Disco socials.
Aattend ba ko o hindi?
Nakaupo ako ngayon dito sa damuhan. Wala akong kasama, ewan ko ba at laging wala yun sina Merian pati nadin si Josh, Rese at Xander. Si Ace naman parang galit sakin. Ewan ko ba, May nagawa ba ko dun?
"Loner?" Biglang sulpot nitong si Peter.
"Not anymore" I said smiling.
"Ang layo ng iniisip natin ah"
"Nakakairita kasi eh. Di ko alam kung may nagawa ako sakanya tapos di niya pa ako pinapansin"
"Huh? Sino? Baka naman may nasabi ka o kaya naman may nagawa ka" patuloy paring nagsasalita si Peter pero di ko na siya pinapansin. Ewan ko anong nangyayari sakin
Bigla nalang kasi nahagip ng mata ko si Ace....... Na may kasamang babae. Si Christine >.<
Teka nga?? Nagseselos ba ko!? What the hell no! Selos? KAYCEE STOP! HINDI KA NAGSESELOS.
Nakita mo lang naman sila. Nakita mo lang naman na tumatawa si Ace kasama ni Christine na parang masaya si Ace na kasama si Christine. OMG what the fuck am i saying!?
"Huy! nakikinig ka ba sakin?" biglang tanong ni Peter sakin.
Di ko maalis tingin ko sakanila. Kaya pati si Peter napatingin sa kung saan nakabaling yung mata ko.
"Tsk." Dinig kong bulong niya.
"Selos?" Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya
"HUH? Hindi nuh!"Pagdedeny ko. WAIT HINDI AKO NAGDEDENY! HINDIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!
"Hahahah. Tanga mo nuh" Ouch sakit na nun ah
"Wag kang masasaktan. Kasi totoo naman gusto mo bigyan kita ng tatlong rason kung bakit?" Dagdag pa niya
Tiningnan ko naman siya na parang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Unang una, Hindi mo alam na nagseselos ka na halata naman."
"Huy! hindi nga ako sabi nags---"
"Teka lang! wag ka muna magre-react patapusin mo ko"
"Fine" sagot ko.
"Pangalawa. Hindi mo inaamin na Mahal mo na yang taong tinitingnan mo. You are too dumb for not realizing it sooner, that you already fell in love with him"
"At pangatlo"
Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang ituloy ang sasabihin.
"Tama nga sila. Manhid ka, Playgirl ka kasi eh. Parang di ka seryoso sa iba. Kaya siguro ngayon medyo halata na. Kasi ngayon ka lang nagmahal."
"Huy! grabe ka na ah" singgit ko.
"Ang tanga tanga tanga tanga mo!....
Para hindi maramdamang Gusto kita"
O_O
Teka!? Tama bang rinig ko sa sinabi niya???
Gusto niya ko?
Wait! Mali yun diba?
"Wag kang matulala dyan. Tama dinig mo, pero wag mo kong lalayuan ah" Sabi niya.
Agh! PAANONG DI KO SIYA LALAYUAN EH SINABI NIYA SAKIN YUN >.<
-----
Xander's POV
"Huy! Ano sure bang gagana yang plano mo?" Ano ba namang babae to ni Josh. Nakakatuliling kanina pa nagdadada!
"Oo! Sigurado ako dyan! Akong bahala!" Sigaw ko sakanya.
"Ano ba kasi yan plano mo?" Tanong naman nito ni Rese
" Basta. Akong bahala dito. Ano nabili mo ba yung SIM card Josh?" Tanong ko naman kay Josh
Binigay naman yun sakin ni Josh at nagsimula na akong magtext.
Siguradong sigurado akong gagana to ;)
-----------

BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...