KAYCEE'S POV
"Xander wag mo ngang paglaruan yang alitaptap! Naku! Kawawa naman" Saway ni Ate kay Xander na kanina pa niyuyugyog yung bote na may laman ng mahigit 10 na alitaptap.
"Kailan ka matatapos kumain? Simula ata pagkarating mo kain ka nalang ng kain." Natatawang sabi sakin ni Josh. Tiningnan ko naman siya ng masama. Tama siya, simula nung makarating kami ni Ace dito wala na kong ibang ginawa kundi ang kumain ng kumain! 8:30 na nga pala at andito kami ngayon nakapalibot sa apoy. Maya maya din papasok na kami sa kanya kanyang tent.
"He-he. Gusto mo iluwa ko lahat ng kinain ko at isubo ko dyan sa bibig mo!?" Pasigaw kong sabi.
"Joke lang naman. Ito talaga di na mabiro eh" Natatawang sabi niya ulit sakin. So siya kaya mapunta sa pwesto ko diba?
"Ahh joke pala yun? Ba't di ako natawa?" Inirapan ko siya at pinagpatuloy lang ang pagkain. Actually may hinihintay ako kanina pa eh.
Boom! Ayun na. Tumayo na din si Ace at pumunta sa tent niya.
"Ano gawin mo ace?" Tanong ni Xander.
"Madali lang ako." Sabi niya at pumasok na sa tent nila. Binitawan ko na din naman agad ang kinakain ko at humarap sakanilang lahat. Bubulong lang nga ako para di marinig ni Ace.
"Guys. pwede niya ba akong tulungan?" Pabulong pero narinig naman nilang lahat. Nakatingin lang sila sakin at nagaabang ng susunod na sasabihin ko, kaya naman nagpatuloy na ko sa sasabihin ko.
"Wag kayong sasabat muna ok? Patapusin niyo ko para maexplain ko agad" Unang una na sinabi ko sakanila dahil baka bumalik agad si Ace edi hindi ko na nasabi sakanila.
"Ano ba yun?" Takang tanong ni Rese. Tiningnan ko naman siya ng masama sabay sabing "Wag nga sasabat diba? Eto na sasabihin ko na nga." Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.
" Balak ko na sanang sagutin si Ace sa ahm.. Bukas?" Medyo di pa ko sure. Siguro bukas nalang. Kung kaya namin maghanda ng surprise edi bukas na.
"Yown! Edi ayos na yun guys! Solve na pala ang sur---" Tinakpan ni Rese ang bibig ni Xander kaya hindi niya na tuloy ang sasabihin niya. Nagkatinginan naman silang lahat at bumalik ang tingin sakin.
"Ano yun?" Nagtataka kong tanong. May nafefeel talaga akong mali sakanila eh!
"A--AH... S- sabi... sabi mo kasi wag sumabat diba!? O yun nga! Sabi mo wag sumabat. Kaya tinakpan ko nalang bibig niya. Hehe" Medyo napakamot pa si Rese ng ulo. Pinagkibit balikat ko nalang iyon at nagpatuloy na ko.
"Tulungan niyo ko gumawa ng surprise ah? Kasi ayaw ko nung ordinary lang na mag-oo ako tapos ayun na. Gawa tayo ng surprise para bukas. Wala pa naman kayong napaplano para bukas diba? Pati nga sa last day. So help me nalang." For the second time nagkatinginan nanaman silang lahat at binalik ang tingin sakin. So ano ba talagang problema nila?
"Teka nga ah! May hindi ba ko alam dito?" Medyo galit kong tanong sakanila.
"A-ah.. Kasi di kami pwede. Busy kami!" Sabi naman ni Josh.
"Kaya nga! Gagawin mo pa kaming katulong. Tapos sagutin mo lang ayos na yan!" Pagsang ayon ni Xander.
"Wag niyo ko lokohin ah! Sagutin niyo nga tanong ko! May di ba ko alam?" Nagtinginan nanaman sila. GUILTY. Argh. Ako talaga iniinis nila eh!
"A-ah. Wala! Sabi namin sige tutulungan ka namin." Sabi naman ni Merian kaya siniko siya ni Josh. Nagbulungan pa ang dalawa bago tumingin ulit sakin at nagsalita. "Pero pwede bang wag bukas? Pagod pa tayo niyan eh! Sa last day nalang ah?" Suggest ni Josh.
"Ahm... sige na nga. Basta ba tutulungan niyo ko ah! Kayo bahalang magpapunta kay Ace sa lugar tapos bawal niya malaman ah! Kayo na bahala paano niyo yan masasama. And tulungan niyo ko sa kanta. Gusto ko kasi magduet kami! Kaya lang hindi ko alam paano ko siya mapra-practice nang hindi niya malalaman para saan yun." Sabi ko sakanila.

BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...