Months passed by so quickly. Super busy namin na hindi ko na napapansin mga nangyayari.
Suddenly Im just so focused. Focused on my studies and family. It seems like nawalan ako ng gana sa friends and lovelife ko. Although, naguusap pa naman kaming magbabarkada madalian nalang. Its either puputulin ko o busy talaga ako. I dont know why. I think its because I feel something weird. Na feeling ko anytime mawawala sila and I need to prepare myself. Mabuti na yung laging handa, I dont know if I can still manage to break.
"Hey hey" Kaway sakin ni Josh at Xander. Nakaupo kasi ako ngayon sa canteen.
"Hi. Si Rese at Merian?" Tanong ko sakanila dahil hindi nila kasama.
"Himala at hindi si Ace ang hinahanap mo." Pinilit ko namang tumawa sa joke ni Josh. Kahit pa obvious naman na fake lang yung tawa ko nakisabay nalang sila. Alam kong alam ni Xander nafifeel ko, pero si josh? I dont think alam niya yung nangyari nung bonding time namin ng pinsan ko.
Umupo sila at nakipagwentuhan sakin. Ilang sandali pa ay nabigla ako sa nakita ko
"Magkasama nanaman sila? Hindi pa ba tapos lakarin papers ni Christine? Tsaka kahit nga iutos nalang yan pwede na eh." Sabi ni Josh. Tumingin naman sakin si Xander na parang nagtatanong kung okay lang ako. Tumango naman ako at nagsalita.
"Hayaan mo na. Utos daw yun ng mommy nya eh, tsaka..." Wala na kong maisip sabihin kaya tumahimik nalang ako. Naguusap parin naman kami kahit paano.
"Eh nagiging usap usapan na kaya na break na daw kayo at sila na." Biglang siniko ni Xander si Josh. Napahinto naman si Josh at ngumiti sakin.
"Okay lang..." Dun din naman ata papunta eh. Hindi ako bingi. Naririnig ko naman ang usap usapan na yan. Sadyang di ko nalang pinakikialaman kasi wala pa naman samin ni Ace ang nakikipagbreak. Ewan ko nga kung kami pa ba.
Tumayo ako at nagpaalam na sakanila. Gusto ko nalang ulit mapagisa. Simula nung kwenento sakin ng pinsan ko lahat parang nawalan na ko ng gana. Para bang nagising ako sa panaginip ko.
Parang may narealize ako.
"Kaycee!" kauupo ko palang sa field ay may tumawag nanaman sakin.
"Peter." Tawag ko sakanya at tumango. Umupo din siya sa tabi ko.
"Bakit parang feeling ko antagal na natin magkakilala?" Tiningnan ko lang siya na naguguluhan.
"Kasi parang ang bilis mong magbago. Dati ang hyper tapos ngayon parang ni isa samin hindi mo na kinakausap eh." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.
"Lahat naman nagbabago." Sabi ko bago ngumiti.
"O sige na. Pwede ka na umiyak." Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi niya.
"Para namang di tayo close eh? Alam mo ilabas mo na yan. Kesa pinipilit mo yang itago" Inabutan niya ko ng panyo kahit hindi pa naman ako umiiyak.
Ilang minuto akong naging tahimik bago ako pumayag na magkwento na at umiyak.
"Nakakainis na. Akala ko ba sabi niya kakayanin namin to? Na hindi kami magpapaapekto? Eh anong nangyayari? Parang feeling ko gusto ko na sumuko. Ayoko na masaktan ulit eh. Please naman." pinunasan ko yung luhang tumutulo sa mata ko.
"Ang gulo kasi ng set up namin eh. Ewan ko ba. Kami parin ata eh, hindi ko lang talaga maramdaman." Kasi halos lahat ng oras naman si Christine ang kasama niya, kasi sila ang laging magkasama, laging magkausap, magkatawanan. Sino ba naman ako para umepal? Eh naguusap lang naman kami sa text. Kung minsan nga eh hindi pa. Isang beses isang linggo? At kung mamalasin 5 minuto lang. Pinakamasaklap nagtatalo lang kami.
"O? Kwento pa. Puro hikbi ka nalang diyan eh" Sabi bigla ni Peter. Mabuti pa siya. Alam ko namang busy din siya eh pero sa lahat ng kaibigan ko siya lang ang nangungulit, siya lang ang di tumitigil na kahit itaboy ko kakausapin parin ako.
"A-ayoko na... ata" Napaiyak nanaman ako. "Hindi... hindi ko na kaya eh" Pinipilit kong makapagsalita ng diretso kahit hinahabol ko na ang hininga ko.
"Shhh... maaayos din ang lahat." Hinila niya naman ako para yakapin.
"Ni.. ni h-hindi pa nga ako nakakabawi sa sa-sakit eh. H-hanggang ngayon ramdam ko parin yung sakit nung kay Amiel." Lagi nalang. Lagi nalang na nararamdaman ko ang sakit.
"Shhh. May balita nga pala ako kung bakit kita kinausap ngayon." Nakangiti siya habang sinasabi niya yun. Kumalas ako sa yakap niya at naghintay sa sasabihin niya.
"Kasabay na papasok ni Christine si Amiel. Mageenrol din siya." Natulala ako sandali. Ni hindi ko alam kung matutuwa ba ko. Eh diba ang alam ko umalis na siya?

BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...