Indecisive: Heartbeat

31 4 0
                                    

Erin's POV/

"Napasa mo na thesis natin sa Ad Chem?" Tumango si Lucy sa tanong si Xia, namamaga mata ni Xia kaya nag shades, mukaha tuloy siyang may sore eyes.

"Oo kanina pa, tapos si Leigh naman nag pasa nung movie analysis natin."

Nasa cafeteria kami nag lalunch dahil binigyan nila kami ng time para makapag comply sa mga activities namin. Kaya ngayon lang namin napasa lahat ng pinapagawa sa amin.

"May binili ako dito! Suotin niyo!" Sabi ni Leigh kaya sinuot namin yung binili niya na parang bracelet pero mas sosyal.

"Naka sign name nating apat jan, mag vavibrate yan tsaka iilaw kapag isa sa atin kinikilig. At mag aappear initials niya sa screen. Minemeasure niyan yung heartbeat natin kaya lagot na lang sino kikiligin sa atin hahahaha."

"Para saan ba toh?" Tanong ko. Agad naman akong tinapik sa braso ni Leigh.


"Kill joy ka, wala lang gusto  ko lang tingnan sino lagi kinikilig sa ating apat."



"Unang pusta! Si Rin unang kikiligin."

Talaga lang?

Pero alam ko din na ako yun. Ako lang naman may active na love life sa mga toh eh.

"Saan mo toh nabili?" Tanong ko kay Leigh.

"Dun sa—basta wag na magtanong toh KJ talaga eh." Ano naman kinalaman ng tanong ko?

"Mauna na ako sa room ko at ayaw kong matambakan ng mga essay dun." Kinawayan na namin si Lucy at umalis na nga siya.

Sumunod na naman si Xia at mag va-vocal pa daw siya.

"Di ka sasabay?" Tanong ni Leigh at aalis na din siya.

Umiling ako at sinabi na mamaya pa practice namin kaya mauna na siya. At naiwan akong mag isa, sa totoo lang tinatamad akong mag practice, nagka pilay kasi ako ang dulas kasi ng sahig.


"Mag isa mo lang?" Nilingon ko yung nagsalita at nakita ko na lang nakaupo na siya.

"Di ka naman siguro bulag ano, Kenso? Mukha ba akong may kasama?" Inirapan ko siya medyo mali mag tanong eh.

"Kanina wala kang kasama, ngayon meron na!"


"Tss sige push mo yan."


"Kamusta pilay mo?"


"Diba dapat ako tinatanong mo kasi ako yung may pilay, diba?"

Lumapit siya at ginulo yung buhok ko, tapos pinipisil niya pa pisnge ko.

DI SIYA TITIGIL?!

Naramdaman kong nag vibrate yung bracelet kaya nabahala ako.

KINILIG AKO DITO SA LALAKING TOH?!

"HOY!" sigaw ko sa kanya at nilayo niya naman kamay niya sa akin at nag peace sign.

"Bakit umiilaw yang bracelet mo?" Agad kong tinakpan yung bracelet at iniwas ko tingin ko sa kanya.

"Bakit mo kailangan malaman?" At sinimangutan niya ako kaagad.


"Hoy Zeller, mas mataas na posisyon ko sayo, mag karoon ka naman ng respeto."

"Huh? Mas mataas? Parehas lang tayo diba?"


"May ceremony ako mamaya, ipapatawag lahat ng dance major. Kaya respetuhin mo ako. Mas mataas na posisyon ko sayo. Superior na ako, pwede na kita mautusan." Sabay kindat ng hinayupak toh.

Artistry Series: IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon