"It's good to be back" The same smile nung una ko siyang nakita. Bakit ka pa bumalik? Pinsan?
Napatingin ako kay Ace.... Siya yung .... Hindi eh.
"Amiel..." Bati ni Ace tapos tumanggo lang siya. Paano sila naging magpinsan?
"Hey." Bati sakin ni Amiel. Hey? Hahaha.
"Hello Amiel." sabi ko nalang din sakanya without any expression. Pagkatapos nun tumingin ulit ako kay Ace. Sa mismong mata niya...
Ano to? Pinsan ka niya? Ikaw yung kasamang pumusta sakin? Lahat ng sakit nararamdaman ko nanaman ulit. Pero may something na mas sumasakit ngayon eh. Umahon nalang ako sa dagat tapos naglakad ako palayo sakanila... Tahimik sila. Lalo na sina Merian... Alam naman kasi nila yung naramdaman ko nung mga oras na yun eh.
Nung medyo nakalayo na ko sakanila saka ko na hinayaang tumulo yung luha ko. Akala ko pa naman ubos na to eh. Akala ko hindi na ko iiyak ulit... Mali parin pala talaga ako. Kasi sa puntong to hindi ko alam kung maaubos pa tong luha ko. Hindi ko alam kung titigil pa ba ako sa kakaiyak.
Akala ko wala na tong isasakit pa eh.
"Kaycee..." Ayaw ko na muna. Nakakapagod na.
"Matagal ko na tong gustong sabihin sayo eh..." Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha niya.
"Edi sabihin mo ngayon sakin Ace" Sabi ko sakanya. Umupo din siya sa tabi ko tapos huminga siya ng malalim. Ngayon palang parang masama na yung mangyayari.
"Pinsan ko si Amiel sa side nila mommy. Close kami ni Amiel nung bata pa kami. Sorry Kayce kasi---" Parang ayaw ko na malaman. Kasi alam kong pag pinagpatuloy niya pa to mas sasakit lang.
"Bakit ngayon mo lang to sakin sinasabi Ace?" Pinipilit ko pading kumalma.
"Natatakot ako..." Natawa ako bigla sa naging sagot niya.
"Hahaha. Natatakot ka? Pambihira yun Ace ah"
"Natatakot akong baka masaktan kita. Natatakot akong baka mawala ka sakin" Natatakot siyang masaktan niya ko?
"Parehas na parehas kayo ng pinsan mo. Takot na masaktan ako... Ayaw na masaktan ako. Pero sa tingin niyo anong nararamdaman ko ngayon?"
"Hindi ko sinasadyang pumusta. Hindi ko sinasadyang mapasali dun... Ginawa ko lang yun para matahimik na sila. Kaycee Im Sorry... Please" Mas sumasakit lang na binabangit niya pa sakin yung pustahan na yun.
Tatayo na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko.
"Kaycee please... Sorry. Ayaw kitang saktan" Ilang ulit ba nilang sasabihing ayaw nila akong saktan?
"Ace pwede ba... Hahaha. Ano to nagbibiruan tayo? Ayaw mo kong saktan pero sobrang sinasaktan niyo na ko ngayon. Ganyan lang ba talaga kayong magpinsan? Mahilig maglaro? Kung mahilig kayo maglaro edi sana humanap kayo ng sarili niyong playground. Astig niyo din eh nuh? Ako pa talaga napili niyong laruan."
"Hindi Kaycee... Makinig ka sakin please" Ayaw ko ng makinig.
"Makinig ako sa paliwanag mo? Haha. WTF Ace? Kalokohan eh" Dumiretso ako pero hinabol niya ulit ako. Naiinis na ko.
"Ace ano ba! Takte. Alam mo naman gaano kasakit naramdaman ko nun diba? Sa katunayan nga halos ikaw yung magcomfort sakin kanina. Pero ano? Malalaman ko lahat ng to? MALALAMAN KO NA IKAW PALA YUNG PINSAN NIYA! Ano to planado niyo?" Huminto ako para punasan lahat ng luha ko pero wala eh. Tumutulo padin siya.
"Ace alam mo ang sakit eh. Nasaktan na ko nung una at hanggang ngayon ba naman masasaktan padin ako? Ace ayaw ko na masaktan eh. Pero bakit ganun? Bakit parang mas masakit ngayon?" Totoo naman eh. Mas masakit pa yung nararamdaman ko ngayon kesa nung huli.
"Siguro kasi pinagkatiwalaan kita. Siguro kasi pinadama mo sakin yung ligaya na ngayon ko lang naramdaman. Na sayo ko lang naramdaman. Ace mas masakit yung ngayon! Ayaw ko na eh..." Pagkatapos kong sabihin yun sakanya umalis na ko. Pumunta lang ako sa kwarto namin.
Nakahiga lang ako nung nagvibrate yung phone ko...
*Peter calling... *
Siguro kailangan ko naman ng makakausap. Yung mapaglalabasan ko ng galit at inis.
"Hello" Sagot ko sa phone.
(Hey, advance Merry Christmas.) Napa 'Sigh' nalang ako... Wala na atang mas lulungkot sa christmas ko...
(May problema ba? You seem so sad.) Napansin nadin pala niya. Ganun ba kahalata yun?
"Nothing..." Ayaw ko namang pag aalalahin pa tong si Peter. Sure ako busy din yan
(Haha... Kaycee hindi ka magaling magsinungaling. Is it about Ace?) Ano ba naman to.
"Hays... Sort of" Totoo naman eh. Di lang naman about kay Ace to
(Kung ano man yan Im sure maaayos niyo yan...)
"What made you say that? How sure are you ah?"
(Sus. Eh mahal na mahal ka nun ni Ace... gagawa yun ng paraan para magkaayos kayo) Sana nga ganun yung mangyari Peter. Pero nasasaktan ako eh... Sobrang nasasaktan ako.
"Hindi din ata eh hahaha. Baka nga pinaglalaruan niya lang ako" Napapatawa nalang ako kahit sobrang sakit parin talaga.
(Kaycee, just trust him ok?)
"I gave him that. Pero sinira niya lang..."
(Look, I dont know what's really happening there but Im sure he'll make it up to you. He loves you so much...) I dont want to believe you Peter... Napabuntong hininga naman si Peter...
(Kapag hindi mo na kinaya lahat ng to Im just here ok? Andito lang ako palagi. Remember, I love you right? Hindi naman siguro si Ace gagawa ng kahit anong ikasisira niya, Wala siyang gagawin para pagsisihan kong pinaubaya kita sakanya...)
After nun bigla niyang iend yung call.
Mas naguguluhan lang ako eh. At feeling ko mas lalo pa akong nasasaktan. Ewan ko... Ayaw ko siyang mawala sakin pero masakit talaga na malaman ko yun eh. Hindi ko pa naman nga alam ano ba talagang ginawa niya. Basta alam kong pinsan niya si Amiel. Yung lalaking unang nakasakit sakin.
Sana gawin mo lahat Ace.
Gawin mo lahat please. Sana ipaliwanag mo lahat ng to sakin. Sana hindi ka parin sumusuko sakin. Nasasaktan ako pero hindi na ata maaalis sakin na special ka.
Please... gumawa ka ng paraan. Im just waiting.
Ayaw kong matapos tayo dito. Hays...
Pipilitin kong kalimutan lahat ng sakit para sayo. Gagawin ko yun... sabihin mo lang sakin ang rason.
Yun lang hinihintay ko. Naghihintay lang ako.

BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...