5 days nalang kaming papasok sa school, after nun Christmas break na. At sa ayaw at sa gusto ko ngayon na ang simula ng pangliligaw ni Ace. Hindi ko alam pero may part sakin na nae-excite. Paano kaya mangligaw si Ace? Kyaah. Shet parang ang landi ko.
"Babae bumaba ka na nga dyan andito na sundo mo" Sigaw ni Rese. Magugulat pa ba ako? Si Ace na yan syempre
Pero laking gulat ko nung hindi naman si Ace ang nasa baba. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nafrustrate ako kasi siya yung ine-expect ko
"O Peter, ang aga pa ah bakit andito ka?" Tanong ko sa nakaupong si Peter
"Sinusundo ka?" At dahil ang hirap naman tumanggi sa taong naghirap pang sunduin ako.
Nasa labas na kami nang bahay, bago ako makapasok sa kotse niya nahagip ng mata ko si Ace. Nakatinggin siya saamin. Mukhang pumunta din siya para sunduin ako.
"Tara na" Sabi ni Peter kaya pumasok na ko sa kotse niya. Pero nagmouth ako ng sorry kay Ace bago ako pumasok.
Pagpasok ko sa room nagtataka ako kung bakit sumusunod parin si Peter. Yun pala nagpalipat siya ng section. Kapalit nadin daw ni Kiel sa section namin. Same old style sa school, recess na nga pala. Bibili na sana ako ng pagkain kaya lang may nagabot sakin ng juice at burger may sulat pa.
"May nagpapabigay po. Basahin niyo nalang daw yung sulat" sabi nung nagbigay sakin
Eat well. Smile when you're done reading this. :)
Napangiti naman ako dun, di dahil sinabi niyang ngumiti ako kundi talagang napangiti ako.
"Ayie. Grabe ah Ganyan ka pala kiligin" sabi ni Rese
"Magsitigil nga kayo. Sus" Sabi ko kina Merian habang ngumi ngiti.
Pagdatingan nung mga estudyante dumiretso ako sa upuan ni Ace. Syempre kahit papaano magte-thank you ako.
"Ahm... Ace thank you nga pala sa snacks" Sabi ko sakanya tapos ngumiti
"Masakit palang marinig na nagte-thank you ka. At nakikitang ngumingiti ka" Hala? Paano naging masakit yun? Teka nga ano ba nagawa ko dito? Nagte-thank you lang naman ako eh
"Masakit kasi hindi naman para sakin yang thank you, at hindi ako ang dahilan niyang ngiti mo." Dagdag niya.

BINABASA MO ANG
Clash to Crush
FanfictionClash--- Pag-aaway / Crush--- Paghanga - Hindi ikaw ang tipo ng babaeng madaling magkagusto. Sa katunayan pa nga ay medyo 'Man hater' ka DATI. Dati yun dahil nabago ito ng isang lalaking di mo inasahang babago sa lahat. Ang lalaking mismong nakaaway...