KUYA IKO's POV
Hayss ang magaling kong kapatid... hindi nanaman nagrereply.. pulubi na ba to at wala na siyang load pang reply sakin?
Hehe... DI niyo pa nga pala ako kilala.... So magpapakilala muna ako sainyo..
Ako nga pala si Nino Keith Torres, ang nagiisang kapatid ni Kaycee, mas matanda ako sakanya... college na ko, close kami niyan si Cee sobra! dahil sa lahat ng manliligaw niyan ako ang kumikilatis... pero ni isa wala pa siyang sinasagot eh..
Nagtext nga pala ako kay Cee para sabihan siyang uuwi ako... pero hindi parin siya nagrereply
Siguro excited lang yun? o baka pulubi na talaga siya at wala na siyang pang load!
Hay nako... matutulog na nga lang ako.... maaga pa byahe ko bukas eh
----
KAYCEE's POV
WAHHH! SARAP NG TULOG KO! OMoooooo ngayon na ang election day! wahh.. ano kaya pwedeng position ko?
Weird ko talaga... hindi ako nae-excite sa first day pero sa second day nae-excite ako?! Wahh.. y am i so weird??
Anyway! naligo na ko... nagbihis at bumaba na para kumain
"Goodmorning!!! Ngayon ang election ng officers diba? anong position balak niyong takbuhin!?" Bati ko agad sakanila
"Vice president i guess?" sagot sakin ni Merian
"Ayaw mo maging Pres.?" tanong ni Rese kay Merian...
Oo nga naman... bakit hindi nalang siya mag president...
"Hmm.. Ayaw... masyadong maraming responsibilities eh" Tss. tama nga naman...Masyadong marami talaga ang responsibilities mo kapag president ka...
"Ikaw Cee ano naman sayo?" tanong naman sakin ni Merian
"Ahm.. I dunno... Kahit ano nalang! wag lang president Syempre!" sabi ko sabay pigil pa nung kamay ko
Pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa school
---- Sa school----
Pag baba ko palang nung sasakyan ni Rese agad naman may umakbay sakin! Bigat sakit ah!
"Aray ko naman!" sabi ko sabay palo sa kamay niya
Tss... sino pa? edi si Kiel nanaman
"Sorry po prinsesa.. patawarin niyo po ako.." Sabi niya sabay luluhod
Huh??/ ano to!? Drama niyaa!
"Huy tayo! tae ka Kiel! tumayo ka dyan pinagtitinginan na tayo oh!" pasigaw kong bulong sakanya
Nakakahiya! sekandalosong lalaki to! lalaki ba to o bakla?
"AYIEE.. maiwan nga muna ang NAGLILIGAWAN!" Parinig na sigaw nung dalawang bruha sa tabi ko tapos ay lumakad palayo
"Uy! Teka--" sigaw ko sana pabalik ng biglang magsalita nanaman tong Si Kiel
"Sorry, Please?"
Wahhh!!! nakakahiya na!
"Tumayo ka dyan Kiel! Dali na! Hinding hindi talaga kita kakausapin paghindi ka pa dyan tumayo!" SHit ka Kiel! nakakahiya kaaa
"Tss... basta ayos na ah?"
"Oo na! oo na! tayo na!"
At sa wakas tumayo na rin si Kiel... Sabay kaming naglakad sa Corridor.. agad ko naman siyang pinalo ng mahina sa balikat niya
"Wow ah! Ang ganda talaga nung ginawa mo kanina! Pahiyang pahiya ako!" sabi ko sabay unahan siya sa paglalakad
Agad naman siyang humabol at nagsalita
"Ahaha! Ikaw kasi eh... OA makareact!"
Hala! ako pa yung OA? mas oa kaya sya
"Huy! Ikaw yung Oa hindi ako!"
Natapos na rin ang paglalakad naman at nakarating narin ako sa classroom namin... sabay kaming pumasok at wala pa naman yung Teacher namin.. pero hindi mainggay ah.. kaya naman pala.. andito kasi Yung tatlong ewan... sino pa ba? edi si Mr.Evans and friends
-----
Habang naghihintay sa Teacher namin.. May umabot sakin ng ----
--
-
What the?
BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...