Chapter 26

291 9 0
                                    

Kaycee's POV

2 nights! dalawang gabi akong di pinatulog nung mga sinabi ni Ace.

Nalaman kong sina Xander pala ang nagset up nito. Ibigsabihin matagal na nilang alam? Malay ko din!

Ngayon na yung end ng Tour namin. Pauwi na kami ngayon.

Any progress? Wala. Di ko parin maintindihan. hay naku...

Katabi ko parin si Peter. Gusto ko na matulog pero di parin talaga ako makatulog.

Tumingin ako kay Peter. Tulog na pala siya.

Humarap ulit ako sa bintana at tumingin sa itaas.

"Bakit masyadong magulo?"

"Hindi naman ako ganun ka manhid diba?"

" Naiintindihan ko naman yung nararamdaman nila. Siguro? Ay ewan."

"Pero wala akong masagot. Di ko alam eh"

"Alam mo pwede mo naman akong kausapin... Kesa yang mga bituin. Di yan sasagot sayo" -_- Gising pala tong si Peter eh

"Mas ayos nga kung sila nalang eh" Mas ayos talaga, atleast kasi sila alam kong walang feelings para sakin!

"Hindi yan makakatulong. Di naman yan sasagot sayo, di ka niyan sasabihang Huy Kaycee ayos lang yun" - Peter

"Kahit pa. Matulog ka nalang nga dyan, inistorbo mo pa ko"

"Hindi ako yung nangistorbo. Ikaw kaya, inggay mo eh." - Peter

Edi ako na! -_- Kung maka sabat naman kasi. Nawala tuloy ako dun sa makikipagusap ko sa mga bituin

Tumingin ulit ako sa mga bituin.

Ano kayang nangyayari ngayon kung hindi kami sa school na yun nag aral? Paano kaya kung wala talaga yung clash na yun? 

Magkakakilala padin kaya kami?

Napakaraming tanong ang pumasok sa isip ko hanggang sa nakatulog nalang din ako.

.....

....

....

....

"Gising na. Nandito na tayo"

Unti unti ko namang minulat yung mga mata ko.  Oo nga andito na kami.

Bumaba ako ng Bus. Ewan ko kung saan ako papunta...

Pero dinadala ako ng mga paa ko sa Garden na iyon.

Hanggang sa makita ko ang sarili kong nasa harapan na nung puno. 

May lalaking nakatayo sa puno. Sino siya? 

Lumapit pa ko para makita ko kung sino iyon.

Nagsusulat siya. Sa Puno. Siya...

Siya yung nagsulat ng mga yun?

So... Tama nga ako...

All those time...

Siya?

"Ikaw?" Nagtataka kong tanong kaya napalingon siya

Hindi siya nagulat. walang ni isang bakas ng pagkagulat.

"Ako nga. Di ka lang pala manhid... May pagkatangga ka din" At saka siya tumawa ng mahina

"Hah?"

Naglakad siya papunta sa likurang bahagi ng puno. At saka pinakita sakin ang nakasulat doon

Ace's Property

Tangga ko nga. >.<

"Bakit di ka man lang nagulat?" Tanong ko sakanya

"Kasi alam ko naman."

Hinihintay ko siyang magpatuloy..

"Sinusundan kita. Stalker ba masyado? haha. Pero alam ko ng nabasa mo to. Alam ko ding ikaw ang nagsulat  at nagtanong"

Pero???. Edi bakit... Bakit nagpatuloy parin siya sa pagsulat kahit alam na niyang nababasa ko yun?

"Akala ko nga makukuha mo na... na may gusto ako sayo kasi nabasa mo na.. Mali parin pala haha" 

Ganun ba talaga ako katanga?

"So--sorry." Sabi ko nalang

"Wala ka naman dapat inhinggi ng tawad eh."

Huminga siya ng malalim at nagsalita na ulit.

"Its no use after all right?"

"Huh? Anong ibigmong sabihin?"

" Ayos lang na di mo na sagutin yung 'I love you' ko.. I'll be leaving"

i'll be leaving..,

i'll be leaving...

i'll be leaving...

Paulit ulit sa utak ko ang mga salitang iyan hanggang sa tumulo nalang ng bigla ang luha ko.

"A--Ano? Bakit?"

"Susunod ako kina Mama sa Canada."

"Pe---pero?"

Bakit ba naiiyak ako!.. Hindi... Hindi siya pwedeng umalis.

No!

Argh!! Nalilito pa ko. 

Ano ba to?

Umiiyak ba ko ngayon at pinipilit na wag siyang umalis dahil...

dahil...

dahil ba mahal ko na din siya?

"Kahit ngayon lang... Will you let me hug you? Please?"

Kahit di pa ko nakakasagot yinakap niya lang ako.

For 3 mins siguro ganun lang kami. Walang nagsasalit. walang gumagalaw.

Hanggang sa bitiwan na niya ako at naglakad papalayo.

"Dont wait for me anymore... Haha how silly of me. Di ka naman pala talaga maghihintay eh.."

Huminto siya saglit at tumingin ulit sakin.

"Goodbye" at saka nagpatuloy na siyang lumakad.

No matter how much i want to chase him. 

Di ko maigalaw paa ko.

"I'm too dumb for not realizing it sooner."

At saka ako tuluyang tumakbo para habulin siya... 

Im too dumb!

Habang tumatakbo ako. Bumubuhos ang luha ko. Pati na din ang ulan.

"Im too dumb!!!! Bakit di ko kaagad narealize yun!?"

"Bakit din ko agad narealize na..... Mahal ko na din siya."

Halos wala na akong makita. Ang dilim na...

Pero hindi ako hihinto.. Takbo lang ako ng takbo. Di ko hahayaang umalis siya ng di nalalaman ang nararamdaman ko.

Biglang may maliwanag na ilaw... Papalapit sakin.

Hindi ako makagalaw...

*Creeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaak*

Hindi ko na alam anong nangyayari.... Anong nang yayari?

"KAYCEEE!!!!!!!!!!!!!"

Ace..... Ace...

Hanggang sa wala na kong narinig at nakita..

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon