Third Person POV/
Dumating na si Erin sa kanilang tahanan at agad ding nakita ang kanyang ina na nanonood sa sala. Nagmano si Erin at naupo sa tabi ng kanyang ina. Nanatiling tahimik si Erin hanggang ang kanyang ina ang bumasag nito.
"May sasabihin ka ba sa akin?" Tanong ng ina ni Erin.
"Ma, may sinasabi sa akin sina tita at tito tungkol kay JR-" Hindi pa natatapos magsalita ay pinutol ito kaagad ng kanyang ina.
"Rin hindi totoo si JR, wala kang kababata noon, hindi ba lagi kang nakakulong dito sa bahay?" Nawalan ng emosyon si Erin sa tugon ng ina.
"Ma, tama na, hindi pa ba sapat yung 12 taon na tinago mo sa akin kung ano talaga nangyari? Ma ayaw ko sana umabot sa punto na hindi ko malalaman sayo ano nangyari noon. Hindi ko alam gaano kasakit kung itatago mo pa ito nang mas matagal."
"Kanino mo 'toh nalaman? Sino nagsabi sayo?" Nagsimulang maluha ang ina ni Erin at nadismaya naman si Erin sa sagot ng ina. Huminga ito ng malalim bago sumagot.
"Mahalaga pa ba yun ma? May balak ka bang sabihin ito sa akin? Hindi mo lang alam ma pero napapanaginipan ko na may kasama akong batang lalaki nung bata pa ako. Nagpapakita sa akin yung mga pangyayari na yun na hindi ko alam kung totoo ba o gawa gawa ko lang. Yung totoo ma, tinago mo ba sa akin yung pagkabata ko?"
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ng ina ni Erin at hindi ito makatingin tuwid kay Erin sa kadahilanan na ito nahihiya sa mga nagawa. Umupo ito ng matuwid at hiniwakan parehas ang kamay ni Erin.
"Makinig ka mabuti ikwekwento ko sayo lahat ng nangyari nung araw na yun."
/Third Person POV/ (Pagkwekwento ng ina ni Erin) 12 years ago
Hindi mapag hiwalay si Erin at Kenneth (JR) tuwing sila ay maglalaro, minsan ay sinasama nila ang kapatid ni Kenneth na si Kenso pero mas pini[ili nitong mag aral sa kanyang sariling silid, kaya walang magawa si Kenneth kundi makipaglaro sa kapit bahay nitong babae.
Apat na taon ang agwat ng dalawa kaya lagging nakasunod sa likod ni Kenneth si Erin at sinusundan nito bawat kilos dahil si Erin din ay nag iisang anak. 5 na taon si Erin at 9 naman si Kenneth, kahit sa layo ng agwat nila ay malapit padin sila sa isa't isa.
Malaki din ang tiwala ng ina ni Erin kay Kenneth kaya kung sila ay magkasama ay panatag ang loob nito. Pinanganak si Erin nang wala na ang kanyang ama kaya pinalaki siyang mag isa ng kanyang ina. Sa murang idad ay naintindihan iyon ni Erin kaya hanga ang kanyang ina sa kagalingan nito umintindi at umunawa.
"Sigurado ka ba na kaya mong akyatin yang puno na yan?" Tanong ni Erin kay Kenneth. Ilang araw na nila binabalak akyatin ang puno ng mangga sa tapat ng bahay ni Erin pero natatakot sila sa kadahilanan na sila ay mapahamak.
"Ah hindi eh. Siguro pag lumaki na ako tapos tumangkad baka 'di lang yang puno abot ko." Sagot nito.
"Matagal pa yun bago manyari, mas matangkad sayo si kuya Kenso diba? Yan kasi dapat natutulog ka ng hapon." Pang aasar ni Erin kay Kenneth. Nalukot ang mukha ni Kenneth at pinitik noo ni Erin.
"Bakit pag si Kenso may kuya? Pag ako wala? at tsaka ikaw din naman hindi natutulog ah! Sabi nga ni tita pa nakita ka niyang 'di tulog itatali ka niya sa puno."
"'Wag mong kalimutan ka magkasama tayong nakatali noh." Sagot ni Erin habang minamasahe ang noo niyang mahapdi.
Habang naglalakad papunta sa bahay nina Kenneth nakita nila ang driver nito na nagmamadaling magbuhat ng mga maleta at ipinapasok ito sa kotse nila Kenneth. Nagtatakang sinundan ng tingin ito nina Kenneth at Erin, pinagmasdan nila ito ng maigi at tiningnan ang bawat kilos nito.
BINABASA MO ANG
Artistry Series: Indecisive
Teen Fiction"Dance with me." A life of a dancer is not easy. You are not sure who are you competing with. Sometimes people who you look up to, turns out to be the one who loathed you the most. Life is just like dancing, sometimes hard steps get you in trouble b...