KAYCEE'S POV
Pasukan na ulit ngayon. At feeling ko talaga ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. After kong sagutin si Ace medyo... ayos naman? Basta ewan! Masaya lang. Lagi akong hatid sundo and all. Payag na nga talaga si mommy eh. Eh ako kaya kailan ko kaya mame-meet mommy at daddy niya?
Ace <3
Goodmorning :) Kumain ka muna ah! See you later.
Napapangiti nalang ako sa tuwing magtetext siya. Tulad niyan! Medyo nagiging alarm ko na nga ata siya! Hahaha. Paano ba naman? Eh araw araw niya na kong nireremind na kumain, mga gagawin ko. Lahat lahat na. Siguro sa isang araw lalampas 50 ang text niyan sakin.
Me
Opo. Ikaw din! See yah :)
See? Ganyan kami lagi hahaha. Kung tutuusin nga eh halos oras oras nagkikita kami. Buong bakasyon ko siyang nakikita! Nakakasawa? Hinding hindi! Ganito lang siguro talaga yung feeling hahaha.
"Ghad! Bilisan niyo naman pwede?" Sigaw ko kina Merian pero hindi naman matago tago ang ngiti ko. Sinabihan kasi nila si Ace na wag muna akong ihatid ngayon papuntang school. Masyado na daw kasi kaming magkasama hahaha.
"Hello? Shunga ka teh? 6:30 palang huy!" Sigaw pabalik sakin ni Rese na nakaupo pa at umiinom ng gatas. Hawak hawak niya pa ang cellphone niya at parang may katext.
" Wag mo kong ma-huy huy dyan Therese! Bibilisan mo dyan o kakaladkadin kita palabas?" Inirapan naman niya agad ako at tumayo na. Natawa nalang si Merian sa inasal naming magpinsan. If I know, Eh kaya lang naman hindi siya nakikisabayan dahil katext niya din si Josh.
"Kotse nalang ni Merian gamitin natin. Siya din magdrive" Tinatamad na sabi ni Rese at dumiretso sa katabi ng drivers seat -.- Pinagbigyan ko na at hindi na ko nakipagtalo. Pumasok nalang din ako sa likod.
Ace
Nasan ka na? Are you gonna be early today?
Wala pa ngang 5 mins. may text na ulit siya sakin. Sabi sainyo eh. Lampas 50 ang text niyan sa isang araw...
Me
Yup. Dont wanna miss the opening :) We're OTW. How bout you?
Ilalapag ko palang sana sa bag ko ang cp ko pero nagvibrate agad ito. Ano pa bang ineexpect ko? Mas mabilis pa sa hangin ang reply niya.
Ace
Dont wanna miss the opening huh? Is it really the opening you dont wanna miss? ;)
Hindi ko napigilan! Alam niyo yung feeling na bigla kayong mapapatawa? Hindi naman ito dahil sa natatawa ako sa text niya. Yung feeling na matatawa ka mapagtakpan mo lang yung kilig na nararamdaman mo?
"Hay naku. Ako ang pinagda-drive kasi busy ang dalawa sa katext nila!" Pagpaparinig ni Merian. Tiningnan ko naman si Merian. Busy pala sa pagtetext ah? Eh siya nga dyan nakasuot na ang earphones. Kausap niya si Josh for sure.
Lumapit lapit pa ko sa unahan para silipin si Rese. Sisilipin ko lang naman kung sino ang katext niya. Kanina ko pa din siya nakikitang pasimpleng ngumingiti eh!
Xander
Hurry up. Namimiss na kita :(
"ohmyghad!!!!!!!!!!!!!!!" Napatili ako ng sobrang lakas. As in sa sobrang lakas na papreno si Merian. Humarap siya sakin ng sobrang galit bago ako sinigawan ng, "The Ef Cee!? You're gonna get us all killed! Ano bang tinitili tili mo dyan?"

BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...