Chapter 47

161 9 0
                                    

KAYCEE'S POV

*Kriing Kriing*

Argh. Ang aga pa ah? Inabot ko yung phone sa may side table bago ito sinagot. 

"Hmmm?" Sagot ko sa tawag habang kinukusot kusot ko pa ang mata ko. 

(Goodmorning cupcake... wake up.) Halata sa boses ni Ace na maski siya bagong gising din. Lumingon ako sa alarm clock at nakitang 6 am palang.

"Hmmm... Aga mo cookie" Reklamo ko habang bumabangon na sa kama. Tumawa naman siya ng bahagya. Nakaupo na ko ngayon sa kama. Ayoko pa kasi bumangon.

(Cupcake.cupcake.cupcake) Natawa ako sa tonong ginagawa niya.

"Hmm?" Dumiretso na ko sa cr at nagsalamin.

(Cupcake.cupcake.cupcake.cupcake---)

"You stop cookie! Hahaha. Maliligo na muna ako." Sabi ko sakanya habang kinukuha yung towel at nilalagay sa side.

(Okay cupcake. Lets hold for awhile. Ligo na din ako...) Diretso ko nang nilapag yung cellphone ko at mabilisan naligo.

After 20 mins. nagbihis na ko at kinuha ulit yung phone ko. Hindi na siya nakahold, ibigsabihin nasa call na si Ace.

(Ang tagal mo cupcake. Cupcake!cupcake.cupcake cupcakeee.) Tumawa ako sa narinig ko.

(Hey! Kanina ka pa ba nakapick up?) Tumigil na din siya sa pagkakanta ng cupcake cupcake cupcake niya.

"Newp. Kakain na ko. Ikaw ba?" Tanong ko sakanya habang pababa ng hagdan.

(Im done. Papunta na ko sainyo.) Sagot niya at narinig ko na ang pagtunog ng sasakyan niya.

"Ang aga aga cellphone nanaman hawak mo! Kumain ka na nga dito." Sigaw sakin ni Merian nung makita niya kong pababa na. Nginitian ko lang sila ni Rese at umupo na. Nagsimula na kong kumain habang naririnig ko ang pagpapatakbo ni Ace.

(Still there?) Tanong niya. 

"Yup." Sagot ko habang ngumunguya. 

(Im almost there.) Sabi niya naman. Tapos na din akong kumain kaya nagayos na din ako at nagready na. Saktong pagkuha ko ng bag ko narinig ko na ang sasakyan niya sa labas.

(Im here.) Sabi niya sa phone. Hindi na ko nagabalang sumagot pa. Lumabas na ko at nakita siyang kakapark lang ng sasakyan niya sa harap.

"Hey there cookie." Bati ko sakanya habang pinapatay ang phone ko.

"Hi. Lets go?" Aniya habang binubuksan yung pinto ng front seat. Pumasok ako agad at nagsuot ng seatbelt.

Nakaupo na siya sa driver's seat pero hindi niya padin pinapaandar, nacurious naman ako kaya tinanong ko siya."Ano?"

Napatingin siya sakin na para bang may iniisip. "Hmm... Marunong ka ba magdrive?" Tanong niya sakin habang nilalaro yung susi sa kamay niya.

"Hindi masyado, ayaw nila mommy eh. Bakit?" Sagot ko sakanya. Napailing naman siya bago sumagot sakin, "Nah. Next time nalang pala. Tuturuan sana kita." Kumislap bigla ang mata ko sa sinabi niya. Tuturuan niya daw sana ako? Ohmyghad.

"Omg! Sige sige! Turuan mo ko" Tuwang tuwa na sabi ko sakanya habang niyuyugyog siya.

"Okay, okay. Next time" Saka niya pinaandar yung kotse. 

6:45 na nung makarating kami sa school. Parang may pinagkakaguluhan yung mga estudyante doon. Ang iingay pa nila na nagtititili.

"Anong meron?" Tanong ko kay Ace na kasabay kong naglalakad.

"Ang aga naman magtanong ni Miko nuh?" Narinig kong bulong nung isang babae sa gilid. Miko? Hmm... Familiar. Ah! Isa pala siya dun sa tatlong lalaki.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon