Indecisive: Forgotten

8 2 0
                                    

Erin's POV/

Matagal tagal na simula nung nanaginip ako tungkol sa bata na babae at lalaki. Mas maganda na din yun siguro, laging sumasakit ulo tuwing nananaginip ako.

Nakahilata ako sa kama at walang ginagawa. Tinatamad pa ako mag unpack ng mga damit kaya nakatambak lang yung mga bag ko at maleta sa sahig.

"Bakit hindi mo pa ayusin 'yang mga damit mo?" Tanong ni Mama habang nakasandal sa pinto.

"Ma bakit 'di ka kumakatok?"

"Ayusin mo na yang damit mo at pupunta tayo sa kapit bahay, sisilipin natin anong ginagawa nila." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Mama. Masyado naman ata kinareer ni Mama ang pagiging chismosa.

"Ma bakit kasama ako?" Tanong ko dahil nagtataka talaga ako, ano ba ang gagawin namin dun?

"Dalian mo diyan." Sagot ni Mama at iniwan na ako.

"Aaaarrghhhh!" Napilitan akong bumangon at tiningnan ko yung mga bag na nasa sahig.

"Katamad!"

Umupo na ako at isa isa kong binuksan yung bag para malabas ko na yung loob at ayusin ko na muna yung mga damit na nilabas ko.


"Ang dami!"

Natapos ko nang ilabas yung mga gamit ko sa maliit na bag ko na punong puno ng mga snacks na binili ko at isususnod ko yung pinaglagyan ko ng mga sapatos ko.

Nasaan yung mga sapatos ko? Maliit lang yung bag na yun color blue at kasya tatlong sapatos dun.

"Nawawala mga sapatos ko." Agad kong kinuha phone ko at dinial ko si Nat dahil baka nakita niya yun.

Nag riring na yung phone niya at matatagl tagal bago siya sumagot.

"Hey Nat, ask ko lang kung nakita mo ba yung maliit ba bag color blue tapos may sapatos sa loob?"

[Umm yeah nakita ko, nasa akin—] Nagulat ako dahil hindi ito boses ni Nat. Boses toh ni Chloe.

"Chloe? Asan si Nat?"

[Naliligo si Nat kaya sinagot ko na yung tawag.]

"Ahh ganun ba. Nakita mo pala bag ko?"

[Oo, nasa akin. Dalhin ko ba diyan?]

"Oo sana kung kaya mo or ako na lang pupunta diyan?"

[On the way na ako.]

-end-

Ang bilis niya naman, paano niya naalala yung daan? Mamaya maligaw siya Tsk tsk.

"Erin ang tagal mo!"  Sigaw ni Mama.

"Opo!" Bahala na nga yang mga damit ko.  Pumunta ako sa cabinet ko at kumuha ng damit, isang shorts at loose shirt. Nagipit din ako ng buhok at lumabas na ako ng kwarto.


Makikichismiss lang naman kami, hindi ko na kailangan mag ayos.

Naglalakad na kami ni Mama papunta sa bahay ng kapit bahay at pagdating namin dun nakita ko ang isang buong kanto punong puno ng gulay na nasa sahig. May maliit na lakaran at sa gilid nun ay puro gulay tulat ng talbos ng kamote, gabi, kamote, sayote, at marami pang iba.

Bibilihin ko yung kamote, My beloved Kamote wait for me!

Wow, ang daming gulay. At halos buong baranggay ata ang nandito para bumili ng gulay. Siguro andito yung buong  lyrics ng 'Bahay Kubo'.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon