Chapter 36

259 6 0
                                    

"Hindi na Amiel. Hinding hindi na." Kung kanina hindi ko mabasa ang mata niya, ngayon damang dama ko na. Punong puno ng sakit yung mga mata niya.

Hindi naman ako naging masama sa ginawa ko diba? Pero bakit ganun? Parang may lungkot akong nararamdaman? Bigla siyang tumayo. 

"Pare! San ka pupunta?" Tawag sakanya ni Xander. Lumingon lang ulit si Amiel para ngitian si Xander pagkatapos ay naglakad na ulit siya palayo.

"Kaycee..." Tawag sakin ni Ate Clarisse kaya napalingon ako.

"Masyadong masakit ung sinabi mo, hindi mo dapat yun ginawa..." Ako nanaman bang mali? Bakit? Yung ginawa ba niya sakin dati hindi masakit? Palibhasa naman kasi pinsan niya, at barkada nila Xander kaya siguradong sakanya sila kakampi.

"Ate sana naiintindihan niyo ko. Nasaktan din naman ako ah" Paliwanag ko sakanya.

"Kaycee kahit na eh! Sana man lang hindi mo na inulit ulit sakanya na hindi mo na siya mahal!" Sige, kampihan mo pa siya Xander. Sakanya kayo kumampi. 

"Kausapin mo siya Kaycee, sige na. Nasktan mo siya" Dagdagan mo pa Josh. Hindi niyo naman alam eh. Wala kayong alam...

"Kaycee---"

"KAYCEE! KAYCEE NANAMAN! Ako nalang pa parati? Kung tutuusin walang wala yung sakit na pinaramdam ko sakanya ngayon kumpara sa sakit na naramdaman ko noon! Wag niyong sabihin sakin na nasaktan ko siya dahil hindi niyo alam kung gaano ako nasaktan! Hindi niyo naman naiintindihan ang nararamdaman ko..." Napatingin agad ako kay Ace. Siya lang naman sana ang nakakaintindi sakin.

"Kasi kahit maintindihan niyo, alam kong wala din naman kayong magagawa. Eh kung yung mismong tao ngang nakaalam ng lahat ng sakit na naramdaman ko, sasaktan din lang pala ako." Napaiwas ng tingin si Ace...

"Intindihin niyo din ako, kahit ngayon lang."

Naglakad na ko palayo sakanila. Hindi ko na alam gagawin ko. Napapagod na ko. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang makaramdam ako ng pagod. Umupo muna ako sa tabi ng dagat. Buti pa dito tahimik. Sana lagi nalang ganito.

Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Masaya na ko eh. Bakit kailangan niya pang guluhin yun? Napayakap ako sa tuhod ko. Hindi ko nanaman napigilan. Umiiyak nanaman ako.

"Sana pala hindi ko nalang ginawa ang lahat ng iyon" biglang sabi ng taong tumabi sakin.

"Im sorry. Please naman o, hindi na ba talaga pwede?" Hindi ko siya tinitingnan. Ayaw kong makitaniyang umiiyak nanaman ako. Hindi na ko yung dating Kaycee na iiyak sa harap niya para sabihing hindi totoo lahat.

Nagulat ako dahil bigla niya nalang akong niyakap. May nararamdaman akong patak ng luha niya... Umiiyak din siya.

"Sorry, sorry Keith. Alam kong galit ka. Pwede mo kong sampalin..." HInarap niya ko sakanya. Tiningnan ko siya. Gustong gusto ko siyang sampalin.

Inilapit ko yung kamay ko sa mukha niya, pero imbis na sampalin ko siya, pinunasan ko ang mga luha galing sa mata niya.

"Amiel galit na galit ako sayo. Naiinis ako. Bakit kailangan mong gawin yun?" Humarap ulit ako sa dagat bago ako nagsalita.

"Lahat ng alam ko sa Love at ang mismong love ay natutunan ko sayo..."

"At lahat din ng sakit, sayo ko din natutunan..." Napapangiti nalang ako pag naiisip ko ang katangahan ko.

"Minahal kita ng sobra pero sinaktan mo lang ako. Ngayon babalik ka? Para ano? Para pulutin ulit ang bagay na sinara at tinapon mo na? Para pulutin AKO, ako na tinapon mo?" Alam kong nasasaktan ko siya. Pero dapat sabihin ko na din lahat ng to. Kailangan ko na ding pakawalan ang sarili ko. Para pagkatapos nito, matapos na din lahat ng saamin.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon