Chapter 38

245 8 0
                                    

"Kaycee! PINSAAAAAAN. GISING NA DALI." Teka? Diba si Rese yang sumisigaw? Arghhh. Please lang? Antok na antok pa ko dito eh. Wag naman mangistorbo, kahit ba naman sa panaginip?

"KAYCEE KEITH TORRES! DIBA SABI KO SAYO MAGIISLAND HOPPING TAYO? KAYA BANGON DYAN!" Wala ba siyang balak tigilan ako? Kasi ako walang balak bumangon -_-

"Ano ba naman yan. Huy Ace, try mo nga kaming tulungan dito o? Kaysa naghihintay ka dyan." Teka tama ba narinig ko? Ace daw. Wait. Mali. Ano ba naman tong panaginip ko. Umiyak lang ako ng umiyak naparanoid na ko?

Hala. Baka nabaliw na ko.

Narinig kong may naglalakad palapit sakin...

Wag mong sabihing andito talaga si Ace? Wait. Loading loading loading... Ahm... Magiisland hopping kami, nagbakasyon ka, magchrichristmas ngayon. At nasa kwarto kami ngayon! Kasama si Rese at Merian. Kaya impossibleng andito yun.

"Kaycee..." Napaupo ako galing sa pagkakahiga ko nung narinig ko ang boses niya. Andito siya?

"Awwwww." Reklamo ko at hinawakan ko pa yung ulo ko. Nagkauntugan kasi kami.

"HAHAHAHA." Tawa nila Rese sa may pinto. Tiningnan ko nga sila ng masama. Bwiset sila eh?

"Sabi sayo eh. Hirap na hirap kaming gisingin yan pero ikaw isang bulong lang napaupo na." Sige pa Rese, daldal pa.

"Aray ko. Ano ba naman kasi yan? Natutulog yung tao eh" Hindi ako pinansin ni Ace. Naglakad na siya palayo at lumabas na sa pinto. Awh Galit ba siya sakin?

"Hala ka Kaycee. Ginawa mo dun?" Sabi sakin ni Merian. ayan sige pa. Ako nanaman.

Binato ko nga siya ng unan sabay sabing "Ako nanaman pala? Aba malay ko"

"Baba na nga dun, sinabihan na kasing magiisland hopping tayo eh nagpuyat pa" Sermonan mo pa ko Rese. Tumayo naman agad ako at naligo, nagayos na din ako at syempre ang pinili kong suotin yung komportable. Kailangan pa ba kasi talaga akong sumama dun? Mababasa lang ako eh.

Pagbaba ko lahat sila nakasakay na sa bangka. Ah so ako nalang pala talaga ang kulang? Pataas na ko sa bangka.

"Dalian mo dyan Kaycee! Bagal bagal nito kakaladkadin kita pataas dito eh" Eto na o. Di makapagintay tong si Rese eh... 

"Eh kung yung buhok mo kaya ang kaladkarin ko dito eh? Maka pag ----" 

"AHHH!" Shet lang? Sa sobrang pagmamadali ko nadulas pa ko. Bwiset. Eh lahat sila nakaupo na sa bangka wala tuloy na tumulong sakin. Ayan edi nabasa na agad ako!

"HAHAHA." Tawanan nilang lahat. So wala silang balak tulungan ako?

"Eh kung tinutulungan niyo kaya ako ngayon? Bwiset talagang mga to eh." Reklamo ko at tumaas na ulit sa bangka. Nagdahan dahan na ko. Ngayon pa lang tuloy giniginaw na ko...

"Wear this." Nagulat ako sa biglang nagsalita pagkaupo ko palang. 

"Titingnan mo nalang ba yan?" Tanong niya ulit. Eh? 

Kinuha ko naman agad ang damit na binigay niya. Ano bang gagawin ko dito?

"Ahm.. A-ace? A-no gagawin ko dito?" Bakit nauutal na ko?

"Kailangan ba paulit ulit? I said wear it." Bumabalik na siya sa dating Ace :( Yung pinakaunang Ace, yung nakaaway ko.

"Wag na. Ayos lang, salamat nalang" Sabi ko sakanya tapos tumingin na ko sa dagat. Umaandar na din kasi yung bangka.

"Kaycee, suotin mo na." Medyo malumanay na ng konti yung boses niya. Napatingin naman ako sakanya. Napaiwas din agad ako ng tingin ng mapansin kong nakatitig siya sakin.

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon