Chapter 56

82 2 0
                                    

"Good Afterno--" Napahinto sya sa pagsasalita nung makita ako. Alam kong darating siya pero hindi ko inakalang ganito kaaga. Akala ko nung sinabi ni peter ay naghahanda palang siya.

"Is this your cousin Mr. Evans?" Yeah right. Galing ah. Nakatingin sakin parehong si Christine at Amiel samantalang tumango naman si Ace sa principal.

"Kailan niyo balak pumasok?" Siguro dapat na kong lumabas diba? Hindi naman ako kasali sa usapang to. Problema lang nakatayo parin si Amiel sa may pintuan.

"Maybe tomorrow? I prepared my things naman na eh" How conyo. Naparoll eyes ako sa sagot ni Christine. Arte lang?

"How about you Mr?" Tumingin siya kay Amiel pero parang wala sa sarili si Amiel eh. Lumapit ako sakanya. Gusto ko na umalis dito.

"Ahm.. aalis na ko." Naguluhan pa siya. Ano ba to tanga?

"Yung door knob" Sabi ko. Naintindihan niya naman yata kaya gumilid siya. Bubuksan ko na sana yung pinto pero nagsalita si Principal

"Wait Ms. Torres! Ahm..." Lumingon ako at nakita kong nagkamot ng ulo si Principal.

"Since lilipat ka na ng section, maybe we could give your slot to Amiel? Is it okay?" Duh? pag nag no ba ko hindi siya magiging first section?

"Sorry? / What?" Sabay na react ni Christine at Amiel.

"Yep. Sure po. Thank you again" Lalabas na sana ulit ako kaya lang naputol nanaman.

"No." Lumingon ako kay Amiel kung ako ba kinakausap niya. "Can I choose section? Ayoko naman po sa first section, its unfair" Talaga lang ah? Nagtanong naman si Principal kung saan niya gusto. Please wag 3rd section, please wag. Alam mong matalino  ka Amiel, magsecond ka nalang. Sigeeee na naman.

"You know, its better sa 3rd section." Nakangiting suggestion ni Principal. Seriously? Wow ah. So bakit? Kasi may friend siya dun at ako yun? Grabe na talaga to

"Why? Pwede naman siyang 2nd section diba?" Sige kontra lang Ace. 

"Im thinking. Na since last year mo na mahirap din makipag kaibigan so you need someone with you. Siya na itatabi ko sayo and if you want siya nalang partner mo in activities." Grabeng special treatment yan ah. At hindi ako tanga! Ako lang naman ang tinutukoy niya -_-

"Im afraid wala naman siyang kaibigan sa 3rd section" Sagot ni Ace. Hindi niya naman kasi alam na sa 3rd section ako nagpalipat. Panigurado magugulat yan, kahit sina Merian. Hindi ko man lang  nga nasabihan sina mommy. Paano ko ba naman kasi sasabihin eh mabilisan lang yun?

"What? Diba friends kayo ni Ms Torres? She'll be in the 3rd section..." Nagulat silang lahat obviously. Nakita ko pang binuka ni Ace ang bibig niya na para bang kokontra pero sinara lang ulit.

For the first time tiningnan niya talaga ako ng matagal. Galit at pagtataka ang nakikita ko sa mukha niya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit. Bakit siya nagagalit? Gusto ko sakanyang ipamukha na ako ang may karapatang magalit hindi siya. Gusto ko sakanyang sabihin na hindi naman ako ang nananakit dito kundi siya. Gusto kong sabihin na tunay ang mga sinasabi ko sakanya. Na talagang mahal ko siya pero parang yung kanya ay kasinungalingan lang. Andami kong gustong isumbat sakanya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi natatakot akong iiyak nanaman ako. Ako nanaman ang magmamakaawa. Sawa na ako sa ganung set up.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon