Epilogue

157 7 4
                                    

EPILOGUE

"Woaaaaah! Happy Graduation satin!" Masayang bati ni Josh. Siya ang Valedictorian at si Merian naman ang sumunod. Kasama rin naman ngayon si Amiel pero syempre... wala na sina Ace at Christine. Ilang buwan narin naman yun eh

"Celebrate tayo ah! Sa bahay namin" Anyaya ni Peter. Invited lahat kami at yung iba pa niyang mga kaibigan. Hindi na rin ako tumanggi at nakisama nalang sakanila.

Ang ingay nila mula a sa van pero syempre masisisi ko ba naman tong mga to? Nagkakantahan pa nga sila eh, wala lang talaga ako sa mood makisali ngayon.

"Kaycee!" Taawag sakin ni Merian. Sabay bigay ng microphone sakin.

"Kakanta na yan! Kakanta na yaaaan!" Hiyawan nila. Natawa naman ako ng konti bago ko sila pinagbigyan.

"Naks Lana del rey! Whoa" Nagulat ako sa sumigaw. Si Hiro pala hahaha.

"All my friends tell me I should move on, I'm lying in the ocean singing your song... ah~ that's how you sing it. Loving you forever cant be wrong, even though you're not here wont move on... ah~ that's how we played it." Right, hanggang ngayon tinutupad ko parin ang pinangako ko sakanya. Siya at siya parin...

"And there's no remedy for memory, your face is like a melody, It wont leave my head. Your soul is haunting me and telling me that everything is fine but I wish I was dead...

Coz everytime I close my eyes, its like a dark paradise no one compares to you, Im scared that you wont be waiting on the other side.... no one compares to you, but there's no you except in my dreams tonight." Binitawan ko ang microphone at nagtakip ng bibig ko....

"Sorry..." bulong ko sakanila bago ako tuluyang naiyak. Lumabas nalang ako at naupo sa garden nila Peter.

"I saw you.... nung nakaraang araw. You were standing in front of that tree sa may school natin. I... I'm not sure but I guess I saw you crying." Si Amiel. Inabutan niya ko ng panyo at umupo sa tabi ko.

"Yah, I was." Tiningnan ko siya at nginitian. 

"Until now? After all this time? Kaycee listen. Sinabi kong aalis ako dati para maka move on ako sayo. Pinaubaya kita kay Ace, but look what happened? I feel guilty somehow. Kasi ako naman yung puno't dulo. And I... I broke that promise. Bumalik ako dito kahit pa alam kong ikaw parin ang laman nito" Tinuro niya ang puso niya. I dont know pero right now I cant feel anything.

"Amiel please..." Pinapatigil ko siya.

"Nasasaktan ka, oo. Pero intindihin mo namang nasasaktan din ang mga tao sa paligid mong mahal na mahal ka." He's crying.

"I won't hold back this time. I'm making sure I get that broken heart of yours, yung sinira ko, and I'll fix it. Pag nangyari yun, ako na mismong magpapalit nun dyan sa puso mo." Pinunasan niya ang luhang tumutulo sa mata ko bago niya pinakita sakin and Cellphone niya..

"Read it." Kinuha ko yun at andun ang twitter post ni Christine. Isa iyong picture nila ni Ace at may nakalagay na...

"Soon to be married. <3 <3 <3 "

"You this is not the end." Yinakap ako ni Amiel. I know for sure walang patutunguhan ang paghihintay ko.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon