Chapter 42

191 5 0
                                    

KAYCEE'S POV

5:30 am

Ang aga aga pa kasi! Tapos pinabangon na kami ni Kuya at Ate kasi daw tatanghaliin kami sa pagkacamp. -_- This is Hell.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sakanila. Amp naman kasi! Iniiwan nila ako eh! Ang bibilis maglakad. Tapos palagi silang nagbubulungan. Kunti nalang talaga iisipin ko nang may pinaplano sila.

"NICE TALKING! PANSININ NIYO LANG TALAGA AKO! ANG SAYA NITO O!" Sigaw ko na kinatingin nilang lahat. They all looked confused! Argh. Right! Thats it.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa ibang direksyon. Nakakapikon na kaya sila! Wala pa kong kain eh! Hindi ba nila alam yun? Ang hirap kaya ng walang laman ang tiyan! Try niyong wag kumain ng breakfast at pagkaaga aga ay umakyat ng bundok at ang mga kasama mo iwanan ka sa paglalakad at magusap usap, mabanas ka kaya niyan? SYEMPRE OO!

"Saan ka na pupunta malapit na tayo ah." Finally! Napansin din ako ni Kuya. So hindi na ko invisible.

"Tatalon pababa sama ka?" Pilosopa kong sagot kay Kuya. Sorry kuya, nakakabanas na kayo eh!

"Umayos ka Keith ah. Bumalik ka dito malapit na tayo" Medyo pagalit na sabi ni Kuya. EH kasi naman!!!!!!!!!!! Gutom na gutom na talaga ako! Sobra sobra

"Nakakapagod naman pahinga muna tayo." Nagreklamo na din si Xander.

"Wag na! Konting lakad nalang eh! Malapit na tayo. Dalian niyo nalang para makapagbreakfast na tayo." Palibhasa kasi maayos ang kondisyon nitong si Josh eh! Ang sasama talaga nila. 

"Hoy Kaycee! Saan ka pupunta? Bumalik ka nga dito, mawala ka nga diyan eh" Sigaw sakin ni Rese. Kung sana binigyan nalang nila ako ng pagkain eh. 

"Sa hell. Sama ka sakin?" Sigaw ko pabalik ng naglalakad parin.

"KAYCEE!" Sigaw ni kuya Iko. Oo na. Sabi nga kasi, ako nanaman papagalitan eh! Ang sasarap niyo batukan! Nagsimula na silang maglakad ulit. Dahell? Ang bibilis talaga nila.

"Joke nga lang sabi ko. Pabalik na nga ko diba ayan na san-- HOLYSHIT!" Peste. Saka pa nahulog sa putik ba to? Hala bakit masyadong malapot?

"Guys help please!" Sumigaw ako pero ang layo layo na nila para marinig pa ko. Peste.

Hala! Putik lang ba to o ano? Bakit di ako makaahon. Argh. Ang lagkit ano ba to!? oh-my-ghad! Wag niyong sabihing.... KUMUNOY TO!?

Somebody help me. Argh. Please naman kasi! Bumalik kayo dito o! Nakakairita na.

"HUY! KUYA! MERIAN! RESE!!! TULONG NAMAN O!" Sigaw ko parin pero di na mahagip ng mata ko sila.

Great! Gutom na gutom na ko, pagod na pagod pa ko! At ngayon? Nastuck pa ko sa kumunoy. So ano na ngayon?

*********************

MERIAN'S POV

6:30 AM

Sa wakas. Grabe yun ah. Halos 2 hrs kaming umakyat dito. Nakarating din kami sa wakas.

"Okay guys! Magset up na tayo ng tents para naman makabreakfast na tayo" Sigaw ni Ate Ice. Grabe kanina pa ko gutom na gutom. For sure pati sila gutom na gutom na din!

"Kain na muna tayo bago yan! Gutom na gutom na ko eh" Reklamo ni Xander. Eto kanina pa to nagrereklamo! Dinaig pa si Kaycee, buti nga tumigil na sa kakareklamo yung babaeng yun, eh for sure mas gutom yun kesa kay Xander.

Teka lang! Asan nga pala si Kaycee? Hala. Bakit di makita ng mata ko kung asan siya? Saan ba nagsuot yung baba--

"Where's Kaycee?" Sabi na nga ba't bukod sakin ito ang unang makakapansin na nawawala si Kaycee. Napatingin lahat dahil sa pagtanong ni Ace. Hinanap din ng mga mata nila si Kaycee pero pareparehas silang nabigla.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon