Chapter 21

320 6 2
                                    

Nako nako! Umaga na malayo layo pa kami sa Baguio. Papunta palang kami sa pagkakainan namin ng Lunch. At wala talaga akong tulog! Sus ko kayo ba naman tawagan ng ka bus niyo lang naman tapos magdamag pa, yung hindi ka pinatulog ba. Napansin ko namang huminto kami, narinig ko na may isasakay daw new student ba to? November na ah. late na late

"Cous mukhang may, isasakay dyan ata sayo itatabi" Halata naman Rese diba? Saan pa ba may upuan dito? eh sa tabi ko lang naman

"So? As If naman I care" pagsusungit ko sakanya

"Ay wow ang sungit! May period ka te?" Mapang asar naman niyang sabi

"Ikaw ba naman kaya di makatulog dahil sa MAGUMAGANG TAWAGAN!" pag aasar naman ni Merian

"If I know andito lang rin yang tumatawag dyan! haha" sabi pa ni Rese sabay apir nilang dalawa

"Manahimik nga kayo naaalibadbaran ako sa boses niyo!" sabi ko nalang at saka naglagay ng earphones at pumikit

Naramdaman ko namang may tumabi na sakin, hinayaan ko nalang eh wala pa kong tulog eh edi sana man lang makatulog muna ako diba?

Bigla namang may tumanggal ng earphones ko

"Peste naman. ano?!" sigaw ko sa katabi ko

O_O

Teka nga! Akala ko ba bawal magkatabi ang boy at girl. Bakit lalaki tong katabi ko ngayon?! Kung minamalas ka nga naman. Argh!!! Nakakabwisit!

"Pwede mo bang alisin yang bag mo Miss. Ang sikip eh"

"Ayan."

sabi ko lang at ibinalik na yung earphones ko at pumikit na ulit

*Bzzzzzzt*

Wala na ba tong katapusan!? Arghh! Paniguradong si Ace nanaman to.

"Nakakainis!" Pasigaw kong bulong. pero nung tingnan ko yung cellphone ko wala namang tumatawag. Tumingin ako sa katabi ko..

Sakanya pala yung nagriring. Pareho lang pala kami ng Ring tone >_<

Bumalik nalang ulit ako sa pagpikit

Lord please naman. sana makatulog naman ako kahit saglit

"Miss, Miss gising na"

BWISIT!! ano to lokohan? 5 minuto palang nakapikit ang mata ko! ni hindi pa nga ako nagpapahingga tapos gising!? My Ghad! Mababaliw ako nito eh

"Hindi ako tulog!" Irita ko pang sagot

"Andito na sa kakainan"sabi pa niya at tumayo na

Tumayo na din ako at bumaba. Naghihintay pala sakin sila sa baba ng bus

"Musta tulog mo?" Pang asar pa ni Rese

Nauna nalang ako maglakad at pumasok na sa isang restuarant. kakain ako ng mabilis para makatulog naman ako! Sumunod naman sila sakin at pumasok din sa pinasukan kong restuarant pumipila na sana ako ng bigla akong lapitan ni Ace.Nakatingin lang siya sakin

"What?" Iritang sagot ko sakanya

"Grabe naman sungit mo"

"Ano nga kasi?"

"Wala. Upo ka na dun, ako nalang o-order ano ba gusto mo?"

Ay wow. Buti naman at naging mabait ka -.-

"Kahit ano nalang, o ito bayad ko" sabi ko sakanya at inabot ko ang pera ko pero di niya yun kinuha

"Libre ko" sabi pa niya at ngumiti.

Dumiretso naman ako papuntang table namin, uy lahat pala kaming babae naghihintay lang sa pagkain.Yung mga lalaki pala dun yung umo-order.Bigla namang may lumapit saming lalaki. Yung katabi ko to kanina eh.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon