Warren's point of view
"Puntahan mo na!" pasabing utos sa akin ng kapatid ko.
Sinilip ko pa ang babaeng itinuro niya. "I don't want to do this," nagdadalawang isip kong saad sa kanya.
Kung seryoso na siya kanina ay mas naging seryoso pa siya. "Napag-usapan na natin 'to." He looked at his watch quickly. "Ma-le-late na ako sa flight, Warren."
Inayos ko ang sarili ko.
Hindi alam ng girlfriend niya na may kakambal siya at ako ang kakambal ni Wade. Identical twins kami, kaya nahihirapan ang maraming taong kilalanin kami. Magkasingtangkad, pareho ng skin color, pareho rin ng hairstyle at pangangatawan.
"Bakit kasi hindi ka na lang makipaghiwalay sa kanya?" tanong ko pa.
He shook his head. "No. Hindi ko na sasabihin kung ano'ng dahilan."
"This is shit, bro!" iritadong singhal.
"I have to go! Huwag mong kalimutan lahat ng itinuro ko sa 'yo. Act like me, Warren!"
"W-wade—"
Then he ran away.
Napakamot ako sa ulo. How could I act like him? Magkaibang-magkaiba kami ng ugali.
Wala na akong nagawa, I walked towards her. Muntik na akong maging bato sa kinatatayuan ko. Ibang-iba siya sa malayuan, kapag lumapit ka sa kanya ay mamamangha ka.
S-she's beautiful.
"Wade!" Kaso nagulat ako nang isinigaw niya ang pangalan ng kambal ko. Akala ko ay mahinhin ang babaeng 'to.
"Babe!" masaya ko rin na tugon.
Ang corny shit! Pero kaylangan kong gawin.
"B-babe?" Nahinto siya sa pagngiti nang malawak sa 'kin.
Babe? H-hindi ba nila tawagan 'yon ng kapatid ko? Holy shit! Naalala ko na ang sinabi ni Wade sa akin. Wala silang endearment ng girlfriend niya!
Bigla akong nagpanic. "Ah! HAHAHAHAHA I mean, Xeyn," natataranta kong banggit sa pangalan niya.
Pero imbes na ngitian ako ay mas lalong nagsalubong ang kilay niya.
What should I do? Sabi ko na nga ba, hindi ko kayang gayahin si Wade!
"Y-you laughed?" utal niyang tanong.
Tumawa ako? Shit! Hindi ba tumatawa ng gano'n si Wade?
"N-nope! H-hindi ako tumawa." Bigla kong ginawang seryoso ang mukha ko.
She bit her lower lips. "Nakita ko! Nakakapanibago, hindi ka madalas tumawa nang ganoon. T-then your voice . . ." She cut her words.
Napangiwi ako.
Suko na ako! Hindi ko kayang gayahin ang kambal ko!
"M-my voice?" tanong ko.
Kinabahan agad ako. Lalo na't hindi kami masyadong magkaboses ni Wade.
"Ang smooth hehehe, nasanay kasi ako sa deep voice mo," sabi niya, bigla pa siyang napakamot sa ulo na tila ba nahihiya.
Ano'ng gagawin ko?
Walang sabi ko siyang inakbayan. Halata ang labis na pagkagulat niya sa ginawa ko. Inangat niya ang paningin sa akin at agad ko rin na sinalubong ang tingin na 'yon.
"W-wade, sure ka ikaw 'yan? Ahahaha, nakakapanibago."
Tinanggal ko agad ang pagkakaakbay sa kanya.
Shit! Napakadami kong mali!
"S-sorry, masama lang pakiramdam ko." Pinilit kong gawing seryoso ang boses ko.
Narinig ko pa siyang tumawa. "May sakit ka ba? Let me check you."
Akmang idadampi niya ang palad sa noo ko pero pinigilan ko agad siya. Dahilan para mas lalo siyang magtaka sa mga ikinikilos ko.
"Wala pala ahahahaha, tara na." Walang sabi ko siyang hinila palabas ng resto.
Napangiwi ako. This is hectic! Tumawa na naman ako. Hindi ko kayang baguhin ang sarili ko.
My personality? Masiyahin akong tao habang 'yong kakambal ko na si Wade ay seryoso at hindi palatawa. Kaya paano ko siya magagaya? This is risky. Bakit kasi pumayag pa ako sa gusto niya! Sana lang makauwi nang mas maaga ang kakambal ko.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...