Grabe lang talaga nung pagkarating namin sa school. Halos mabaliw ako kakapilit sa sarili kong wag pumunta sa garden. May part kong gustong maliwanagan pero kasi may part kong ayaw pumunta dun. Yung natatakot na baka pagpumunta ako dun ikalungkot ko lang ang mga makikita at baka mangyari ang mga panaginip ko.
Nakaalis na nga din pala si Kiel.Andito kami ngayon ng barkada nagpa-party. Christmas party, sayang nga wala na si Kiel.
"Bigayan na ng regalo!" Sigaw ni Josh
So ayun binigay ko na mga regalo ko sakanila... pwera yung kay Ace. Nakakahiya naman kasi. Bukod sa siya yung pinakatahimik, alam ng barkada na may gusto yan sakin -_-
Ewan ko ba at hindi nadadala sa kainggayan ni Yeshie ngayon.
Sayang naman kung hindi ko mabibigay regalo ko sakanya. Putakte ang hirap niya kaya hanapan ng regalo! Halos makalbo na ko kakahanap.
Nung nakaupo na lahat at nagbubukas na ng regalo saka ako tumayo at lumapit sakanya. Pero tumayo din siya at naglakad.
"Ahmm Ace/ Kaycee." sabay pa naming sabi
"Ah.. Regalo ko nga pala" sabi ko sakanya at inabot yung paper bag. Ang poker face niya padin
"..." wala man lang thank you!
Tatalikod na sana ko nung inabutan niya din ako ng paper bag na kapareho nung bigay ko.
"Regalo ko nga pala." sabi niya
Teka. Alam niyo bang nasa gitna kami nakatayo at lahat ng mga mata ng barkada ko nakatutuk samin? NAKAKAHIYA
"Aba aba! Ayos ah. Pati paper bag pareho" sabi ni Xander
"Buksan niyo nga" utos naman ni Peter. Napilitan lang ang barkadang isama si Peter. Eh kasi ayaw nila dyan kay Peter, pinilit ko lang.
Binuksan namin yung paper bag. T-shirt din regaloniya sakin. -_-
"MYGHAAAAAAAAAAAAAAAAD! Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeee YUNG DAMIT!" Para namang may biglang kung anong intense na nangyari sa sigaw ni Yeshie
"Suot niyo nga!" Utos ni Josh
Sinuot ko naman yun, pati si Ace tapos nagtinginan kami. Ako mukhang nagtataka siya... POKER FACE.
"Basahin niyo!" dagdag na utos ni Josh
Humarap ako kay Ace para basahin yung nakasulat sa damit niya.
"Love is Precious" Tapos siya naman nagbasa nung nakasulat sa damit ko
"If the feeling is Mutual, Grab it"
HINDI AKO SLOW KAYA BINABASA NIYA PALANG ALAM KO NA ANG IBIGSABIHIN!
"Couple Shirt ang nabili niyo. HAHAHHAHAH!"
-----
At baga kami magsiuwian nagkayayaan na maglaro.
"Uwi na ko/ Im going" Peste. Anong meron at lagi kaming sabay ni Ace magsalita?
"Wow. Sabay talaga ah at mukhang may balak pa kayong mag bahay bahayan Hahahhaha" sabi ni Rese. Binigyan ko naman ng death glare si Rese. Baka gusto niyang mapatay ko siya
"Joke. Pero hindi pwede, bawal kj." Bawi niya. Kaya wala kaming nagawa kundi sumunod. Ang nilaro lang naman nila ay ang pinakaluma at common na spin the bottle.
Nung sakin na natapat yung bottle lahat lang ng pinili ko truth. Tinanong pa nga ni Rese ang color ng underwear ko... Nakakahiya sobra! Alam kong namumula ako nun, todong todo, pero truth eh kaya sinabi kong.... Red. Pero nung kay Yeshie na sabi niya hindi daw pwedeng truth nanaman ako. Dare naman daw.
"Sige na nga." Hindi naman ako makakatanggi
"Atleast 3 dares ah! Hihi. So ang dare ko, payagan mong manligaw si Kuya! Starting tomorrow"
"What?!" ok sabay nanaman kami ni Ace.
"Dare is a dare." Bakit ang tindi ng tama nitong kapatid ni Ace? Pagbibigyan ko nalang to -_- Kung di lang si Yeshie cute naku! Sunod na si Xander, dare ulit ako kasi atleast 3 dares daw. Eh silang tatlo lang naman ni Ace at Xander ang natira.
"I dare you na sagutin si Ace, bukas na bukas din sa start ng panliligaw niya" Bwiset magisip mga barkada ko! Mga may topak. Si Ace naman di na tumanggi. Ang sama talaga ng budhi nitong lalaking to. Sarap sapukin eh
"Ako na. I dare you not to do what Xander dared" Wow. Astig ah, pwede pala yun? Well atleast naisip niya.
"Huy madaya yan pre! Di yan pwede" reklamo ni Xander.
"Fair enough" sabi ni Ace
"I won't court her just because you said so and just because she cant mess with it." Hala ano daw? Kinakabahan nanaman ako sa mga bibitawang salita nito ni Ace.
"I also don't want her to answer me just because she must."
"I'll court her because I want to. And I'll make her answer me in my own ways" Shet. Uminit ata mukha ko >///<
Ayaw ko na magsalita. Pero tumingin siya sakin tapos ngumiti, Shet Ace.
"Kaycee Keith Torres, starting tomorrow, bear in mind that I'm courting you. And whether you like it or not..."
Fck Ace. Wag na wag kang titingin ng ganyan... Nakakatunaw
"I'll win your heart, because mine's already yours. Yours alone."
BINABASA MO ANG
Clash to Crush
Hayran KurguClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...