KAYCEE'S POV
February na ngayon. And still hindi parin kami nagbabati ni Ace simula nung nangyari na pagaaya sakin ni Hiro sa prom. Hindi naman kami nagaaway na physical or what, pero di din kami naguusap. Silent war kumbaga. Pero hindi kami nagbreak ah!
"Kausapin mo na kasi." Bulong sakin ni Merian. Simula nung nagaway kami ni Ace sumasabay na ko sakanila mag lunch, at nung nalaman nilang may problema kami ni Ace ay ginawa nilang pati si Ace kasama namin maglunch.
"Eh paano?" Tanong ko sakanya. Nung huli ko siyang trinay na kausapin hindi niya ko pinansin, nagmukha lang akong tanga.
"Bahala ka na. Umpisahan mo kunware sa hi, o hello" Suggest naman ni Rese. Magkakatabi kasi kaming tatlo at nagbubulong bulungan lang kami. Sa tapat naman namin silang tatlo ding lalaki.
"So ano yun, kunware back to strangers kami?" Tanong ko naman. Tumango nalang silang dalawa at bumalik na sa pagkain nila.
"Ahm.. A-ace... ah, t-tapos ka na ba kumain?" Nahihiya ko pang tanong. Hindi siya sumagot. Napabuntong hininga naman ako sabay ulit ng tanong ko, this time hindi na ko nautal. "Tapos ka na ba kumain?"
"Josh, kinukuha na ba ang pinggan dito at hinuhugasan kaya nagtatanong sila kung tapos na ba tayong kumain?" Tanong niya kay Josh na halatang nagpaparinig sakin. HIndi man lang niya ko sinulyapan. Nakita kong bahagyang nagpipigil ng tawa si Xander kaya yumuko nalang ako.
Wala talaga eh. Tinatry ko namang magpaliwanag sakanya at ayusin yun eh. Pero wala. Siguro nakadagdag pa sa problema namin ang madalas na pagsunod sunod sakin ni Hiro, at balik friends na kami ni Peter.
"Try mo ulit. Wag mong sukuan yan." Bulong ulit sakin ni Merian.Tinanguan ko naman siya bago ulit ako nagsalita.
Magsasalita na sana ako nung may binulong naman sakin si Rese. "Try mo pick up lines. Kikiligin din yan" Kinindatan niya pa ko kaya napangiti naman ako. Baka nga gumana. Nagisip muna ako ng pick up lines bago nagsimulang magtanong.
"Can I buy you a drink?" Nahihiya ko pang tanong. Argh! Ayaw ko talagang bumabanat eh. Pero sige na dahil para naman sakanya.
"Actually, I'd rather have the money." Hindi tumitinging sagot niya sakin. Binara niya na talaga yung pick up ko. Di bale na nga meron pa naman ako.
"Will you go out with me this saturday?" Nagtataka niya kong sinulyapan pero iniwas din niya agad ang tingin niya bago sumagot.
"Sorry, Im having a head ache this weekend" Wow ah! So nalaman mong sasakit ang ulo mo this weekend! Pinalampas ko nanaman ang pambabara niya at nagsalita nalang ulit. Sana naman di na niya barahin.
"Go on. Dont be shy. Ask me out." Nakangiti kong sabi.
"Ok then... go out." Cold niyang sabi. He have never been so cold. Tumawa si Xander kaya tiningnan ko siya ng masama. Nahihirapan na nga ako dito pagtatawanan niya pa ko.
"Where have you been all your life?" Tanong ko nalang ulit. Nakita ko pang may binubulong si Josh kay Merian habang nakatingin sakin. Napansin ko ding tumitingin na yung ibang tao sa canteen. Here we go again. Nagmumukha nanaman akong tanga.
"Hiding from you." Parang kinukurot nanaman ang puso ko. Ang cold cold niya na sakin. Minsan naiisip ko nalang na break na kami kahit hindi pa siya nakikipagbreak, pero wala eh. Sinasabi ko parin na may chance pa to.
"Haven't I seen you in some place before?" Ano ba naman yan! Medyo humihina na ang boses ko. Nafefeel ko na din ang mainit na tubig sa loob ng mata ko.
"Yes. In your dreams..." Woah. Kunti pa Kaycee. Pigil pigil ko ang mga luhang gusto ng tumulo sa mata ko. Kung kanina ay ilan lang ang nakatingin samin, ngayon lahat na ata talaga ng nasa canteen nakatingin at nakikinig samin.
BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...