KAYCEE'S POV
"Goodmorning Cee!" Bati agad sakin nila Merian pagkababa ko. Nakaready na pala sila ng breakfast at nakaupo nadin silang lahat sa mesa... maliban nga lang kay,
"Asan si Ace?" Tanong ko sakanila nung mapansing di nila kasama si Ace.
"Wala man lang bang goodmorning din? Ace agad? Grabe ka naman." Tiningnan ko ng masama ang nagsalitang si Xander.
"Biro lang pala." Bawi niya din.
"Asan kasi?" Tanong ko ulit sakanila. Tinuro naman ni Merian ang direksyon papunta sa gate.
"Umalis ba?" Nagtatakang tanong ko habang sinusulyapan ang pintuan namin.
"Hindi, lumabas lang yun. May kausap kasi sa phone." Tumango naman ako kay Josh at naglakad na papunta sa labas. Nadatnan ko nga dun si Ace na nakatayo at hawak hawak ang phone niya.
"What? No way!" Sino kaya kausap niya?
"Ngayon na mismo? Why do I have to do that?" Napahilamos naman si Ace sa mukha niya gamit ang kabila niyang kamay. He seems to be frustated... about something.
"Business shits. Ok, ok! I get it! But Mom I've been telling you I have a girlfrien---" Hindi natapos ni Ace ang sinasabi niya dahil sa tingin ko binabaan na siya ng kausap niya, which is his mom...
"Mom! Hello?" Nadidisappoint at medyo irritado niya pang sigaw bago tuluyang nilayo ang cellphone niya sa kanyang tenga.
Hindi agad ako nakaalis na kinatatayuan ko kaya nagulat si Ace nung makitang nakikinig pala ako sa usapan nila ng mommy niya.
"Kanina ka pa?" Nagaalalang tanong niya.
"H-hindi naman..." Hindi naman talaga ganun katagal. Kaunti lang naman kasi ang narinig ko. Parang nangangati nga akong tanungin siya kung tungkol saan ba yun. I dont know kung may kinalaman ba ko dun o wala, I know its private enough for him not to tell this to me... pero gusto ko kasi talagang malaman.

BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...