Chapter 46

165 11 0
                                    

KAYCEE'S POV

January 26 na ngayon. 1st monthsary namin. Buti nalang at wala kaming pasok ngayon at makakapagcelebrate kami ni Ace. So far matatag naman kami. Nagaaway paminsan minsan, pati talaga maliliit na bagay nga pinagtatalunan pa namin.

Pero hindi naman niya ko natitiis kaya hindi lumilipas ang araw na hindi siya sakin nakakpagsorry at hindi kami nagbabati. Ganun lang ang cycle namin. Away, bati, away, bati. Sabi nga nila Josh mukhang aabutin kami ng habang buhay nito dahil kung makaasta kaming dalawa para kaming magasawa.

12 midnight palang binati na ko niyan ni Ace ng happy monthsary. Ayun tuloy, hindi na din ako nakatulog. Hindi ko nga alam anong plano niya eh. Basta hindi kami sasabay kina Xander! Nagyaya kasi sila ng double date kasi parehas naman daw ang monthsary namin sakanila, pero tumanggi ako.

"Kaycee! Andito na sundo mo sa baba!" Sabi ni Merian. Kahit hindi na niya bangitin alam kong si Ace yan. Kanina pa ko nakapagprepare kahit ang usapan namin ay 9 am kami aalis. 8:30 palang naman kasi.

"Sandali! Pababa na ko." Sabi ko at tiningnan ulit ang sarili sa salamin. Nothing new... Nilugay ko lang ang buhok ko, walang make-up na nakalagay sa mukha ko, naka checkered lang akong long sleeves, pants at rubber shoes.

Habang pababa ako ng hangdan napansin kong kung gaano ka simple ang look ko! Nakakahiya sa kasama ko! Although naka V-neck na long sleeves at pants lang naman siya ang gwapo gwapo niya pading tingnan. Feeling ko magmumukha lang akong Personal assistant niya eh.

"Wow naman. Pasimplehan ba to ng damit? Nagusap ba kayo ng susuotin niya ah?" Pabalik balik pa ang tingin samin ni Rese. Umiling lang ako at tumawa.

"Ako lang ang simple dito eh! Tingnan niyo nga yang kadate ko! Mukhang artista tapos ako yung maid niya!" Natatawang sambit ko. Linapitan ko na si Ace at hinila pababa. Pinagbuksan niya ko ng pintuan. Napangiti ako sa naamoy ko. Natural na amoy nalang ni Ace ang namamalagi sa buong sasakyang ito. Sinabihan ko kasi siyang alisin yung air freshner niya.

"You look so beautiful" Mariin niyang sabi pagkapasok na pagkapasok sa sasakyan niya. Bigla namang tumaas yung dugo ko papunta sa pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Araw araw ata kitang sinasabihan niyan pero araw araw parehong reaksyon lang din natatanggap ko." Tumawa siya ng pagkalakas lakas. Ghad! His laugh!!!! They're music to my ears!

Hinampas ko ang braso niya, "Walang ya ka talagang Ace ka! Blush on lang yan!" Depensa ko pa. Para lang mapagtakpan na namumula ako, kahit na hindi naman ako nagbablush.

Naningkit naman ang mga mata niya bago inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Mas lalo tuloy akong namula. Nagiwas nalang ko ng tingin sakanya.

"You dont like putting blush on right?" Bigla niyang pinunasan yung pisngi ko. Yung parang may tinatangal siya. Pinilit ko namang ialis yung kamay niya.

"ACE!" Humagalpak nanaman siya sa tawa. "See? Hindi yun blush on! You're really blushing." Natatawa niya pang sabi sakin. Sagad na sagad na talaga ang pamumula ko dito.

"Tseh! Paandarin mo na nga yang sasakyan mo! Saan ba tayo pupunta?" Pinaandar na nga niya yung sasakyan niya nang nakangiti parin.

"Sa Hotel gusto mo?" Sabi niya sabay hagalpak nanaman sa tawa. Pinalo ko ng paulit ulit yung braso niya kahit pa nagdadrive siya. "Hey! Im driving, you stop it."

"Ikaw ang tumigil! Nakakainis ka na ah!" Tinigil ko nalang ang pagpalo ko sakanya at tumingin nalang sa daan. Bwiset siya! Monthsary na monthsary namin nangbabadtrip.

"Oo na po. Ayokong mamula ka sa galit, sa kilig lang dapat." Sabay sulyap at kindat niya pa sakin. Bwiset! Hinampas ko nanaman siya ulit.

Buong byahe namin nangasar lang siya, at ako naman nanghampas lang! Hininto niya yung sasakyan sa likod na gate ng school namin. 

Clash to CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon