Chapter 39

240 5 0
                                    

"Guys! Kakain na tayo dito na kayo sa mesa ta---" Napahinto si Merian sa pagsigaw ng makita kami ni Amiel. Hinila ko agad ang kamay ko at umupo ng tuwid. Pinasok ko na din muna sa bulsa ko yung batong binigay ni Ace.

"Ayun! Gutom na gutom na ako eh. Tara na" Aya ni Xander na excited na excited kumain. Lahat kami nakaupo na maliban nalang kay Ace, wala pa siya eh. Medyo may konting ilangan pa din pero nadadala din naman.

Bigla ngang naging tahimik si Yeshie eh, siguro nainform din sa situation namin hahaha!

"Hephep! Bago kayo dyan chumibog magdasal nga muna kayo!" Sabi ni Ate Clarisse na sinunod naman agad nila.

Magsisimula na akong kumain ng dumating bigla si Ace. Hindi naman siya agad umupo...

"Saan ako uupo?" Tanong niya saamin. Lahat sila nagsiusugan at sinikipan ang mga pwesto nila. Kaya no choice si Ace...

"Sa tabi ni Kaycee" Sagot ni Ate Clarisse.

Nakakailang naman. So ganito  ang arrangement namin >>> Kuya Iko - Ate Clarisse - Yeshie - Xander - Rese tapos kaharap naman nila Ace - Ako - Amiel - Josh - Merian

Kukuha na sana ako ng pagkain ng biglang nilagyan ni Ace ng shrimp yung plato ko.

"Bro, hindi gusto ni Kaycee yung hipon pag di pa natatanggalan ng balat. " Sabi naman ni Amiel. Well, totoo naman yun eh. Pero di pa ata alam yun ni Ace. 

"Ah ganun ba? (Sabay kuha niya nung nilagay niyang hipon) Ako nalang magbabalat" sabi naman ni Ace. Bago pa man niya makuha lahat pinigilan ko na siya.

"Hindi na, ako nalang. Para matuto din ako" sabi ko sakanya kaya binalik niya din sakin yung mga hipon.

"Kasi yang si Kaycee napakaarte niyan" Panimula ni Kuya. Seriously kuya? Inirapan ko naman siya at nagsimula na akong magbalat.

" Nung bata yan gusto niya siya lagi ang pinagsisilbihan" Sige pa kuya. Halata namang nagpipigil ng tawa itong mga kasama namin.

" Pero kahit ganun siya kamaldita, hindi siya iyakin." Yup. That's true, pero ngayon di ko alam kung true padin ba yan. Eh halos gabi gabi umiiyak ako.

"Kaya alam mo ba Amiel..." Tiningnan naman ni Kuya si Amiel ng seryoso. Kaya yung parang matatawa nilang mukha naging seryoso na din.

"Di ko mapigilang mainis sayo dahil sa pagpapaiyak mo dyan sa kapatid ko" Bigla naman akong nabulunan sa sinabi ni kuya.

"Tubig" Abot sakin ni Ace ng tubig. Tiningnan ko ng masama si Kuya para tumigil na siya.

" Hindi ko alam bakit sobrang baliw yan kapatid ko sayo, DATI." Hindi madaan sa tingin si Kuya

" Pero wala narin namang kaso sakin na maging magkaibigan ulit kayo ng kapatid ko. Tandaan mo lang na sa oras na mapaiyak mo ulit siya, hindi ko na alam anong magagawa ko sayo" Ang awkward na ng atmosphere namin dahil sa pagiging honest ni kuya. Magsasalita pa sana ulit siya pero pinigilan ko nadin agad siya

"KUYA!" Dahil sa sigaw ko napatahimik siya. Alam niyang seryoso ako kasi minsan lang sa minsan ko siya sigawan. 

"Naiintindihan ko naman po yun eh. " May bakas ng kalungkutan na sinabi ni Amiel.

" Mahal ko siya. Mapatawad niya lang ako ayos na. Makita ko lang siyang masaya ayos na. Kahit sobrang sakit, wala naman akong magagawa kasi dahil lang din naman to sa katangahan ko. Pero sorry kung ayaw ko na maging magkaibigan ulit kami. Kasi hindi ko ata kaya yun, siguro mas ok kung lalayo ako sakanya para kahit papaano mapigilan ko ang nararamdaman ko." Pagkatapos sabihin ito ni Amiel tumayo na siya. Sabi niya tapos na daw siyang kumain at tawagin nalang daw siya kung aalis na kami.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon