Chapter 44

183 9 0
                                    

KAYCEE'S POV

"Teka nga kasi! Ano ba yan! Kararating lang natin pinapamadali niyo na ko." Nagpout pa ko after kong sabihin ang reklamo ko. Paano ba naman kasi! Kararating lang namin ngayon dito sa beach galing sa camping tapos inutusan na agad ako nila na maligo, magayos at pumunta dun sa sala.

"Dadalian mo o kakalbuhin na kita ngayon?" Sagot sakin ni Merian. Aba? Sinong tinatakot niya?

"Sapak gusto mo? Baka ikaw makalbo ko?" Pagtataray ko sakanya. Gayahin ba naman style ko? HAHAHA. Sakin parin yan susunod.

"Basta maligo ka na! Babae ka nakuu!" Kung nanay ko to si Merian for sure nakalbo na to sakin. Si mommy kasi mas malakas trip sakin kaya di ako nun prinoproblema.

"Di ba pwedeng magpahinga muna? Hello? Pagod po ako!" Hinila naman ako agad ni Merian at Rese patayo. Nakahiga kasi ako sa kama.

"Isa! Maligo ka na kasi! Kanina ka pa naman nakahiga dyan eh" Sabi ni Rese sakin. Ano ba kasing pinagmamadali nito at pinapaligo na ko?

" Dali na!" tinulak pa talaga nila ko at muntik lang naman akong madulas kaya hinarap ko agad sila.

"Ano ba kasing pinagmamadali niyo ah!?" Nagkatinginan naman sila at biglang bumukas ang pinto. Si Josh at Xander lang pala.

"SAGOT!" Sigaw ko nung hindi nila ako sinasagot. Nakakairita kaya yun. Pagmamadaliin ka tapos di mo naman alam para saan.

"Mawawalan ng tubig mamaya..." Sagot ni Josh. Wow ah? Yun lang naman pala.

"O tapos? Edi kayo mauna! Ako pa talaga dapat mauna?" Wala kasing sense yun eh diba?

"Ikaw kasi pinakamabaho." Sabi ni Xander na kina tawa nilang lahat. Tiningnan ko naman sila isa isa ng masama.

"Gusto mo ng----" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lapitan agad ako ni Xander. Umatras naman ako. Humakbang naman siya papalapit. Umatras ulit ako. Humakbang ulit siya. Ewwwwwwwwwwww. Nacorner niya na ako. -_-

"Halik? Pwedeng pwede." Uminit ata mukha ko dun. Hindi dahil sa kilig! DAHIL SA INIS. Jusko po. A cassanova will always be a cassanova -.- Hindi na ko nagdalawang isip na isandal ang dalawa kong kamay sa balikat niya. Sweet ba?

Sabay tadyak ko sa *tooot* niya kaya napa atras siya sabay sigaw ng "Accck! KAYCEE ANG SAKIT NUN! Pucha. Pag si Rese hindi nagkaanak." What the hell?

Namula naman si Rese sa sinabi niya kaya agad itong kumuha ng unan at binato kay Xander na namimilipit ng sakit. "Yak! Kadiri ka talaga ALEXANDER BLISS!"

"Ewww. Umalis na nga kayo dito! Maliligo na talaga ako dahil sa virus ni Xander!" Pumasok agad ako sa CR at nilock ko yun. Narinig ko pa silang nagtawanan bago umalis.

In-on ko yung shower. Nagbabad lang ako dun. Nakatingin sa salamin. Ready na ba talaga akong sagutin si Ace? Bukas na yun diba? Tatawagan ko pa nga pala sina mommy. Pero what if katulad lang siya ni Amiel? What if saktan niya lang din ako? Hindi kaya wala ng matira niyan sakin?

Tama kayang sagutin ko na siya? Maaga pa kaya? Pero... baka magsawa siya... Aish! Erase all that what ifs Kaycee. There's never been an assurance in love. You'll get hurt if you love. But if its really love, that pain that you'll have wouldnt break you nor destroy your relationship. It will just make you stronger.

If I really love him I'll have to set aside those what ifs. I love him. Period. No Erase :)

*Knock Knock*

"Cee! Matagal ka pa dyan?" Si Rese lang pala. Sinarado ko na yung shower at kinuha yung towel ko.

"Kanina gustong gusto niyong maligo na ko. Ngayong nageenjoy na ko sa pagliligo papamadaliin niyo naman ako? Ano to lokohan?" Sigaw ko habang palabas ng Cr

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon