Indecisive: Recovered

11 2 0
                                    

Erin's POV/

"Oh? Paano kayo nagkasaya sa van ni Nat?" Tanong sa amin ni Leigh.

Bumalik na kami sa unit namin at nag aayos na kami ng mga gamit namin. Nakalipas na din ang araw simula nung nag usap kami ni Kenso. Minsan nag kakamustahan pero umiiwas na ako at alam kong may namamagitan sa kanila ni ate Crissy.

"Si Blanche lang naman nakamaleta sa ating lahat. Napag kasya din namin lahat, ikaw ba, buti naka byahe ka mag isa." Sagot naman ni Chloe.

"Mas tahimik, mas maiksi yung byahe."

Tumigil kaming lahat at tumingin kay Leigh.

"Ganun mo ba kami ka-hindi kamahal?" Nag si sang ayon kami sa tanong ni Lucy at tumawa naman si Leigh.

"Slight lang, ang ingay niyo eh."

Nagtulungan na kami mag ayos ng gamit at tinulungan namin sina Chloe at Blanche ayusin mga pasalubong nila. Isa isa naming inakyat ang mga bag namin at inilipat sa kotse ni Chloe yung mgagamit nila ni Blanche. Nang maakyat na namin lahat ay umuwi na sina Blanche at Chloe, dahil katabing unit lang namin si Nat nag stay lang siya dito at nanunod ng tv.

"Ano ulit yung sasabihin mo sa amin Rin?" Nagulat ako at biglang inabot sa akin ni Xia yung mais at tinanggap ko din yun.

Muntik ko na nga makalimutan. Hindi ko alam saan ko sisimulan dahil andaming nangyare sa isang araw na iyon.

Nagsilapitan sina Leigh, Lucy, at Nat. Kahit gabi na ay lahat padin kami ay nagkakape. Nilabas namin yung tinapay dahil nga may pag uusapan kami.

"Naalala niyo yung panaginip ko sa dalwang bata?" Isa isa silang tumango.

"Wait, anong panaginip? Anong dalawang bata?" Tanong ni Nat, nakalimutan kong hindi pala niya alam.

"Nananaginip si Rin araw araw tas laging andun yung dalawang bata na yun." Sagot naman ni Xia.

"Ahh okay , continue." Sabi ni Nat.

"Nalaman ko na ako yung batang babae dun at yung batang lalaki ay yung kuya ni Kenso." Lahat sila ay nagulat dahil dun parte na ako yung napapanaginipan ko. 

Oh baka dahil kay Kenso?

"Kuya?" Paglilinaw ni Leigh.

"Nalaman ko na naaksidente ako 12 years ago at ang kasama ko sa aksidente ay yung kuya ni Kenso. Dahil sa aksidente nakalimutan ko na may mga kaibigan ako bago kayo at nakalimutan ko din lahat ng tungkol kay Kenneth, yung kuya ni Kenso."

"Teka, magkakilala na pala kayo ni Kenso noon pa? Hindi mo lang maalala?"

"Oo tama ka Xia, yan na yung pinakamiksi version ng kwento dahil sobrang haba ng pangyayari." Natawa ako bahagya at sumang ayon din sila.

"Andami ngang nangyari, paano mo kinaya lahat yun? Sana tinawagan mo kami, edi pinuntahan ka namin agad." Sabi ni Lucy at nag sitanguan sila.

"Well kayo lang makakapunta, malayo ako sa inyo." Sagot ni Leigh at nagkibit balikat siya. Isinubo ni Lucy yung tinapay sa bibig ni Leigh para manahimik ito kaya natawa din kami.

"Ayos lang naman ako, hindi ako na ghost ni Eros, pumunta siya ng bahay tapos nagpaalam na aalis na siya for good."

Kita sa mukha nila ang gulat at parang trinaydor ko sila na hindi ko sinabi na pinuntahan ako ni Eros.

"Kahit yun hindi namin alam?! Ano pa ba hindi namin alam para lalo kaming ma high blood." Sabi ni Xia at hinimas himas yung nuo niya.

"Ngayon lang nangyari na hindi sinabi sa atin lahat ni Rin noh? Lagi pa naman tayong updated noon."

Nagsitanguan sila sa sinabi ni Leigh at natawa ulit ako bago ko ininom yung kape ko.

"Gusto ko maging mysterious bat ba." Sabay irap ko sa kanila.

"Kamusta na kayo ni Tita?" Tanong ni Leigh pagkatapos niya kainin yung tinapay.

"Naging maayos na din kami, si Mama nagsabi sa akin ng lahat at nangako na din siya na hindi na siya mag sisinungaling kahit kailan."

"Wow may pa character development si Tita mga 10 years late lang."

Nagsitawanan kami at nilabas mga joke namin. Kahit seryoso kami kanina iba padin dahil mahilig kami mag biro.

"Si Kenso? Kamusta kayo ni Kenso?"

"Ahahahahaha! Yun na, wala na." Natatawang kong sagot at natahimik sila habang nagtataka.

"I mean, wala nang nangyari, hanggang friends lang kami. Mas maayos din yun kasi kahit anong gawin namin hanggang dun na talaga."

Pag papatuloy ko at parang naging proud sila sa akin at tinanggap ko yun.

Mahirap din silang basahin, nalilito ako.

"Sabihin ko na lang kina Blanche toh bukas mukhang tulog na yung dalawa na yun. Tsaka wala naman atang pake yung si Blanche."

Napairap ako sa hangin at sinubsob ulo ko sa mesa.

"Ewan ko dun sa babaeng yun, aaktong walang pake pero mamaya hahagulgol din kasama mo." Sabi naman ni Nat.

Natawa ulit kami.

"Sana lang talaga tinawag mo kami. " Sabi ni Lucy.

"Hindi na kailangan, kita niyo buhay pa ako oh. Tsaka may mga bagay na kailangan talaga nating harapin mag isa. Diba Leigh?"

Halata sa mukha ni Leigh ang gulat nang ilipat ko sa kanya ang atensyon naming lahat.

"Anong meron? Bakit si Leigh?" Nagtatakang tanong ni Nat

"Umabot pala sa Zambales yun? Totoo palang lumilipad yung chismiss." Napayuko si Leigh at ininum yung kape niya.

"May pakpak yung chismis." Pag aayos ni Lucy sa sinabi ni Leigh.

"Yun ba yun?" Tanong ko naman.

"Hay ano ba nangyari Leigh at naguguluhan na ako." Iling iling ni Xia. Na stress na ata namin si Xia, kawawa pa naman yan pag na sestress parang masisira na buhay niya.

"Hindi ko din alam basta tapos na yun." Sasgot ni Leigh.

~

Habang nakahiga ako sa kama ko ay iniisip ko kailan ko sasabihin sakanila yung pinaka mahalaga kong sasabihin. Hindi ako handang iwan sila pero Sigurado ako na hindi duon matatapos ang pagkakaibigan naming lahat.

Sa isang taong laging may iniiwan naninibago ako sa pakiramdam na ito. May panibago nanaman akong mundong pupuntahan.

Hindi ko alam kung kaya ko pero masakit para sa akin na hindi ko sila makakasama.

Binuksan ko ay phone ko at tiningnan yung picture naming lahat. Ito ay yung bago kami pumunta ng Zambales. Magkahawak kamay si Chloe at Blanche, nagtatawanan si Leigh at Lucy, nagtutulakan kami ni Xia, sa aming lahat si Nat lang ang pinaka maayos na tao.

Pinahid ko ang luhang lumabas sa aking mata at ngumiti ako. Masakit para sa akin iwan sila pero Sigurado ako na hinid ito ang huli naming pagkikita.

Binuksan ko ang group chat namin ay hinanda ko ay voice message.

"Mag aaral na ako sa Manhattan Academy. Hindi ako nagbibiro."

Pinindot ko ang send at naluha ako sa isipan na iiwan ko nga sila. Pinatay ko na ang phone ko at hinayan ko na tumulo ang mga luha ko.

Ito ang masakit kapag gumawa ka ng isang desisyon na magbabago ang lahat. Pero sa lungkot na ito ay hindi ko naramdaman ang pag sisisi.

~

:)

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon