Chapter 41

215 4 0
                                    

KAYCEE'S POV

 Medyo natagalan pa kami ni Ace sa pangangabayo kaya hindi na kami nakasabay sa zipline. Hindi naman nga pala siya mahirap. Ang sarap nung feeling lalo na pag ang bilis ng takbo nung kabayo.

Hindi nga ako mapakali nung una eh. Ewan ko ba. Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko satuwing mahahawakan niya ko. 

Nung una yung akala ko yinayakap niya ko. Nakakahiya nga kasi nagsalita pa siya nun, parang nabasa niya iniisip ko eh. Tapos yung pagsandal niya sa balikat ko. Nakikiliti ako kaya di ko mapigilang mapamura.

Nakakahiya din yung buhok ko. Hinahangin kasi at natatamaan siya. Yung paghawak namin parehas sa lubid na dahilan kung bakit nahawakan ko ang kamay niya. Ewan ko ba! Feeling ko... Amp. Parang may nagliliparang butterfly sa loob ng tiyan ko. Di ako mapakali

Parang kinikilig ako?

Kahit sa panandaliang oras na iyon nakalimutan kong may problema nga pala ako kay Amiel at sakanya. Speaking of Amiel, noong makabalik kami sa beach parang iniiwasan niya na ako.  Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may mali na sa kinikilos niya.

Hindi naman siguro mabilis kung sasabihin kong may plano na akong sagutin si Ace? Hindi ko alam pero nung nagwish ako, ang sabi ko bigyan ako ng sign. Yung time na narinig ko yung binulong niyang wish niya yun na yun eh. Yun na yung hinihingi ko. Para malaman ko na seryoso talaga siya sakin.

Balak ko sanang magpatulong kina Merian, kasi wala naman silang naplano na gawin sa last day namin dito eh. Kaya ang plano ko sana surprise nalang kay Ace at dun ko na din siya sasagutin. 

Oo nga pala. Hahanapin ko nga pala sina Merian at Rese, siguro isasali ko na din sina Xander at josh para makatulong sila. Ahm, si Yeshie siguro wag na kasi madaldal pa naman yun baka mamaya masabi niya kay Ace hahaha. Si Kuya Iko naman at Si Ate pumunta daw sa malapit na mall, hindi ko nga alam anong bibilin nun.

At si Amiel? Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang isama sa surprise na yun. Alam kong masasaktan siya eh. Pero kasi, wala na din naman akong magagawa, buo na yung desisyon ko. At malinaw na din naman saming dalawa na wala na talagang pagasa.

Naglalakad ako ngayon sa labas hindi ko kasi mahanap silang lahat eh. Kahit si Ace di ko makita. Nung bumalik kasi kami dito sa beach parang bigla nalang silang naging busy. Ewan ko nga anong pinagkakaabalahan nila at hindi nila ako sinasali.

Nasa tapat ako ngayon ng kwarto nila Xander. Ito nalang last kong option eh. Nilibot ko na nga ata tong buong beach. Siguro naman andito na sila?

Nakahawak na ko sa pinto ng marinig kong may nagsasalita.

" Saan daw ba sila magistay muna?" Boses yun ni Rese ah. Sinong sila? Ano bang meron?

"Siguro sa hotel lang malapit dito, hindi muna sila pwedeng makita ni Kaycee" si Merian yun. Hala! Sinong hindi ko pwedeng makita? Sino ba yung dumating? Anong meron?

"Good. Salamat talaga ah. I just want this to be damn special" Si Ace yun ah? Nakakagulo na! Ano bang meron. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may narinig akong naglalakad palapit kaya napatingin ako sa gilid ko.

Si Amiel. 

"Pwede ba tayong magusap. Please?" Sasagot sana ako sakanya kaya lang nakita ko ang mga mata niya na parang kakagaling lang sa iyak. Kaya tumango nalang ako. Nung una akala ko iniiwan niya ko ng nakatayo pero napagisip ko na pinapasunod niya lang pala ako. Kaya naglakad na din ako palapit sakanya.

Naupo kami sa tabi ng dagat. Walang nagsasalita saaming dalawa. Hindi ko alam paano ko sisimulan yung conversation namin. Siguro maghihintay nalang akong magsalita siya.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon