Chapter 40

202 5 0
                                    

Naglalakad kami ngayon papunta sa park dito. Sasakay daw kami ng kabayo at magzi-zipline. Na try ko narin namang sumakay sa zipline pero yung pagsakay sa kabayo hindi pa.

Nauuna lang sila saakin sa paglakad. Nakasunod lang ako sakanila. Hindi ko parin talaga maiwasang maisip lahat ng sinabi sakin ni Josh. 

Life is really complicated. May mga bagay na hindi natin hawak. No matter how I try to hide all my emotions, lalabas at lalabas parin sila. Therefore making me vulnerable as ever.

"Kaycee! Tara, pili ka na ng kabayo" Tawag sakin ni Ate Clarisse while pointing the horses. 

"Share kami ni Merian ng kabayo" Sabi ni Josh sa lahat. Ganun din daw si Rese at Xander pati si Kuya at Ate. So ang naiwan ay ako, Amiel, Ace and Yeshie.

"Kuya Amiel! Tara sabay tayo. Miss na kita eh" Sigaw ni Yeshie habang hinihila palayo si Xander. Oh this cutie! Nakita ko pa siyang magwink kay Ace bago hinila ng tuluyan si Amiel.

Hindi naman dun nakaangal si Amiel. But it was really obvious kung anong gusto niya. Yeshie talaga. Halata sakanyang no matter happens gusto niyang kami ni Ace. Hindi ko napagilang mapatawa sa naiisip ko.

" Ikaw ba ang pipili ng kabayo?" Tanong sakin ni Ace. I nodded. Tinitingnan ko yung  mga kabayo dun. 

"Manong ito po samin" Sabi ko dun sa nagbabantay habang tinuturo yung puting kabayo sa pinakadulo. Ang pure niya tingnan. I super like that horse.

"Bro! Sunod kayo samin doon sa field!" Sigaw ni Josh na medyo pataas taas pa ng kilay. Kahit kelan talaga! Lumipat naman ako ng pwesto para mahaplos yung kabayo. Buti nalang hindi ako nito sinisipa. Omyghad! Hindi ako marunong mangabayo diba? Baka mamaya mahulog lang ako dito. Wag nalang kaya ako sumakay?

"Sasakay ka ba o hindi?" Ang sungit! Napatingin naman ako kay Ace at bahagyang napakamot ng ulo.

"Ah....eh-- Ayaw ko na palang sumakay. Ikaw nalang ah" Napatalikod na ko agad at akmang maglalakad na pero bigla niyang hinila ang braso ko at pinaharap ulit ako sakanya.

"Eh diba ikaw pumili niyan? Sus if I know ah!" What the!? If I know ano nanaman dito kay Ace? Inaatake nanaman siya ng kabaklaan niya!

"Basta ayaw ko" Tumalikod na ulit ako pero katulad ng dati hinila niya ulit ako.

"Natatakot ka bang sumakay Ms. Kaycee Keith Torres? The Manhater/ Amazon queen?" Nakasmirk niyang sabi saakin. The hell!!!!?Pinipikon ba ko nitong baklang to?

"And so?" Pagtataray ko sakanya. Tumalikod naman ulit ako pero tulad ng dati hinila niya ulit ako. Kunting kunti nalang masasapok ko tong Ace na to. Makahila wagas eh

"Dont you trust me?" tanong niya na biglang ikinainti ng mukha ko. Aish! Nakakaabnormal

"Tigil tigilan mo ko Ace ah!" Pagbabanta ko sakanya kahit mapansin kong nagpipigil na siya ng tawa dahil sa itsura ko ngayon.

"Andito naman ako. I wont let you fall, and if ever you'll fall" Shit! Todo pula na ata ang pisngi ko dito. Feeling  ko anytime matutunaw na ko dito

"Ano? Paano pagnahulog ako?" Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.

"Edi nahulog ka, wala tayong magagawa dyan" Sabi niya sabay halakhak ng todo. Bwiset na Ace! Kahit kailan talaga! Panira naman siya eh. Magandang maganda na eh. Ayun na sana -.-

"Ah ganun?" Nahalata niya ata na may halong pagkairita ang boses ko kaya napatigil agad siya sa pagtawa.

"Joke lang yun uy!" Tumalikod na ulit ako sakanya. Nagsalita naman ulit siya.

"Syempre naman di ko hahayaang mangyari yun. Sasaluhin kaya kita! Kaycee, bumalik ka na nga dito" Buti nalang pala at naglalakad na ko palayo dahil di ko napigilang mapangiti sa sinabi niya.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon