"Kaycee... Yung pinsan niya si.." Si???
"Andito na tayo! Yun oh! Swimming na" Sigaw bigla ni Xander kaya napatingin kami sakanya. Bigla naman akong tiningnan ni Xander
"Hala! Bakit ka umiiyak!?" Ang bakla mo Xander. Peste...
"Ha? Ako? Hindi ah. Tara na nga baba na tayo" aya ko sakanila. Halata mo namang Excited silang lahat kaya dali dali din silang bumaba. Naiwan nalang kami ni Ace
"Ano ulit yun?" Tanong ko sakanya.
"Ahh... wala wala. Tara na?" Ok. Wala naman pala eh. Bumaba na din kami at sinundan sila.
Ang ganda naman dito. Kaya lang kami kami lang magpapasko? Di kasama parents namin? Bahala na nga. Kahit naman pasko busy yun eh... Siguro naman tatawag sila.
"3 rooms meron tayo. Paano ang hatian?" Tanong ni Ate Clarisse.
"Lahat ng lalaki pati si Kuya Iko sa iisang kwarto nalang, kaming tatlo naman isa din tapos kayong dalawa po ni Yeshie sa isa din" Suggest ni Merian. Teka nga? Ang lungkot nanaman ng babaeng to eh. May problema kaya sila ni Josh?
"Sige. I guess ayos na yun. So paano? Ayusin na muna natin mga gamit natin" Sabi ni Ate. Dumiretso na lahat sa bawat room nila.
Nung pagdating namin sa room dumiretso sa cr si Rese.
"Merian?" Sabi ko
"Hmmm?" Wala talaga sa mood tong babaeng to.
"May problema ba kayo ni Josh?" Tanung ko sakanya. Tiningnan niya ko tapos ngumiti siya sakin.
"Wala naman eh. Kumusta na pala kayo ni Ace?" Tanong niya
"Kami?.. Ahh. Ayun wala naman." sabi ko
"Kailan mo sasagutin ah?" Halos parang mapatalon ako sa tanong niya. Kailan nga ba?
"Ahm.... Ewan. Eh diba gusto ko payag sina mommy dito." Paalala ko sakanya. Yun naman kasi talaga gusto ko eh. Yung ligawan muna niya parents ko. Ewan ko nalang kung magawa niya yun. Eh sobrang busy nila mommy.
"Paano pag nagawa niya yang gusto mo?" Tanong ni Merian.
Napaupo naman ako sa kama namim... Hmm? Paano nga ba?
"Edi sasagutin ko siya? Hindi naman mahirap magbigay ng Oo diba?" Sabi ko sakanya.
"Sabagay... Hoy Rese! Dalian mo ako naman" sigaw ni Merian. Sakto naman lumabas si Rese kaya pumasok na din si Merian sa cr.
"Di ka magpapalit?" Tanong sakin ni Rese.
"Wow ah. As if naman gusto kong magswimming... wag na" sabi ko sakanya. Kasi paniguradong nakasuot na yan nang panswimming.
"Ngayon ieenjoy lang muna natin tong beach. Magiihaw din tayo for dinner. Tapos bukas umagang umaga maga island hopping tayo ok? Kaya sa ayaw at sa gusto mo magswiswimming ka. Bukas ng hapon pupunta tayo sa malapit na park. Magho-horse back ridding tayo at zipline tapos babalik tayo dito. Sasusunod na araw naman maaga ulit tayo dahil aakyat tayo sa malapit na bundok then camping dun" The Heck? Sino naman nagplano nito!? Pagkadami daming gagawin. -.-
"Secong to the last day natin... Di ko alam. Pati sa last ewan" So may hindi pa naplaplano? Grabe naman. Anong klaseng christmas ba to? Eh parang pinapagod naman kami eh.
"Merian dalian mo dyan! Baba na tayo at maghahanda pa tayo ng iihawin" Sigaw ni Rese tapos nagpaalam na siyang mauuna na sila sa baba.
Inaayos ko muna lahat ng gamit ko tapos susunod na din ako sakanila. Bakit ba naman kasi andami nilang dinalang gamit ko? Dapat sinabi nila to sakin para ako nalang namili ng gagamitin ko. Nagdala pa kasi sila ng sandals na may heels! Seryoso beach talaga to. Tapos may parang bistida pa na hindi sakin familiar, wala naman akong ganitong damit -.-
BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...