KAYCEE'S POV
"Sabay sabay na tayo! Sa monday na yun eh." Sabi sakin ni Merian habang naglalakad kami papuntang parking lot. Natigil ako ng makitang makakasalubong namin sina Hiro.
"Naku naman talaga Kaycee. Ang lakas talaga ng hangin ng lalaking yan!" Pabulong na sigaw sakin ni Rese habang niyuyugyog ang braso ko. "Akala mo hot? Eh grabe nga ang hanging nilalabas niyan!" Dagdag pa ni Merian.
"Husssssh! Dedmahin niyo nalang." Bulong ko at akmang bibilisan ang paglakad dahil ilang metro nalang talaga at magkakasalubong na kami.
"Hey Kaycee!" Bati niya habang kumakaway at binilisan pa ang lakad. Napabuntong hininga naman ako.
"What?" Tanong ko ng mabilisan habang naglalakad parin papunta sa sasakyan ni Merian.
"Sa monday na yung prom. May damit ka na ba?" Tanong niya habang nakasunod samin. "Meron na. " Simpleng sagot ko.
"Do I need to pick you up?" Napalingon ako sakanya bago umirap. "Mukha ba kong walang paa?"
Mas lalo lang akong nainis sa pagtawa niya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Anong kulay ng damit mo? Para imatch ko." Nagisip muna ako ng kulay na maganda na pwedeng isuot niya. At syempre hindi ko isusuot. Sinong papayag na parehas kami ng kulay ng damit? No way! "Black. All black." Sagot ko sakanya ng di siya nililingon.
"Black? Really? Sinong patay?" Natatawa niyang tanong. "Wala naman. Mamamatay palang." Sagot ko sakanya. Nakalapit na kami sa sasakyan ni Merian at binuksan ko na din ang pinto nito.
"Who?" Tanong niya nanaman habang tumatawa. "You! Kaya kung gusto mong hindi ka paglamayan sa mismong prom natin, lumalayo layo ka na sakin!" I shouted bago ko tuluyang sinarado ang pinto ng sasakyan ni Merian.
"Black talaga gusto mong kulay ng gown mo?" Nagtatakang tanong ni Merian. "Alam mo akala ko matalino ka... kailan ko bang ginustong black ang suot suot ko!?" Sagot ko kay Merian.
I hate Black. Patay na patay ang kulay. Kahit pa sabihin nating ang black ang kinalabasan ng combination ng lahat ng kulay, pangit parin yun para sakin. Compare sa white, na absence ng lahat ng kulay, mas mabuti na yung puti.
"Nagtatanong lang eh. Well sige diretso na tayo." Sabi niya habang nagdadrive na paalis ng school.
"Do I really need to attend? Hindi nalang ako magaattend eh." Sabi ko sakanila habang sumasandal sa bintana.
"Hindi parin kayo bati?" Sagot ni Rese na parang sinasabi niyang si Ace nanaman ang dahilan bakit ayaw ko ng umattend ng prom. Umiling nalang ako kay Rese, yun nga naman kasi ang dahilan talaga. At aside dun wala din akong ideya kung sino ang partner niya. Nahihiya naman akong magtanong.
"Mag attend ka lang Kaycee. Magbabati din kayo nun ni Ace" Sabi ni Merian at nilingon ako sa bintana.
Nakarating na kami sa mall at halos lahat ng shops na may gown ay pinuntahan na namin. Ang pili naman kasi nilang dalawa at gusto pa na maganda ang damit nila. Sa unang store palang ay nakabili na ko nung akin. Wala naman kasi talaga ako sa mood pumili, kaya yung nauna kong sinukat at kumasya sakin ay kinuha ko na.
"Ano nga yung kulay at design ng damit mo Cee?" Tanong sakin ni Merian habang nakadungaw sa cellphone niya. " Beige. Hmmm. Puddle Train na Beige. Why?" Tanong ko sakanya.
Di naman niya sinagot ang tanong ko at nagpatuloy na sila ni Rese sa paghahanap ng damit nila. Nakahanap na din naman sila sa wakas. At yung mask naman nami ang hahanapin namin. Masquerade kasi ang team. Bawal din ata malaman ng partner mo kung anong mask or dress and suot mo.
BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...