Chapter 50

160 8 1
                                    

KAYCEE'S POV

Maayos na ulit kami ni Cookie. Buong akala ko talaga nagalit na siya sakin, pero iba naman pala plano niya. Gusto niya lang talagang gumanti kay Hiro.  Love will always find a way. Ginamit talaga nila ang connections ng mga magulang nila para lang maapply yun na gusto nila eh.

Kung tutuusin, nagkagulo ang prom this year. Maraming hindi natuwa kasi hindi naman nila nahanap ang partner nila. Yung ilan naman na nakahanap sa mga partner nila ay natuwa dahil exciting daw yun na ginawa at dun mo malalaman kung kilala mo talaga yung tanong yinaya mo.

Binalewala lang namin ang bad comments nila dahil para samin ni cookie sobrang naging masaya yung prom. Selfish na kung selfish ang ginawa nilang tatlo pero who cares? Wala akong pakialam kung hindi nila nakasayaw ang dapat na partner nila. Basta ang alam ko masaya ako, maayos kami ni Ace, at naging special ang prom na yun.

March na nga pala ngayon. At finals na din namin. Abala na ang lahat, may ilan naman ang pinagkakaabalahan ay kung saan sila magbabakasyon.

"Tayo ba saan tayo this summer?" Tanong ni Xander habang kinakain yung fries na binili niya.

"Ayoko na magbeach ah. Nakakasawa na" Sabi din ni Rese.

"1 month nalang tayong makituloy sa bahay niyo." Natatawang suggestion ni Josh. Anong trip niya? Titira sila sa bahay namin for a month? Grabe ah!

"Okay lang sakin." Sabi ni Merian habang nakatingin kay Josh. "Sige, okay na din samin ni Xander." Sang ayon din ni Rese. Nagtinginan muna kami ni Ace bago hinayaan nalang sila.

"Samahan niyo kami mag grocery after exam natin ah." Anyaya ni Rese.

Madaling natapos ang exams namin at umuwi na din kami. Umuwi nadin sina Xander at sinabi nilang magiimpake daw muna sila at dadating sila sa bahay maya maya din. Sa wakas, official na ang bakasyon namin. Di na ko makapaghintay pa.

"Nalinis na ba ni manang yung guest room?" Tanong ni Merian. Tumango naman ako habang nanunuod ng tv. HInihintay ko nalang ngayon na dumating sila.

"Papunta na daw sila." Sabi ni Rese habang nakatingin sa cellphone niya. Maya maya lang ay narinig na namin ang busina galing sa labas. Sabay sabay naman kaming lumabas at andun na nga sila.

"Lets go?" Si Josh nanaman pala ang magda-drive ngayon. Van ang dala nila kaya di na nagdala yung iba ng sasakyan. Nagdrive na din si Josh papunta sa mall.

Hawak hawak ni Merian ang listahan. Siya kasi ang nagplano ng mga dapat naming igrocery. Excited ata ang mga lalaking to na mag grocery kaya nagpaunahan pa sila papunta sa supermarket. Maliban lang kay Ace na nasa tabi ko lang at natatawa sa ginagawa ng dalawa.

"Alam mo di ako makapaniwalang mga kaibigan mo yan." Naiiling kong sabi sakanya.

"Hmmm. May naisip ako guys para mas madali tayo." Sabi naman ni Josh. Nagsi tinginan naman kami sakanya.

"Magkaroon nalang tayo ng mga assignments para mabilis, diba?" Lahat naman sumangayon sa naisip ni Josh. Mas madali nga naman yun para di na din kami masyadong gabihin. 

Si Rese at Xander sa mga meat na kailangan, si Merian at si Josh naman ang para sa mga pangsahog at iba pa like chips at kung ano ano. Kami naman ni Ace and naasign sa fruits at veggies. 

'Ikaw magtulak niyan ah. Ako nalang hahanap." Sabi ko sakanya habang tinitingnan ang listahan. ng bibilhin namin. Aangal pa sana siya pero binilisan ko na ang paglakad ko. Hahhaha. Alam kong magmumukha siyang ewan sa pagtutulak nung cart pero wala akong paki. Cute niya kayang tingnan.

Linabas ko pa ang cellphone ko at pinicturan siya habang papalapit sakin.

"Hindi ka na ata nagsasawa sa pagpipicture sakin? Puno na nga ata ng mukha ko ang gallery mo." Natatawa niyang sabi nung nakalapit na siya sakin.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon