Chapter 57

121 4 0
                                    

Dumating ako sa bahay at naglock lang sa kwarto ko. Nagulat ako ng ilang minuto ay may kumakatok na sa pinto ko. 

"Please lang! Pabayaan niyo muna ako!" Sigaw ko sakanila, kung sino man yun.

"Anong pabayaan!? KAYCEE KEITH umayos ka! Alam kong basang basa ka pa, kaya kung ayaw mo man kaming papasukin magpalit ka naman ng damit mo o!" Si Rese yun. Andito na sila ni Merian. Pero hindi pa naman labasan ah?

"Oo, pero please iwan niyo muna ako." Sabi ko bago tumayo at pumunta sa cr.

"Oo, kami iiwan ka muna pero may papapasukin kami ah" Hindi ko narinig yung last part kasi nakapasok na ko sa cr pero basta narinig ko iiwan na daw muna nila ako. Hay naaawa ako sakanila. Lagi nalang na tinataboy ko sila.

Tumagal siguro ako ng 30 minuto dahil wala akong ginawa kundi ang titigan ang sarili ko sa salamin. Ano bang mali sakin? Bakit lagi nalang ganito? Kung kelan inlove na inlove na ko saka pa gugulo ang lahat. Nakakasawa na

Aaminin kong nagalit ako dahil nagawa niya akong pagsalitaan ng ganun. Hindi siya si Ace. Hindi iyon ang Ace na nakilala ko, hinding hindi niya ko pagsasalitaan ng ganun kahit pa galit siya. Nagbago na siya. Hindi ko na siya kilala. Pero naiinis ako na kahit pa ganun siya, ginanun niya ko ay gusto ko parin makipag bati sakanya.

Napagdesisyunan kong itext siya at sabihing kailangan namin magusap kaya lumabas na ko ng banyo. Nagulat nalang ako na pag labas ko ng kwarto nakaupo sa kama ko si Amiel at nagbabasa ng libro. Mas lalong nagmature ang itsura niya. Ano kayang ginawa niya nung sinabi niyang aalis siya? Edi ibigsabihin nito, nakamove on na siya sakin?

"K-kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sakanya. Napalingon naman siya sakin at ngumiti.

"Hindi naman. Mga 25 minutes palang akong nagbabasa." Napa oh nalang ako sa sagot ko. Napaghintay ko pala siya. Ilang minuto kaming naging tahimik bago niya binasag ang katahimikan.

"Sorry nga pala sa nangyari sainyo ni Ace, at kung gusto mo pala sasabihin ko nalang na wag na ako ilipat sa 3rd section. Ayoko namang mas magaway kayo ni Ace." Napangiti ako sa sinabi niya, so ibigsabihin...

"Nakinig ka sa usapan namin kanina?" Dahan dahan naman siyang tumango. Okay lang naman yun sakin eh. Naglakad ako para kunin ang cellphone ko. Itetext ko nga pala siya.

To Baklace<3 :

We need to talk. Please.

"Si Ace ba yan?" Tanong ni Amiel, hindi naman ako sumagot kaya nagtanong ulit siya kung tinext daw ba ako. 

"Hindi, ako yung nagtext sakanya."

Nagusap pa kami sandali ni Amiel. Pero sa pag uusap namin halos wala naman akong nalaman kasi hindi niya naman sakin sinasabi kung anong ginawa niya, saan siya galing, bakit bumalik na siya agad at kung nakamove on na ba siya sakin. Oo na, makapal na ang mukha ko at nagawa kong itanong sakanya kung nakamove on na siya sakin. Ang nakuha ko nga lang na sagot ay tawa -_-

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon