"Ms. Torres! Are you listening!?" Napatalon ako sa sigaw ng prof namin. Hindi ko napansing tulala nanaman ako.
"Kanina pa kita tinatawag. Is there a problem?" Nahiya naman ako dahil lahat sila nakatingin na sakin. Pero may part sakin na naiinis. Nakita kong nakatingin sakin si Ace. So ngayon napansin mong andito ako? Wow. ah. Edi sana lagi akong napapagalitan.
"Ms. Torres! Are you deaf or are you mute!?" Nagtawanan naman silang lahat, sina Merian lang ang hindi.
"Both sir." Bulong ko saka nagroll eyes. Kitang kita ko kung paano umiling si Ace.
"Excuse me!? Im being patient here, dont try to test me!?" Naiirita na talaga ako. Hindi mo ba ko ipagtatanggol!? Ano manunuod ka lang? Sige ah. Edi manood ka.Sorry sir. Alam kong sa gagawin kong to madedetention ako at syempre mawawalan ako ng chance makasama sa honors. Masisira record ko kay Sir at higit sa lahat babagsak ako sa deportment.
"Sir pasyente ho kayo? Wala naman po akong balak bigyan kayo ng exam. Estudyante niyo po ko, kayo ang magbibigay sakin ng exam?" Nakangiting sagot ko na kinatawa ng ilan. Parang biglang namula si sir. Hindi nga lang dahil sa kilig. Nagagalit na siya sakin.
"Go to detention. NOW!" sabi na nga ba eh. Parang maiiyak ako. Hindi dahil sa napadetention ako kundi dahil ginawa ko na nga yun pero wala paring reaction si Ace. May pakialam ka pa ba sakin? Kasi kung meron sana kahit isang salita may maririnig ako galing sayo pero wala eh. Nagkamali nanaman ata ako. Pareho lang ata kayong lahat eh haha. Hindi ako iiyak ngayon.
"Love and death sir. That's the two things I cannot explain in this world, but to what will I choose?" Napalingon ako sa direksyon ni Ace. Kahit naman tulala ako nalaman ko ang tinatanong ni Sir dahil sa isa kong kaklase. Sinulat niya sa papel at pinabasa sakin eh
"I'd rather choose death. Death... you will, as in for sure, not do things to get close to it. To reach it. To feel it, but it will always come to you. While love? Try as hard as you may to find it..." I laughed as the tears finally left my eyes.
"Try so fuckin hard but lets see if you'll find it, feel it, get it." Umiling iling ako. "Love? For the fools, stupid. There is no such. You just imagine it. Death is stronger than love. Love will/ may result to death, but death will never be love." Kinuha ko ang bag ko at pinunasan ang luha ko.
"You changed Ms. Torres. You're not like that before" Umiiling na sabi ni Prof. Ngumiti ako sakanya bago lumabas sa bibig ko ang hindi ko inaasahang sasabihin ko.
"Sir? I'd like to request a transfer of section. Thank you. I'll get the detention slip now." Lumabas na ko ng classroom at tumakbo papunta sa detention room.
Ako lang ang tao doon. Umupo ako at sinubsob sa lamesa ang ulo ko. Umiyak ako. Umiiyak nanaman ako. Palagi nalang ata akong umiiyak. Ayoko na. Naiinis na ko. Ang sakit sakit na. Ang sinungaling niya. Ang gago niya. Puta niya eh!
Alam niyang ang sakit ng pinagdaanan ko. Na sobra akong nasaktan. Tapos ito? Hahaha. Ginagago niya ba ko? Sana alam kong hindi to magtatagal. Sana nalaman ko. Huwag sana siyang nagpaasa. Kasi naniwala ako eh. Kasi nagpakatanga nanaman ako.
"Ayoko na!" Lumabas ako ng detention room kahit alam kong mas mapapasama ako nito. Hindi ko lang talaga kaya eh. Pinuntahan ko yung puno na puno ng pangako. Yung promise namin na kada monthsary namin pupunta kami dito. Sino bang sumira nun ngayon? Hindi bat siya? Bukas... bukas monthsary nanaman namin. Mas naiiyak na ko eh.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nandun. Basta napansin ko nalang na tapos na pala ang lunch. Hindi man lang ako nakapaglunch? 4 na oras na pala akong nandito. 2 pm na pala. Kailangan ko na bumalik sa classroom, pero ayoko pa eh. Magang maga ang mata ko, ang bigat bigat ng ulo ko. Feeling ko magkakasakit ako.
Imbis na pumunta sa classroom ay sa principal's office ako dumiretso. Tuloy ang plano ko
"Goodafternoon po" Bati ko sa principal, ngumiti naman siyang may bakas ng pagaalala. Siguro napansin niya ang mata ko.
"Ano yun Ms. Torres?" Ayoko na magpasikot sikot pa kaya sinabi ko na din sakanya ng diretso.
"I want to transfer section..."
"oh..." nabigla siya sa pakiusap ko. Parang nagtataka pa siya at hindi alam kung papayagan ba talaga ako. Eh si Peter nga nalipat, ako pa kaya?
"Its a good thing. Hindi ho ba may papasok na dalawang baguhan? They can be part of the first section, or one of them." Sinong niloko ko? Eh kahit hindi ako lumipat alam kong mapupunta sa section namin si Christine at Amiel. Connections. Para saan pat si Ace ang naglakad ng papers niya. Tss
"Right. But are you sure? This can affect your school standing. Alam mong kasali ka sa top students and being in the other sections will do you no good." Yeah so blunt. Special treatment eh
"Im afraid you're wrong. I think I'll do better there. Besides, its a way of socializing.After all, its my last year here." Nagkibit balikat lang ako. Tumayo na ko at nagpaalam sa principal. Pinayagan niya na ko. At next week daw o baka sa susunod na bukas ay sa ibang section na ko papasok. Pinili ko naman ang 3rd section, malayo layo sa first section and room nito pero hindi naman ganun ka baba ang standing ng mga students dito.
Hawak hawak ko na ang door knob ng biglang bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...