa cafeteria kami at lumalamon ng kung ano ano, mga gutumin kami eh. Madami ring studyante rito halatang tambayan eh, malaki kasi tong Cafeteria parang isang buong gym, kaya di gaano ka kulob at maingay.
"Announcement: Students please proceed to your studio and we wil have our general practice starting this afternoon. Thank you." Rinig namin sa speaker ng university, nagsimula lumakas yung bulungan at nagsitayuan na lahat para pumunta sa kanya kanyang studio.
"Bye bye na, kita kits ng lunch hah." Sabi ni Xia at nagpaalam na kami.
~
"Hahatiin namin kayo kung anong klasing dance ang ipeperform niyo." Sabi ni ate Crissy sa amin, nakakatuwa nga at wala na ako sa baba dahil isang subordinate ako. Bali nasa stage ako. HAHAHAHA I'm so amazing.
Nagsimula na sila mag assign at pati kaming mga subordinates nahati din, by pilyedo pa kami tinatawag. Anim lang pala kaming subordinate at pair yung kinukuha sa amin, at di ko parin naririnig pilyedo ko.
"Agari! Zeller! Dito kayo." Lumapit kami nung Agari kay Ate Crissy at kinausap niya kami. "Kayo ang bahala sa Ballroom, at tuturuan niyo tong 12 pair na toh. Kayo na ang bahala sa sayaw at kung paano niyo sasayawin yun." At umalis na si ate Crissy.
"Marunong ka mag ballroom?" Tanong sa akin ng katabi ko, si Agari, yung lalaki na nakatingin sa akin nung audition, infairnes mas gwapo siya pag malapitan. Teka namumula ba ako?!
"Hmm Oo marunong ako." Sagot ko naman.
"Practice tayo ng isang buong choreo at ituturo natin sa kanila." Seryoso na sabi niya sa akin. Wala naman akong ibang magagawa diba kundi pumayag.
"Okay sige."
"Kenso Agari." Sabi niya tas inabot kamay niya sa akin para mag shake hands. Tinanggap ko ito at nagpakilala din.
"Erin Zeller." Nag ngitian lang kami at natawa dahil ang awkward, pakiramdam ko nakita ko siya noon tas nakilala ko na Hahahahaha weird. Okay sure na ako, namumula ako.
"Meeting with you team for one hour balik kayo dito after lunch." Announce nila sa amin.
Tinawag namin ni Kenso yung team namin at pumunta kami sa isang park dito sa school.
~
"Pumunta nga kayo sa ka pair niyo nalilito kami eh." Sabi ko sa team at sumunod naman sila. Wala kaming kasama sa superior dahil may sarili silang dance practice at gusto nila na matuto kaming mga subordinates mag lead.
"Ang mga superior ang nag assign ng pair kaya ang gagawin niyo ay kikilalanin niyo ang pair niyo. Para sa ganun wala tayong problema sa practice." Sabi ni Kenso.
"Pag nagsimula na ang practice wag kalimutan ang water, extra practice clothes at ang sarili. Okay?!" Tanong ko sa kanila.
"Yes po!" Sabi nila kaya natawa nalang kami ni Kenso, mas gwapo siya pag tumatawa hehe. Kamatis na ba ako? Bat parang kinikilig ako?
Nagkwentuhan lang kami ng buong one hour kaya ang saya din namin, hanggang sa nagpasama tong si Kenso sa cafeteria. Gutom daw.
Pagdating namin dun nakita ko si Eros kumakain kaya kumaway siya sa akin, at syempre dahil mabait na ako, kumaway din ako. At hinila ako ni Kenso papunta sa pila.
Sasamahan ko lang sana siya kaso mukhang gutom din ako kaya ayun bumili din ako ng pagkain. At sabay na kaming lumabas ng Cafeteria.
"Magpapractice na tayo simula bukas, may limang dance room dito at yung dalawa lang bukas, kaya bukas dadalhin natin yung team sa ikatlong room para dun tayo mag room." Sabi nitong kasama ko. Owww so ang yaman ng school. Hmmm ang galing naman lima yung dance room, nice.
"So anong audio natin? Para marinig ko na at makagawa ng steps."
"Señorita?"
"Havana?"
At ayun wala pa kaming napipili na kanta. Kaya naisip namin na mag search kami mamayang gabi at bukas nalang namin malalaman. Yey! Chill muna hehe.
"Ang galing mo sumayaw, lalo na yung sa Faded mo." Bigla niyang sabi sa akin. Argh! Bat parang kinikilig ako! Jusko po mamatay ako agad dito sa lalaking toh eh.
"Luh umm thank you. Sure ako magaling ka din sumayaw." Sabi ko nalang at malay ko ba at di ko pa siya napapanood sumayaw.
"Makikita mo din ako sumayaw." Sabi naman niya. At nagpatuloy nalang kami sa paglalakad pabalik sa dance studio dahil tapos na ang one hour.
Dinissmiss agad kami ng mga superior at umuwi nalang kami.
~
Hinihintay ko sa gate yung tatlo para sabay sabay kaming uuwi. Habang naghihintay nakita ko si Eros na parang may inaaway dun sa gilid ng building 4, pupuntahan ko sana kaso dumating na tong tatlo kaya umuwi na kami.
Pagkasarado ni Xia ng pinto ng apartment,
"NAKITA KO SI ERIN MAY KASABAY NA LALAKI SA LABAS NG CAFETERIA AT HINDI SI EROS YUN!"
"MANAHIMIK KA LEIGH!" sigaw ko at hinabol ko siya hanggang sa parehas kami matumba.
~
:>
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...